Saturday, April 04, 2026

PAGSUSURI SA SARILING DAMDAMIN AT KILOS

Nuon pa, Mahal na Araw ang pinakagusto kong okasyon sa Pilipinas. Kasi taimtim, tahimik simple banal, at ito ang panahon na nararamdaman ko na napakalapit ko sa Diyos. Nuong bata pa ako ay sumasama na ako sa prusisyong-bayan, nang mag high-school at college ay nagfa-fasting ako ng halos 24-oras na hindi kumakain, at nagtratrabaho na ako nuon nang sumama ako sa Alay Lakad. At higit sa lahat, ito ang panahon na nakakapagmuni-muni ako.


Tuwing Mahal na Araw, kadalasan ay Biyernes Santo, ay naglalaan ako ng oras ng pagsusuri sa sariling damdamin at kilos na isipin ang buhay ko at kilatisin kung makasalanan ba ako? Nung panahon na nasa 20's hanggang 30's ako, tuwing pagmumuni-muniko ay palagi iyung kung ano ako ang pinaguusapan namin ng Diyos Taun-taon ay kinakausap ko Siya at tinatanong kung bakit. At taun-taon din na sinisisi ko ang sarili ko, ihinihingi ko ng tawad sa Diyos at ipinagdadasal na sana ay maitama ko ang sarili ko. Umiiyak ako dahil sa pakiramdam ko ay ito ang humahadlang sa buhay ko para kunin ko ang mga pangarap ko, maging buo ang pagkatao ko, at maging masaya akong tao na nakikihalubilo sa iba, pero wala akong magawa na para bang hindi ako para duon.


Pagkalipas ng maraming taon, kapag nagmumuni-muni na ako ngayon ay tinitingnan ko iyung malayong pinanggalingan ko, yung maraming taon na dinaanan ko, at iniisip ko kung naging mabuti pa rin ba akong tao? Makasalan na ba ako? Sinusubukan ko laging maging patas sa kapwa at komunidad ko. Hindi naman ako yung mapolitikong tao na nilalaro ang sitwasyon at ginagamit ang impluwensiya upang makuha ang gusto. Hindi rin naman ako iyung mapanglamang nagpapahamak, naninira, palapintas, nananakit ng kapwa. Minsan nagsisinungaling ako, nakakapag-uwi ako ng maliit na gamit, at may oras na nagiging mapanghusga. Pero ang malaking kasalanan na iniisip ko ay katulad pa rin nung ipinagmumuni-muni ko nuong 20s hanggang 30s ako. lyun ang ikinakatakot ko kung pagdating ng araw na huhusgahan na ako ng Diyos. Bagamat hindi ko naman isinasagawa, ngunit ang pag-iisip at damdamin ko ay hindi ko kayang pigilan at duon ako nakakaramdam ng nakukunsiyensiya.


Itong mga sumusunod sa salita na lamang ang nagpapahinahon sa akin kapag naririnig o nababasa ko: Ang ating mga nakikita, naririnig, at pumapasok sa ating isipan-marumi at mali man, ay hindi natin kasalanan. Hindi ito nagpaparumi sa atin dahil wala tayong kontrol sa mga iyun. Sa halip, kung ano ang mga lumalabas sa atin tulad ng mapanira at masakit na salita sa kapwa at mga gawain na labag sa mga kautusan iyun ang nagpaparumi sa atin dahil ang mga iyun ay galing sa ating puso, damdamin, at kunsiyensiya. lyun ang kasalanan dahil may kontrol tayo na huwag gawin ang mga iyun pero ginagawa pa rin natin.


Ang mahalagang natututunan ko: May mga bagay na wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang. Ang mga bagay na hindi naman natin hiniling o pinili kundi kusa at nasa atin na sa pagsilang pa lang natin. Tulad ng kung ipinanganak kang pilay, hindi mo kasalanan yun. Kaya habang lumalaki ka, kumikilos ka kung paano kumilos ang isang pilay. Kung may pagkakataon kang makagawa ng paraan na magkaroon ng artipisyal na paa upang mas makakilos ka nang mas madali at mas mabuti-walang masama sa pagbabago kung wala ka naman tinatapang ibang tao. Ngunit kung gagamitin mo ang sitwasyon mo upang magkamal ng pabor at benepisyo-duon ka nagkakasala


Mahalagang aral Para sa lahat: lahat tayo ay makasalanan pero pilitin pa rin ang makawala sa kasalanan. Huwag isabuhay ang imoralidad tulad ng pambabastos, kasinungalinan, pananakit ng kapwa at pagpasok sa bawal na relasyon. Isipin palagi ang pagdating ng araw kung ikaw ba ay makakasama sa paraiso o hahatulan ng kaparusahang walang hanggan.

