Friday, December 09, 2022

WORDS TO PONDER / MGA KASABIHAN (W2P #131 - W2P #140)

W2P #131

IRESPONSABLE

May mga netizens na ang hilig mag-bahagi ng mga post nang hindi muna iniisip kung tama bang ibahagu pa ito.  Basta makapag-bahagi lang ng mainit na isyu o dahil salungat lang sila sa isyu ay walang patumpik-tumpik na ibahagi agad nila ito.  Ang ginagawa nila ay nakakadadag-gulo lamang.  Maging responsableng netizen, hindi lahat ay dapat ikalat sa internet.

 

W2P #132

Love is a good feeling you give to someone.  You want to give nothing but only the best of that one you love.  And you feel happy for that – that is love.

 

W2P #133

At malalaman nila na anung suwerte nila ngayon kapag bukas ay naglaho na ang lahat ng tinatanggap nila ngayon – magandang sweldo, mga oportunidad sa pagkakaperahan at maluwag na pagdating ng grasya.  Mag-ipon ka nga ngayon, hindi bukas kundi ngayon na.

 

W2P #134

Bilang isang OFW na propesyonal at titulado – sa kabila ng lahat ng pagkakataon na kumita ka ng mas malaki kaysa sa iba, nakaipon ka na ba?  Huwag mong sabihin na may binubuhay kang pamlya kaya hindi ka nakakaipon dahil lahat ng OFW ay may binubuhay ding pamilya pero bakit daig ka pa ng isang DH na nakapagpatayo ng isang bahay? (tala: ito ay hindi sa panghahamak sa isang DH bagkus ay pagkilala sa kanyang pagpupursige)

 

W2P #135

Madalas akong magsulat ng mga payo para sa pag-iipon kahit alam kong ako mismo ay hindi naman karamihan ang ipon.  Wala naman iyun sa laki ng ipon, kayamanan at mga pag-aari, ang mahalaga ay ang kagustuhan mong mabigyan ng pag-asa at inspirasyon ang ibang tao na higitan ka.

 

W2P #136

Kapag iyung siya na nga ang naka-gawa ng mali ay siya pa ang matapang.  Iyung nangangatwiran pa para idepensa ang sarili na para bang may sinisisi pa siyang ibang tao.  Kapag ganito ang tao, walang duda na mataas ang tingin niya sa kanyang sarili – isang masamang ugali.

 

W2P #137

Minsan ang mga tao ay bulag (pakikipag-kapwa-tao, paniniwala, pag-ibig, pagkatao).  Nabubulag sila sa totoong ugali ng isang taong ang buong akala nila ay napakabait.  Nabubulag sa katotohan sa paggawa ng mga mali.  Nabubulag sa sobrang pagmamahal sa isang taong hindi dapat mahalin.  At nabubulag sa sobrang pagkilala sa sarili na siyang pinakamagaling.

 

W2P #138

If I’m a noted personality, if I were an influential figure, if I have a powerful voice, if I am in a position, a leader of political, social, religious or mercantile group, I will use my position to influence the majority people to boycott China products.  In this way, I can show my great concern to my country facing the national issue of territorial dispute.

 

W2P #139

Sa pakikisalamuha natin sa ibat-ibang tao, minsan ay nakakapagsalita tayo sa ating kapwa ng kapintasan ng ibang tao bilang pagsasabi lamang ng ating niloloob at hindi bilang paninira.  Kung may nagparating sa iyo upang ikaw ay maggalit sa kanyang nakausap, isipin mo muna kung ito ba ay “panggising” na dapat kang magmuni-muni sa halip na ikaw ay magalit dahil baka naman totoo.  Dahil kung totoo at galit ka pa ay dalawa na kayong may problema:  ang ugali mo at ang nagparating sa iyo.

 

W2P #140

Kung ang sinasabi mong pagmamalasakit mo ay nagdudulot sa iyo ng maraming kaaway, baka naman ang ginagawa mo ay isa ng pakikialam.  Suriin mo ang iyong sarili: ikaw ba ay marami ng nakaalitan, nakasamaan ng loob na kaibigan, kamag-anak o kahit na kapamilya tungkol sa iyong sinasabing pagmamalasakit?  Dahil kung oo, ikaw na ang may kakulangan at kamalian.

No comments: