Friday, December 31, 2021

BAKIT MAHIRAP MAPAGBAGO?

Bakit may mga tao na kahit anong ganda ng paliwanag ang gawin mo ay hindi mo sila mapapaliwanagan?  Bakit kahit ipakita mo sa kanila ang katotohanan at mga katibayan ay hindi mo sila mapapaniwala?  Bakit kahit anong kumbinsi ang gawin mo ay hindi mo sila makumbinsi?  Bakit nga ba kahit ano ang gawin mo at ano ang mangyari ay hindi mo na mababago ang mga loyalista at panatiko?  Dahil sa tatlong ugali na ito: matigas ang ulo, sarado ang isip, mataas ang tingin sa sarili – isa man sa mga ito o lahat ng ito.  Ang katigasan ng ulo ay nakukuha kung paano pinalaki. Kung pinamihasa ka sa iyong mga ginagawa nung iyong kabataan, magiging sarado ang iyong isip at sarili na lang ang iyong pakikinggan. Hindi sila nakikinig kaya ano man ang paniniwala nila ay hindi talaga sila basta-basta mapagbabago.  Anoman ang marinig na katotohan ay hindi sila makikinig dahil sarado na ang kanilang isip, kahit nariyan na ang aral na mapupulot. Anoman ang pagkumbinsi sa kanila ay hindi sila susunod kahit sa kanilang magulang, asawa at mga kaibigan dahil matigas ang kanilang ulo at mas mahalaga ang gusto nila ang masusunod.  Anoman ang pagkakakilala nila sa taong gusto nila ay hindi sila tatanggap ng opinyon ng iba dahil ang alam nila ay mas tama ang opinyon nila.

Ang lahat ng ito ay dahil sa labis-labis na katapatan nila sa taong gusto nila na sa kalabisan ay hindi na nila kayang kontrolin ang damdamin at pag-iisip.  Parang pag-ibig na bulag, ganuon sila kaya anuman ang mangyari: umulan man at umaraw, maghalo man ang balat sa tinalupan, pumuti man ang uwak at umitim ang tagak – itaga mo sa bato mananatili sila sa tao na gusto nila, dahil ganuon ang taong nabubulag sa pag-ibig.  Kaya kahit ipakita mo sa kanila ang libro o katibayan, hindi sila maniniwala dahil kahit ang libro ay sasabihin nilang may mali bilang pagtatanggol sa taong gusto nila.  Kahit sabihin ng otoridad ang katotohanan ay sasabihin niyang may kinikilingan ang otoridad upang idepensa ang taong gusto nila.  Kahit anong kapintasan at kamaliang ginawa ng taong gusto nila ay hindi nila ito huhusgahan at susuhetuhin dahil kaya nilang ikonsidera na normal lamang iyon.  Ang pagmumura ay musika sa kanilang pandinig dahito ito ay pagpapakatotoo sa paglalahad ng iyong sarili.  Ang pinakaimposible man ay paninniwalaan nila basta’t nanggaling yun sa taong pinagkakatapatan nila – parang nahuhumaling sa pag-ibig.  Kahit niloloko na sila sa mga bagay na masyado ng maganda para maging totoo tulad ng isang ginto para sa isang tao o tatlo hanggang anim na buwan ay mawawala na ang droga.

Ang totoo, kahit ang kautusan ng Diyos na “Huwag kang papatay” ay kaya nilang ibahin ang kahulugan para lang makatulong sa kanilang idolo.  Ang “Huwag kang magsisinungalin” ay kaya nilang sabihin na hindi naman mahalaga sa eleksiyon para ipagtanggol ang sarili nila.  Ang “Huwag kang magnanakaw” ay hindi mali kung ang nagnakay ay nakakatulong at may nagawa naman, at ayon sa kanila ang lahat naman ay nagnanakaw kaya tama lang ng magnakaw.  Kung isa kang normal na tao, kaya mo ba ang ganuong mga katwiran?  Ganun kalaki ang kanilang katapatan sa tao na gusto nila na kahit Diyos ay susuwayin nila.  Deboto na sila sa tao pero hindi sa kanilang pananampalataya.  Kung sana ang labis na katapatan nila ay sa Diyos nila ibinigay, kung sana ay loyalista at panatiko sila sa Diyos, di’sin sana ay walang tatangkilik sa taong halata ng sinungalin, sa mga may bahid ng pagnanakaw, at sa mga walang pangimi sa patayan.  Kung mas pinapanigan mo ang kagustuhan ng Diyos (kaysa kagustuhan ng tao) ay hindi ka malilito sa pagpili, at hindi ka kasabwat sa lokohan, nakawan at patayan.