Saturday, March 28, 2026

UNDER THE STATE OF WAR

War hits the biggest life of ordinary people. When the powerful and ambitious leaders staged war, it is not them who suffer the most and not the direct casualties affected by the war but it is the common people or the poor civilians. Whether they like it or not, the ordinary people are the first in line casualty of war. While the powerful, ambitious, and great leaders who waged the war are in their secured and comfy place, then the private citizen unarmed protecting themselves, especially the children who are not capable of saving themselves from war, are directly facing the danger, running for their life from one place to another, struggling with discomfort, and suffering the national, social and emotional results of war.


When the leaders declared the state of war despite the ordinary people opposed it, the people became obligated to defend their society. They can't do anything no matter how they dislike the conflicts or the warfare and violence, they do not agree with exchange of bullets, grenades and rockets, nothing they can do if the leader wished it. Our great leaders could say the battle cry is for the Mother Land, but how about the greater world? The billions cost spent in war to prove who's right and might will not tantamount to the ease of peace. The mental and emotional stress is extremely so high amidst of the eerie sound of explosions, gruesome widespread violence, and pounding heart in intense fear. The display of power seen in the skies is on fire witnessing the air strikes of drones and rockets both intercepted and hit the targets. The vessels of the troops are sailing, and so the assault of armed forces in the armoured vehicles. Out of nowhere and anytime, there are the explosions of grenades and bombs, fires of artilleries and mortars. Every siren is always threat of danger that makes the victims feel the anxious and paranoid, causes panic and psychological pressure.


There is no win in war but only lost, it is repeatedly said and heard but it is always true. Everybody is loser because the victims of war are the whole people. The lives that killed are the collateral damage, the livelihood that gone, the property and infrastructure that destroyed, the economy that collapsed, the trauma it caused to human, and the future that risked especially the children deprived of their future, these are the pay of war. There is no victory here because there is total disruption of daily life. The amount of massive destruction of infrastructures and life is state of crisis that tremendously impacts the life that would so hard to go back to normal.


During this less fortunate time of conflict, the second-rate citizen or the laymen we are, politically we do not hold our own fate, nor we really do not own our desire, world and life because in reality, we just follow and obey what superiors told us and we really cannot do about it. We are actually submitting our lives to these leaders. Anytime they want to stage war, we the ordinary and common people cannot prepare. And it is really so difficult to hold the feeling of uncertainty in times of hostilities. You fear of losing job that will mean losing the life you have built for your family. You really dedicated your whole life to work so hard to get the goals and the small comfort you dreamed, you pursued for so many years to improve your life, saved money, invested gold and properties to secure your future, and persevered to live fairly without troubling others but all of these will gone in a snap because of war that your leader wanted. All these sacrifices will become useless and senseless just because of your leader's decision of declaration of war. You have nothing to do with it and did nothing fault about but you're already implicated on the thing they created.

Monday, March 23, 2026

NAGBIBILANG

Kung tutuusin, wala ng dalawang taon.

Ako'y aalis, tuluyan ng pipirmi sa aming nayon.

Ang magkita muli'y wala ng pangalawang pagkakataon.


Kung tutuusin, pwede na akong magsara ng mga kahon,

iyung paglalagyan ng mga alaala ng ating kahapon.

Gusto ko ng ilayo ang loob ko simula ngayong taon

sa mga tao na nakasama ko sa matagal na panahon

upang 'di ako lubhang mahirapan pagsapit ng araw na yon. (final exit, for good)


Kung marami akong mga mababaw na tanong;

o may mga bagay na hindi ko na dapat itanong,

kung madalas ko kayo yayain makasama sa hapon,

iyun ay sa kagustuhan kong alaala mo ay maipon.

Itatago ko sa aking isip, sa pag-uwi ko ay aking baon.

(pati mga souvenir, mga pasalubong)

Upang pagdating ng araw magiging ating koneksiyon.


Hanggang mararamdaman mong hindi na ako nagtatanong,

hanggang para bang wala na ang komunikasyon,

kapag ang mga gawa mo'y di ko na binibigyan ng atensiyon.

