(Tula na komediya)
At yun na nga, nagsimula na nga po,
ang pangangampanya upang sila ay manalo.
Simula na naman ng mga pangako,
pa-pogi, pangloloko, at pang-gag#go.
Sasayaw o kakanta para manalo,
basta sikat kahit wa alam ay tatakbo.
Kaliwa't kanan, kanya-kanyang pakulo.
Savage, bardagulan na ito.
Patutsadahan ng magkabilang kampo,
Sus, laro. Sorties ay dinogshow, aliw ano?
Ganyan ang mga Pinoy na kandidato.
At sa next level naman tayo ay dumako.
Kapag sa survey hindi mag-numero uno,
ay, basagan na yan ng trip at pagkatao!
May mandaraya kapag hindi llamado.
At mga besh, hindi ninyo kakayanin ito:
May gagamit ng baril kapag desperado.
Kampon ng kasamaan na totoo,
versus kampon ng kadiliman ito.
Ano ba'ng meron bakit sila ganito,
para maluklok lang sa puwesto?
Ikaw na nabibili ang boto,
o ikaw kasi ay isang panatiko,
basta inendorso ng iyong idolo,
sa fake news nila ika'y na-goyo.
O dahil sikat kaya gusto mo,
o dahil lang sila'y kababayan mo,
kahit wa alam, di bagay sa puwesto,
sila ang iboboto, sus, ambot sa imo!
Kahit ang mga pangako ay napako,
kapag sila ay muling tumakbo,
basta may ibibigay ulit na piso,
o nagpapatawa sila sa entablado,
ay sila ang muli mong iboboto.
Oh di ba, para kang sira-ulo.
Pag sure oi.
Ikaw na hindi matuto-tuto,
sabi nga ni Vice "vaklang tuwooo!"
Paulit-ulit lang ang mga luko-luko:
ang mga botante at kandidato.
Lahat ay gusto ng pagbabago,
pero ayaw naman magpakatino,
sa tila tele-serye ng taon na ito.
Nganga, iyan ang napa-pala mo!
Baka iyan na siguro ang forever mo.
Hanggang tayo ay hindi natututo,
sa pagpili ay maging matalino
Dahil maraming botante ay uto-uto,
kung nabudol ka, edi dasurv mo!
Tapos, magrereklamo kayo.
Ay, baka nakakalimutan ninyo,
si Lenlen ay binale-wala nyo,
tuta ng Tsina ang mas gusto nyo.
Kung may parada ng mga t@nga,
sigurado ako nasa unahan ka.