Pamilyar na sa ating pandinig ang pagmumura. Madalas ay bukam-bibig na ito sa kanto, mga
pambulikong lugar, umpukan ng mga nagkakasayahan at sa mga lugar na mayroong
nag-uusap. Ngunit kahit pamilyar na ito
sa pandinig natin ay hindi pa rin natin ito matanggap bilang isang kaaya-ayang
salita. Aminin nating mga nasa hustong
gulang na, sa murang edad natin nuon ay alam na alam natin na hindi magandang
pakingan ang pagmumura. Itinuro ito sa
atin ng mga magulang natin at maging ng ating mga guro nuong tayo ay nag-aaral
pa. Maaaring ang iba nga sa atin ay
nasampal sa bibig ng kanilang mga magulang, o marahil ay kinuskos pa ng asin
ang bibig dahil sa pagmumura. Ang mga
ito ay upang maiwasan ang pagmumura dahil ganun kasama ang kapintasan ng pagmumura.
Maaaring sa mga palabas o pelikulang napapanood
natin ay naririnig natin ang pagmumurahan ng magkakapamilya at
magkakaibigan. Nakakarimarim ang
ganitong mga eksena. At bagamat ito ay
mga palabas lamang ngunit maaari itong mangyari sa totoong buhay na siyang mas
nakakabahala. Dahil ang pagmumura ay
bugso ng hindi mapigilang sobrang galit na nagpapakita ng kung anung pagkatao
ang mayroon ka. Iyung kung kayang
murahin ang magulang, anung klaseng anak iyon?
Iyung kayang murahin ang anak, anu pa ang kaya nitong gawin sa sariling
dugo’t laman? Iyung kayang murahin ang
Pangulo at ang mga iginagalang na tao, anung klaseng mamamayan ito? O iyung kayang murahin ang Diyos……, anung
klaseng tao na ito? Anung konsensiya ang
mayroon ka na murahin ang pinakamakapangyarihan sa lahat at kinikilala ng mas
nakararami?
Hanggat maaari ay iwasan ang magmura dahil sa oras
na murahin mo ang isang tao, magsisi ka man ay mahihirapan mo ng mabawi ang
naramdaman niya. Mas lalo na sa sarili
mong anak o magulang dahil sa oras na murahin mo ang sarili mong dugo at laman
ay nilapastangan mo na ang sarili ninyong pamilya. Bukod sa nakakawala ito ng paggalang at
nakakabawas ito ng respeto, paano mo pa ipagmamalaki ang pamilya mo kung sarili
mong dugo ay minumura mo? Bagamat pagkatapos
mong mamura, kasunod nito ay ang pananakit nang pisikal ngunit mabuti pang
saktan mo na lamang ang mahal mo sa buhay kaysa sa murahin dahil mas matalas
ang ating dila na sumusugat sa ating puso na matagal kung maghilom kaysa sa
galos sa panlabas na katawan natin na tapalan lang ng gamot ay kusang
gumagaling.
Nakakalungkot na may mga ganitong katotohanan. Nakakalungkot na may mga dila na nahasa na sa
pagmumura. Nakakalungkot na may mga
bibig na sanay na sanay na sa salitang ito.
Sinasabi nilang ito ay pangkaraniwang ekspresyon, pananalita o
pagpapahayag lang ng nararadamang pagkalumo na hindi dapat masamain, damdamin
at siryosohin. Ngunit pansinin, hindi
naman sa panghahamak ngunit karamihan sa mga nagmumura ay iyung mga nasa magulo
at maingay na lugar, laking-kanto, walang aral at mga may hindi magandang
ugali.
Sa buong buhay ko simula nang ako ay sumapit sa tamang
pag-iisip, kahit anung galit ko sa isang ay hindi ko kayang murahin ang aking
kapwa at siguro ay bilang balik ng karma ay hindi ako nakaranas na murahin.
No comments:
Post a Comment