(mga post, mga tanong) 

Ayoko na kasing mapalapit pa sa iyo,

hindi dahil tingin ko'y wala ka ng halagang tao

kundi iyun ay dahil sa paghahanda ko ng lumayo.

Dahil ayokong maging masakit ang paglayo, iyun ang totoo.


At kung sa 'king pag-uwi'y magkaroon ng oras magkita tayo, 

Maaaring sa Pampangga, Tarlac, Pangasinan, Bulacan, Angono,

O baka sa kalakhang Maynila, Rizal, Davao, Iloilo, Cebu, o CDO.

At doon ko mararamdaman, pagkakaibigan ko dito' tunay at totoo.

Thursday, March 05, 2026

SUWERTE-SUWERTE LANG

Minsan kapag nagmumuni-muni ay napapaisip ako nang malalim, 

kung patas kaya talaga ang buhay natin.

Nagkukumpara ako,

kasi habang ako ay hirap makuha ang mga gusto, 

may ibang tao na madali lang makuha ang kanilang gusto.

Mayroong buwenas at mayroong ang suwerte'y hindi nagkakatotoo.


Tila ibong sa paglipad ay pumapagaspas, ako'y napapagod ngunit walang wakas.

Ang mga mata'y nangangahas maging mapalad makita ang buhay na patas.

Kahapon ngayon bukas, may bakas ng pagbigkas sa dasal na wagas.


Nasa punto na ako na malapit ko ng iwanan ang pagtratrabaho,

nang hindi ko man lang naranasan maging kuntento sa aking trabaho at suweldo.

Baka hindi ako kumilos o walang ginawa?

Sinubukan ko naman, ilang beses pa nga.

O baka kulang ang ginawa ko?

Bukod sa dasal, kumakausap ako ng tao, para makiusap baka makatulong kako-wala ring nagkatotoo.

Pero bakit iyung iba, ang suwerte lang na ibinibigay iyung ipinagdarasal nila?

Nakukumpara ko nga sa kanila ang sarili ko.

Merong pareho lang naman ang uri ng aming trabaho,

pero napapaganda sila ng puwesto at suweldo.

Nakikita ko, hindi sa pagyayabang pero mas magaling pa ako

o mas marami pa ang mga ginagawa ko.

O kaya naman sila nakikita ko nakukuha pa mandaya at magloko.

O mayroong dahil sa ugali ay mahirap silang katrabaho,

Merong palapintas, mapanghamak at mayabang o palalo.

At meron pa nga ang buhay ay lihis sa moralidad na nababalitaan ko.

Pero ako na hindi naman - bakit 'di dapuan ng suwerte o milagro?


Tila ibong sa paglipad ay pumapagaspas, ako'y napapagod ngunit walang wakas.

Ang mga mata'y nangangahas maging mapalad makita ang buhay na patas.

Kahapon ngayon bukas, may bakas ng pagbigkas sa dasal na wagas.


Ang iniisip ko na lang, kulang pa ginagawa ko,

kulang pa ang kabutihan ko.

Siguro, kapag umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay at kuwarto,

kapag iyung hindi ko na sila nakikita ay baka napakarelihiyoso nilang tao.

Kumpara sa akin siguro'y mas marami sila natutulungan hayag man o patago.

Alam ko wala ako sa posisyon na husgahang mabuti o hindi ang tao

dahil hindi ko alam ang lahat-lahat ng ito.

Iniisip ko na lang, patas lang ibinigay sa akin, sa kanya o sa iyo.

Siguro kailangang kumita sila nang mas malaki dahil mas malaki ang pangangailangan nila, o baka mas marami ang umaasa sa kanila.

Ewan, hindi ko na alam yun kung anuman.

Siguro kung wala man dito sa lupa ang aking totoong kasiyahan,

sana sa ikalawang buhay ay duon ko makikita ang hinahanap kong kaligayahan.

lyung hindi na ako magpapakahirap upang maging maligaya na magiging akin nang walang-hanggang saya.

