Thursday, December 29, 2016

PAGBABAGO

Gamit na gamit at gasgas na gasgas na ang dahilang “pagbabago”.  Mula sa hindi magandang pinangalingan natin, iba na raw ang sistema ng gobyerno, ang mga namumuno, ang sitwasyon – iba na raw ngayon.  Magaling kung ganun dahil ito naman ang hinahangad nating lahat.  Pero kung para lang sabihin upang pagandahin ang sitwasyon, ipagtanggol ang kapanalig at pasinungalinan ang totoong nangyayari – ito ang hindi tama at maganda.  Dahil sa kabila ng mga nababalitaan mong magagandang nangyayari at pagbabago daw ay bakit hindi ito at nararamdaman, at may mga palatandaan pa rin na may mali at masama pa ring mga nangyayari?

Dahil ang mga nangyayari ay parang hindi naman talaga nangyayari bagkus ay gawa-gawa lamang at mandato ng isang tao na parang palabas lamang na ganito ang dapat mangyari.  Dahil kung iisipin mong mabuti ay nagiging kwestyonable ang mga taong nakikita at naririnig mo na nagsasabi ng mga pagbabago.  Imulat mo ang mga mata mo at suriin mo ang mga taong nagpapatotoo  sa nangyayaring pagbabago ay magkakaroon ka ng pagdududa.  Iyun nga ba talaga o iyun kasi ang gusto nila?

Isipin mo, bakit ang daming tao ngayon ang nagbago, bumaligtad at ginawang tama ang mga dating mali, hindi maganda at ayaw natin?  Marahil ang ikakatwiran ng iba ay natuto na sila, pero saan man tingnan ay kulang sa lalim o katarungan o mali ang kanilang pangangatwiran.  Dahil ang mahirap paniwalaan ay ang biglang pagbabago ng kanilang pag-iisip nang ganun na lang.  Ang dating maraming tao na galit na galit sa Tsina dahil sa ginagawa nitong panggigipit sa ating teritoryo, paghahari-harian sa mundo, paggawa ng mga dispalinghado, huwad at mamabang kalidad ng mga gamit, at pagpupuslit ng mga bawal na gamut, ngayon ay nagbago na ang maraming tao at kinagigiliwan at hinahangaan na rin ang bansang Tsina dahil ang tinitingala nilang tao ay naka-panig sa Tsina.

Nuon ay hindi tanggap na tamang asal ang magmura.  Ngunit ngayon, ang mga tao ay binale-wala, hinayaan, nginitian at tinanggap na lamang ang malulutong na pagmumura ng isang Pinuno sa harap ng maraming tao, na nasa telebisyon, o naririnig ng mga kabataan.  Ipinagtanggol, binigyan ng paliwanag at katarungan pa ang pagmumura.  Ipinaliwanag na walang mali sa pagmumura sa Santo Papa, pagmumura sa simbahan, ang pagmumura sa mga kalaban at pinalakpakan pa ng mga nagtatawanan at nagkakatuwaang mga tagapakinig at taga-hanga. 

Kahit kailan ay hindi maitatama ng isang mali ang isang pagkakamali.  Alam na alam natin na mali ang pumatay pero dahil ang pagpatay ay sinusuportahan ng tinitingalang Pinuno, ang mga tao ngayon ay nagbago ng pananaw na sinasabing walang masama sa pagpatay.  Anung bahagi ba ng “Huwag Kang Papatay” ang hindi maunawaan ng mga taong ito?  Bakit parang ganun lang kasimple at kadali na sabihing patayin ang tao?  Ang mga taong gustong patayin ang mga nakagawa ng krimen, ang mga sumisigaw na patayin ang mga masasama, yung parang masaya sa patayan ay ang mga tao na malakas ang posibilidad na makakapatay din.  At ang mga taong nakagawa ng kahindik-hindik na krimen ay siguradong isa din sila sa mga sumisigaw na dapat patayin ang mga gumawa ng krimen.  Magkatulad na lang sila dahil magkatulad sila ng paniniwala.

Nuon ay galit ang mga taong ito sa mga nahatulan ng pagkakabilanggo dahil sa pandarambong at katiwalian, ngayon nang makalaya ay natutuwa sila dahil nakapanig na sa kanila ang mga ito.  O kaya nama’y iyung mga mga bilangong notoryos sa paghahari-harian sa loob ng bilibid ay naging bayani ang tingin sa mga ito nang tumestigo laban sa taong kinaaayawan nila, nasaan na ang kanilang pagiging patas?  Alam na naman ang motibo sa nangyayari at ang kredibilidad sa ginagawang pagtestigo pero bulag pa rin silang todo-suporta sa mga ito, anong nangyayari sa kanila at nasaan ang kanilang sentido-komon?  Hindi sa hindi nila maunawaan kundi ayaw lang talaga nilang unawain ang nangyayari dahil iyun ang gusto nila.

