Ang isang katotohanan na masakit tanggapin ay ang malaman
mong niloloko ka, niyuyurakan ang iyong pagkatao, at harap-harapan kang
winawalanghiya. Ang mga taong
pinagkatiwalaan at pinaniwalaan mong mag-aalaga sa iyo at paglilingkuran ka ay
sila palang sasaksakin sa iyo sa talikuran.
Ganito ang nararamdaman ng mga taong-bayan sa iskandalo ng PDAF: Priority Development Assistance Fund o mas
kiala sa tawag na pork barrel (pondong pampulitika).
Bilyong halaga ang pinaguusapang ninakaw sa kaban ng bayan. Pera ng bayan na nanggaling sa mas nakararaming mga mahihirap na Pilipino, pera na nanggaling sa mga ibinayad na buwis ng mga mamamayan. Perang inipon sa kaban ng bayan para pangtustos sa mga gastusin ng bayan at para sa mga pangangailangan ng taong-bayan, pagkatapos ay malalaman mo lang na ginagamit ng ilang tao sa pansariling pangangailangan at luho. Masakit kapag nalaman mo na nagpapakahirap kang kitain ang barya-barya mong suweldo, na sa ayaw at sa gusto mo ay babawasan ng buwis para sa gobyerno at pagkatapos ay napupunta pala sa bulsa ng ibang tao na mas nakakariwasa sa buhay na iyong pinagkatiwalaan. Paano mawawala ang masamang pagkakakilala mo sa gobyerno at sa mga politoko kung lagi na lang laman ng balita ang kanilang korapsiyon na ginagawa?
Magtataka ka pa ba kung bakit walang nangyayari sa ating bayan? Ang daming proyekto para sa ikagaganda ng ating bayan at pinaglalaanan ng pera pero walang napupuntahang konkretong proyekto. Ang daming pera ng bayan, ang taunang budget na umaabot ng bilyon ay wala namang pangunahing panggagalingan kundi sa mga ibinabayad ng taong-bayan mula sa napakaraming buwis. Bakit hindi malutas ang napakatagal ng problema sa baha bagamat mayroong nakalaan na pera dito na mula sa flood tax? Bakit hindi nabibigyan ng kaukulang biyaya ang mga sundalo at kapulisan? Bakit hindi gumaganda ang sektor ng agrikultura? Bakit hindi umaaangat ang kalidad ng buhay ng mamamayan? Bakit hindi magawa ng mga ospital ng gobyerno ang magbigay ng magandang serbisyong medikal sa mga mamamayan? Dahil ang pera na nakalaan para sa mga ito ay ninanakaw lamang.
Mayroon naman palang bilyong piso ang kaban ng bayan pero nakukuha lang ng mga magnanakaw sa halip na sana ay ipinagpagawa na lamang ng maraming silid-aralan na taon-taon ay nagiging problema. Sana ay ipinangtustos na lamang sa pagpapaunlad ng mga pampublikong ospital bago nanakaw ang bilyong piso. Nahihirapang kumalap ng pribadong donasyon para maiuwi ang mga Pinoy mula sa Japan ng magkaroon ng pagsabog ng planta ng nukleyar duon pero mayroon naman palang bilyong ninanakaw. Mayroon naman palang bilyong piso pero bakit hindi magamit upang mapauwi ang mga distress na OFW na nasa Saudi Arabia at napipintong hulihin sa nalalapit na November 2013. Sana ay nagamit na lang ng gobyerno ang bilyong piso sa mga nasasalanta tuwing may nananalasang bagyo at kalamidad.
Ilang politko na ba ang nadawit sa korapsiyon? Ilang iskandalo na ang sumambulat sa taong-bayan at ano ang kinahinatnan? Ilang beses na nating narinig ang mga politiko na nangangakong magaahon sa hirap ngunit pagkalipas ng ilang panahon ay nagpapayaman na rin. Ang mga politikong nasangkot sa mga korapsiyon ngunit pagkalipas ng ilang panahon ay nakakandidato pa rin at nakakabalik sa puwesto. Sa puntong ito ay may pananagutan din ang botante dahil hinahayaan nila na iboto nila ang mga kandidatong nanalo sa maling paraaan. Kung ang pagkakapanalo ay sa maling paraan nakuha, ano pa ba ang maaasahan mo dito kundi ang gumawa ng mali? At sa laki ng halagang nauungkat sa mga iskandalo na ito, magtataka ka pa ba kung bakit nagkakandarapa ang mga politiko na kumandidato sa kabila ng napakaliit na suweldo para sa posisyong halal sa gobyerno? Kung sana’y may pinupuntahan ang mga imbestigasyon, at kung sana ay mabilis na nalilitis agad ang mga may sala, malamang mag-iisip ang mga may balak na gumawa ng korapsiyon.

PERA NG MGA TAO
Ni Alex V. Villamayor
August 26, 2013