#UnspokenPoem #SpokenWordPoetry

Saturday, February 21, 2026

GOOD PEOPLE

People should not antagonize Alvin Aragon's point of views and opinion when it comes to his faith but understand where he is coming from. He had past mistakes, repented and now living his life according to the teachings. He has points, a lot of points actually, but they were misunderstood and lost because of the delivery how he articulated his words, how he conveyed his opinion, how he laid his points. It is how he spoke it. Of all these, our answer should be kindness


True, you will be persecuted because of your faith. Like us, he was a sinner but he has changed unlike most of us. He had dark past but he found God, able to repent and followed the words of God. He preaches the scriptures because he knows he's the living proof to attest the words of God. I fully agree with his belief but I do not agree when he gives the verdicts through his power.


His is valid but when you control others and when you attack other people, there draw the line between good pastor and turning into false prophet. There where the arguments start, people will disrespect your truth and facts because you judged them. Do not use other people to praise yourself. Let us not judge other people just because we know that we are the right, the good, and the truth. Because this is where we become wrong even our intention is good. This exactly goes to saying to be more kind than right.


Yes, women should not be dressed up showing skin in public because this poses for other men tempted to commit sin. And yes while indeed it is true that these women have nothing malice wearing such dresses and malice could be only in the eyes of the onlookers, we have option from the start to skip any of these both the onlookers and the women. This is exactly why our Muslims brothers are covering their women with abaya clothing and jihab since old times up to these days. It is the same with our Christian's conservative clothing during 19th century era when our women were covered with long Filipiniana dresses but have just changed today.


I understand his stand against homosexuality which is man and woman only but we should not invalidate the creation of homosexual man and woman. It is in the blood since birth that a child will feel naturally even without anyone is coaching and ordering. It is not abnormality that should stigmatize, not illness that should cure, not infection that can get. It is not intentional, prayed for, and choice but an identity like emotion and behavior. In the book they were condemned not because of their existence but because of their acts because there is nothing wrong of being homosexual, but what makes it wrong like any man and woman is the act. What comes in to your sight, mind, and emotion is not wrong but what comes out from you makes you dirty because it is from your heart


Religion is an old, long and maybe ünending debate. It teaches us the good news but it is our faith that will do our salvation. Do not be self-righteous as if you are the one who is right, do not fight just to prove you are right. Just because you are preaching the words of God means you will go to heaven. If you want to be save, being good is not exclusively being religious but it is investing good deed. God wants us to spread the good news but if you do not have the gift and opportunity to do it, then there are other ways you can do like being good leader, neighbor, leader and citizen. Be good a Samaritan and most of all be a good person even when no one is seeing, looking, and watching.

Friday, February 13, 2026

 MAHINANG NILALANG BA

Kasama ang bullying at corporal punishment sa mga kabataan, ang kalagayan ng kalusugan ng kaisipan ay naririto na simula nuong unang panahon pa, mapalad lang tayo dahil ngayon ay bukam-bibig na ang kalusugan ng kaisipan. Ito ay palakasan ng loob, kailangan ang tibay ng damdamin na hinarap ng mga kabataan sa magkakaibang paraan at panahon. Kung paano ang pagpapalaki sa kanila ay masasabi mo ba kung ano ang tama at sino anng mahinang nilalang? Hindi dahil madalas itong nababalitaan ngayon ay masasabing mahihina ang mga kabataan ngayon. Kung ang tingin ay mahihina ang mga tao ngayon dahil mas maraming nangyayaring ganito kaysa nuon, ito ay dahil mas marami ang mga tao ngayon, mas malawak ang pinangyayarihan, at mas mabilis nakakarating ang mga balita sa ating kaalaman


Ngayon higit kailanman ay napag-uusapan na ang mga ito na para bang ang mga ito ay ngayon lamang. Nuon pa man ay dumadanas na ng depresyon ang mga tao bata o matanda, pero hindi pa nila alam na depresyon na iyun dahil kulang pa sa kaalaman ang marami nuon. Hindi pa nasasaliksik nang malalim kung kaya hindi pa nalalapatan ng epektibong pag-aalaga at lunas. Kaya hindi naitatama at nagagamot dahil hindi pa malawak ng kaalaman natin nuon sa depresyon. Nagiging kahihiyan pa ito dahil may kaakibat na panghuhusga sa pag-iisip ang tao na dumadanas nito kaya ito ay nagiging tahimik na sariling laban. Mayroong din mga sumuko nuon, maaaring hindi marami ang nabalitaan dahil walang social media nuon, dahil itinatago pa ito nuon, dahil itinuturing na mortal na kasalanan ang sumuko at nagiging batik sa pangalan ng pamilya.


