W2P #111
May mga tao na mahilig magpalakas sa isang tao. Walang problema dito kung kayo lang dalawa, pero kung mayroon kang nagagawang mali sa ibang tao na pabor sa taong iyong pinagpapalakasan, iyun ang hindi tama. Lagi lamang tayo sa tama at patas.
W2P #112
Whatever your good situation now, no matter what your possession, or if you are getting lucky now – don’t be arrogant, conceited and boastful. There is no permanent in this world, all you are doing are temporary only, so be humble, fair and kind in dealing with others. All your blessings can be taken back- Karma
W2P #113
Financial literacy 101: Luho at Kailangan. Kung ang isang kailangang bagay ay maaaring gawin sa simpleng paraan ngunit mas gusto mong gawin ito sa kakaiba at magarbong paraan, hindi na ito pangangailangan kundi luho na dapat ng tigilan.
W2P #114
Financial literacy 101: Kuripot o Praktikal
Kapag ayaw mong gastusan ang isang bagay na hindi naman pangunahing pangangailangan, hindi malaki ang kahalagahan at mistulang kalabisan lamang, hindi ito kakuriputan kundi pagiging praktikal lamang.
or
Kapag ayaw mong gastusan ang isang bagay dahil hindi naman pangunahing pangangailangan, hindi sulit ang halaga na gusto mong makuha, walang malaking importansiya, at mistulang kalabisan na lamang, hindi ito kakuriputan kundi ito ay isang pagiging praktikal lamang.
W2P #115
Financial literacy 101: Makabago o Makamundo/Materyalistoko
Kapag mahilig kang maki-uso sa mga nauusong kagamitan, maaaring nagiging makamundo ka na lamang sa halip na makabago. Tandaan mo, hindi lahat ng bago at uso aykailangan mong bilhin. Gamitin mo ang pera mo sa mas pangangailangan mo.
W2P #116
Sentimental vs Praktikal
Maganda ang maging sentimental dahil ang mga ala-ala na iyong iniipon ngayon ay malalaman mo ang kahalagahan pagdating ng panahon. Walang problema kung magpakasentimental tayo sa mga bagay-bagay ngunit kapag ito ay hindi na praktikal, kailangan nating mag-isip kung tama pa ba ang pagiging sentimental.
W2P #117
Ang pagmamahal ng isang ama ay ang pagtugon niya sa pangangailangan, pagbibigay ng kaligayahan at pag-iingat sa kapakanan ng kanyang mga anak. Mahirap man ay ginagawa niya ang mga ito dahil siya ang tinitingala, sinasandalan, pinagkukuhanan ng lakas ng kanyang mga anak.
W2P #118
A father’s love is: he’s providing the needs, giving the happiness and protecting the welfare of his children. Though it might difficult but he is enduring these for he is the source of strength, shoulder to lean on and inspiration to look up by his children.
W2P #119
PARINIG
May mga tao na mahilig magparinig. Kapag mayroon silang gustong hingin o kaya’y kapag mayroon silang sinasaloob ay nagpaparinig sila. Isang ugali ito na hindi maganda dahil ang magpasaring ay parang taong kulang sa aral, kulang ang pag-iisip, may mali sa pakikipag-kapwa-tao, at malapit sa gulo.
W2P #120
INNUENDO
There are people who love to insinuate. When they have something want or they feel
something not good, they will make indirect remarks. Innuendo is personality of impolite behavior,
immaturity, inappropriate social interrelation, illmannered, and spiteful demeanor.
No comments:
Post a Comment