Ang masakit o nakakalungkot nito ay hindi nila inaamin na loyalista o panatiko sila sa kabila ng ipinagsisigawan nilang “puro / o solido” sila.  Iyun ay dahil nga bulag sila.  Ang taong nabubulag sa pag-ibig, kahit anong “tapik, gulat, o buhos ng tubig” upang magising ay bulag pa rin.  Parang mga tagahanga ng isang artista, ano man ang sabihin mo ay hindi mo sila mapipigilan na hangaan ang kanilang iniidolong artista.  Ipaglalaban nila ito, pupurihin nila ito, pasasayahin nila ito.  Ganun din ang mga taong bulag na taga-sunod, gagawin nila ang lahat huwag lamang silang ayawan o kagalitan ng taong kanilang gusto.  Kaya anuman ang gawin mo ay mahirap na silang mapagbago dahil sa ganitong pagkatao nila.


Tuesday, December 28, 2021

2021 TOP-5 STORIES

 




A year in review.  It’s time of the year to look back in the past 12 months and see how it was going.  So, Here are my top-5 stories for year 2021

 

 

#5 THAT THOUSAND STEPS

I joined in this Daily Steps contest.  Although I knew then that it’s hitting the moon to win, because I was not aware of the mechanic.  I didn’t know because I was 2 days late but I still joined to challenge myself if I can make a 15 T daily steps, which I can.

 

Then halfway, I set a 50 T steps target and I did.  Towards the end, I planned to break my 50 T steps just before the competition ends, and I made it to 80 T.  But behind these personal accomplishments & personal happiness, I was doubted faking that 50 K steps or that 80 K steps. Of course not.

 

 

#4 MY UTILITY AREA

I don’t usually show but this one… it’s something I like.  This one is not to brag.  This is just to record how I feel about it.

 

For once I like to have a place for errand works serving as utility area, or dirty kitchen. It is ideal for heavy cooking.  And since it is outdoor, roasting can be done without getting smoke inside.  I like the idea of having first stop coming from market, before going inside the house.  And I like the feel of using a kitchen in an open air.  It gives a resort-feel vibe and I am just simply excited

to use it when I get home.

 

#3 THE PANDEMIC BIRTHDAY

For about 9 years or more I am not celebrating my birthday the usual way we do – which is thru foods. Instead, I do something worth to commemorate my b-day.  But this year, I decided to celebrate my birthday because it was my thanksgiving that inspite of and despite of the pandemic, I am able to reach my age today.  For once, it was a nice feeling to experiencing this again.

 

 

 

#2 HITTING THE 200 MARKS

To hit the SSS 200 contributions is an accomplishment for me.  It’s a story to tell for me.

 

Looking forward the pensions that I will receive soon makes me excited. But more than that, it is the feeling of freed from hardwork  - that is the overwhelming part.  Imagine you were paying sum of your money.  For more than 15 years and you have realized how much you have endured.  And I looked back how I started, to the struggling years of my beginning.

 

Putting all of them together, that is the worth to include the 200th mark as my top story.

 

#1 YEARS SERVICE AWARD

To receive recognition for the dedication and contribution to the company that I am serving is one of the highlights of my career.  I feel really appreciated and valued, knowing the times and efforts I put forth were acknowledged and I would like to express my sincerest gratitude to my management for initiating such recognition for us, as Contractor employees.  It gives me inspiration to remain focused, be more dedicated and be the better version of my work.