W2P #191
There is nothing greater to see the courage of the soldiers risking their life going into the danger zone just to pretect and defend the country and the people.
W2P #192
Someday,I wish the day to come that all great, powerful and influential leaders in the world will become peace-loving, stop the exhibition of power and forces for the wolrd supremacy, abjure the ambition to become the world’s number one, occupation of small nations and profiting out of war.
W2P #193
There are people you thought good because they are so nice to talk and to be with. But actually, they are just merely funny and not really kind. Because you cannot hear the character of a person but feel it.
W2P #194
May mga tao na akala mo ay mabuti dahil masaya at masarap kausap. Pero ang totoo ay masayahin lang talaga sila at hindi mabait. Dahil hindi naririnig ang ugali ng tao kundi nararamdaman.
W2P #195
May tao na
mapag-puna sa mga bagay tungkol sa politika, relihiyon, kalakalan at
sangkatauhan. Iyung palaging mayroon
siyang masasabi, palaging may nakikitang mga mali, pangit at kapintasan. Mapagsabi pa kung ano ba ang dapat gawin, mga
gintong-aral, na tama naman at napakaganda, na tila ba mula sa isang taong may
malaking kredibilidad.
Hindi niya alam, makabubuting manahimik na lamang siya dahil mientras mas
marami siyang sinasabi ay mas maraming lumalabas na mga kapintasan niya.
W2P #196
May mga tao na mabilis uminit ang ulo na biglang taas agad ang boses, nagsasalita ng masasakit na salita at nakakapagsalita ng tapos. At kapag nahimasmasan na, maisip man niya na mali ang kanyang mga sinabi at ginawa ay hindi na niya mabawi at pinangatawanan na lamang dahil sa kahihiyan o kasubuan na.
W2P #197
Nakakairita at nakakasira ng lagay ng loob iyung sasabihing mayroong sasabihin pero hindi itutuloy. Huwag mo na lang sabihin kung hindi mo rin naman sasabihin o kayang sabihin. Kasi dinala mo siya sa isang estado pero iiwanan mo, itinaas pero ibabagsak, pinaasa pero bibiguin – ganun ang pakiramdam ng ginawa mo.
W2P #198
Nakakalungot isipin at masakit tanggapin iyung kung papipiliin ka ng tatlong tao na gusto mong iligtas kung mayroong panganib o makakasama kung kayo na lamang ang tao sa mundo pero kapag sila na ang pinapili ng tatlong tao ay wala ka naman pala sa pinili nila.
W2P #199
Hindi lahat ng tama ay mabuti, kinatutuwaan at gusto ng mga tao. Minsan kahit sabihin mo kung ano ang tama ay hindi pa rin paniniwalaan at susundin dahil hindi pabor sa kanila o sadyang ayaw lang talaga nila.
W2P #200
Masakit isipin at tanggapin iyung naaala-ala, mabait at nagpaparamdam lamang sa iyo kapag yung kailangan ka na. Mahalagang magparamdam ka paminsan-minsan kahit sa walang kabuluhang pagpaparamdam upang iparamdam sa tao na nariyan ka lamang at hindi nakakalimot. Para kapag dumating yung oras na talagang kailangan mo na siya ay hindi ka paghihinalaan.
No comments:
Post a Comment