Pamamalo, pagpingot, pagpapaluhod, pagpapatayo sa klase - tinititiis ng mga bata ito dahil iyun ang mga prusa sa ginawa nila. May mga nakakaranas din nuon ng pananakit mula sa dominanteng kaklase. Mayroon nagsusumbong sa magulang o guro para ipagtanggol ang sarili, ngunit meron din naman nagsasawalang-kibo at tinitiis na lamang ang sakit at lungkot. lyun ay dahil maaaring natatakot sila na kagagalitan pa sila ng sariling magulang, o maaaring natutunan na nila ang sakit na nararanasan nila sa mga sariling magulang na rin. lyung hindi ka maaaring mangatwiran kaya natututunan mo na ang magtiis kapag sa labas ng bahay inaalipušta ka at sinasaktan ng ibang tao. Marami ang umiiyak nuon pero hindi ipinapakita sa mga tao, oo malakas sila dahil kaya nilang tiisin ang sakit pero sa kanilang pagtanda ay duon mararamdaman ang kabayaran ng totoong sakit ng kanyang mga tiniis. Mayroon mga kalupitan na nangyari nuong kabataan na kapag sumapit na sa isang edad ay duon nararamdaman ang sobrang kalungkutan at sakit na ngayon ay sarili mismo nila ang nagdurusa. Tama ba ang naging kalakasan nila nuong araw na tinitiis ang lahat ng sakit at hirap?


May mga nahulog sa mga bakod at puno, nadapa sa takbuhan, natusok ng basag na bote sa paglangoy sa ilog, natinik ng pako sa kalsada at hindi nila sinasabi sa mga magulang dahil kagagalitan sila lyung kapag may natuklasan silang aral mula sa mali ay sinisiil nila ang kanilang kalooban na mangatwiran pero hindi magawa dahil bawal nuon. Maaaring malakas dahil kayang magtiis, pero mahina dahil hindi kayang tumindig at ipagtanggol ang sarili. Ngayon, iyung mga batang dinisiplina sa pisikal na parusa, mga batang lumaki sa kalsada na nagtiis sa sakit nuon ay sila ngayon mga nasa katungkulan na namamahala sa atin, ang ma ordinaryong mamamayan na mahilig magreklamo, sila na ang mga magulang na nagtuturo at nag-aalaga sa mga kabataan ngayon, sila iyung nagsabi na hindi nila gagawin ang ginawa ng magulang sa kanila kaya hindi sasaktan ang mga anak.... sila ngayon ang nagsasabi na mahihina daw ang kabataan ngayon dahil konting hirap ay sumusuko, konting sakit ay umiiyak. Hindi ba sila nga ang mga magulang ng mga batang ito ngayon? Masasabi ba na mali pala ang pagpapalaki sa mga bata na pinalaki sa pisikal na disiplina nuon? At meron din naman na iyung mga nagtiis nuon sa mga pang-aabuso ng mga nakatataas at mas malakas sa kanila ay ngayon dumaranas ng depresyon na umuusig sa kanila.


Iba ang "lakas ng mga bata ngayon dahil ang kanilang kakayahan na makisabay sa ingay, sa gulo, at sa bigat ng mga nangyayari sa kapaligiran nila ay maaaring hindi kakayanin ng mga kabataan nuong araw. Ang komunikasyon ngayon ay bukas sa lahat ng tao bata man o matanda, ang isang kabataan na may murang isip ay nakikipagsabayan sa komunikasyong ito, isipin mo kung gaano sila katatag dalhin ang sarili sa ganitong sitwasyon. Sa mga nangyayari sa kapaligiran ngayon, kung ang tao nuon ay dalin ngayon ay mas marami sa kanila ang susuko. Kung dalin mo ang mga tao ngayon sa panahon nuon, mahaharap nila nang tama ang sitwasyon nila at mas kakaunti ang mapapatalo sa sitwasyon. Kung madalas man tayo nakakabalita ngayon ng mga nagpapatalo sa depresyon, ito ay dahil mas marami ang mga tao ngayon. Kung ikaw ay nasa henerasyon na mayroong 36-48 milyon ang bilang at ang komunikasyon ay limitado, kapag ikaw ay narito pa sa henerayon ngayon na mayroon 114 milyon ang bilang at nakatambad sa lahat-natural na mas marami kang makikitang mahina, hindi disiplinado, mahihirap, atbp. Mas marami ang nakikita at nababalitaan kaysa kung ikukumpra nuon sa panahon na mas kakaunti na ang tao ay itinatago at tinitiis pa ang nangyayari.


Ngayong bukam-bibig ang usapin sa mental health, anxiety, depresyon, bullying, at corporal punishment, naikukumpara ngayon ang buhay nuon at ngayon ng mga tao, kabataan man o matatanda. Nuon pa man ay nangyayari na ang mga ito. Parehong hinaharap pero sa magkakaibang paraan pero wala sa panahon para sabihin na mas malakas ang mga nilalang na mga tao nuon at mas mahina ang ngayon kapag sumusuko sa mga hamon ng buhay dahil magkakaiba ang bumabalot na hamon at sitwasyon.

Saturday, January 10, 2026

SALOOBIN

Ano ba ang aking misyon 

sa daigdig na kinagisnan ko

Ako ba'y nabubuhay para sa ibang tao

taga-punan ng kanilang gusto?


Mula't-sapul ay lagi akong nakikiusap

naghahabol, sumusunod.

Ano pang kailangan kong gawin sa kanila ay alinsunod

Upang mapatunayan lang ang sarili 

at sa kanila'y mapabilang 

ay kailangan ko ba'ng magpatianod?


Sa aking mga kamay na nag-pagal 

na naghihirap na nang kay tagal,

buong lakas ko'y inaalay nang bukal 

sa aking mga minamahal.

Ngunit tila nagiging pusong-bakal

ang bubog ng nakaraan ay kakambal 

Kailan sila matatapos, tanong ko sa'king mga dasal

Kasagutan ay kailan sasabihin ng Maykapal?


Ang mga bigat na sa likod ko ay pasanin 

siguro nga ay hindi sila napapansin.

Pero ang lahat ng ito ay bale-wala sa akin 

dahil sa mga ito'y nararamdaman ko aking kahalagahan.

Ngunit hanggang saan ang kailangan kong gampanan

Kung dumating ang araw, ako'y tila wala ng kapakinabangan. 

Ako ba ay pasasalamatan na aking mararamdaman?


Para sa aking mga bubog ng nakaraan: 

Ako ay lalaban hindi para sa kaninoman 

Ako ay magsisikap upang sarili ay pahalagahan 

Sa aking sarili ay aking patutunayan 

sa pagsubok ay 'di magagapi ngayon at kailanman.

Thursday, January 01, 2026

2025 EXPERIENCE

10, 9, 8...... 3, 2, 1, 0!!!

As the previous year has just turned to end, let me ponder some thought before I take the leap into the brand new year that has just started.


2025 was tiring, I started it having my self-esteem practically down. My work hit me hard during that time that I constantly questioned my value and worth. Here started my points of view about being smart versus being kind. Although that did not last long, but financial challenges made felt between now and then until thing became even tougher at least towards the end of the year: I was feeling dumped, and I thought 2025 was tiring. For 2026, I might only check up on those who check up on me, will only call people who call me, will text people who text me. Mirror method, sad and hard but this is how 2025 taught me. Some seems have hanged, do not care after me. I just feel like I'm really do not matter to them, maybe not needed anymore, and might as well I give up and let them go.


The past year was a little tougher; enough to claim has survived that year. I started it with tight budget. I thought I can handle it until I realized I am not running out of expenses. Seriously. I faced financial difficulties during the year. I cannot imagine how I did it but I had able to pay for the amount that I can't afford to save in a year. I did not bother any of my closed ones, I didn't want to bring back favors or oblige them helping me out. Instead I'm just the one who did sacrifice. For one thing, my tightening the belt practice has paid off. This year, I think I might really need some help from them.


I started it boldly and assertively. They said you will never know until you do it, so I risked and then see what "will be" will be. Now, I am more than half way of completing it. Thankful that I did it and thankful that I trusted my feeling, all these for my retiring home.


Since the last three years, I am starting to prepare myself to feel fast my approaching new chapter in life as senior citizen. I am wishing to get rid of some feelings for friends in this place to make leaving them is easier and lighter when back to my base. 2025 challenged my readiness. I felt I am ready but there were times I found myself affected of the coming parting ways. For 2026, expect I will be a little recluse because I want to become tougher, I want to value myself, take care of my mental health, living my own life alone, and give a cheer that I deserved.


It is road to 60.