Mga dating tutol na tutol sa komunista nuon, ngunit ngayon ay mariringan na sila ng mga kagandahan at benepisyo ng pagiging komunista ng bansa.  Kung dati-rati ay panay ang paninisi sa dating Pinuno dahil sa lumalalang kalagayan ng traffic, aberya sa MRT, pagtaas ng presyo ng gasolina at bilihin, ngayon ay bihira kang makarinig ng reklamo o paliwanag mula sa mga matatalinong tao na ito tungkol mga nasabing bagay.  Nuong hindi pinayagan ng dating Pangulo ang umento sa SSS ay halos murahin ito mula ulo hanggang paa pero ngayong hindi rin umubra ang ipinangakong dagdag nuong panahon ng eleksiyon ay tahimik ang maraming tao.  Tulad din ng pangako nuong kampanya na kayang lipulin ang bawal na gamot at krimen sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, walang masabi ang mga panatiko nang hindi ito natupad.  Ganun din nung dating kapag hindi agad nakikita sa sakuna ang pinuno ay mas mabilis pa sa ala-cuatro na umuulan ng batikos.  Ngunit ngayon, sa dalawang pagkakataon na nasa unang sandali pa lang ng pamumuno na wala ang bagong pinuno sa panahon ng sakuna ay hindi magawang kalampagin ng mga taong ito ang pinuno.  Nasaan ang hustisya?

Ang hindi maganda nito ay iyung galit sila sa tao at sa bagay kapag ang pinuno ay galit sa nasabing tao o bagay, iyung kung ano ang sinabi at gusto ng pinuno ay siyang tama at dapat, at iyung hindi sila tumatanggap ng paliwanag at ng pagkatalo.  Hindi dapat ganito, nasaan ang kanilang paninindigan at ang sariling bait?  Hindi talaga patas.  May dubleng pamantayan, mayoong kinakampihan, iba ang tintingnan sa tinitigan.  Ganyan na ba kagrabe ang paghanga at pag-idolo ng mga panatiko na nawawala na sa katinuan?  Nangangain ba ng huwisyo, nakakawala ba ng paninindigan at pang-unawa ang pagiging panatiko?  Dahil bakit nagbago yung kanilang magagandang paniniwala nuon?  Yung mga propesiyonal, mga nakapag-aral, yung mga matatalinong kasamahan natin sa trabaho o kakilala o yung mga dating nasa mataas na section nuong nag-aaral sa elementarya at high school - ngayon ay iba na ang pag-iisip nila na madaling mapaniwala sa mga huwad at iresponsableng balita., yung wala ng pakialam kung sila man ay maging bahagi ng pagpapalaganap ng maling inpormasyon at pagkakagulo basta maisagawa lamang ang sariling inerest.


Bakit nga ba sila nagkaganon, bakit nga ba sila nagbago?  Ang totoo nito, may mga taong sa ngalan ng kapangyarihan, pangarap at ng sariling kapakanan ay kayang lunukin ang prinsipyo, dahil sila ang mga panatiko na kaya nilang ipagpapalit ang katarungan at paninidigan.  Napakababa na ng uri ng mga taong ito nang dahil sa kanilang pagbabago ay hindi na nila pinahalagahan ang kanilang pagkatao kahit sirang-sila na sila sa paglapastangan nila sa kanilang sarili.

6 comments:

Anonymous said...

:) noon panahon n neriject ni Pinoy un SSS Hike halos murahin nio zia mula ulo hanggang paa ! Ngayon c Poon Digong ang nag reject Bakit tahimik yata kayo!

Anonymous said...

-) True.

Anonymous said...

2106 can be described as the "Year When The World Goes Nuts". This was the year when we've seen the Rise of the Populists. When what is RIGHT is not Always Right and When What is Popular is ALWAYS Right. In the UK we've seen Brexit, in the US we have Trump and in the Philippines we have Duterte. Maybe these are the Necessary Evils that the world needs now, for people to appreciate and realize the goodness of what is Right. Maybe the world becomes so materialistic and individualistic that people forget to care for others especially the Less Privilege. Or maybe the people simply Just Don’t Care. Now that our RIGHTS are being trampled and when HATE, RACISM and DISREPECT to others are the NORMS; People are now coming to their senses and they do appreciate again that What Is Right Is Always Right. People Now are coming out to Defend the Right of Others especially the rights of the less privileged. People now do care..... if 2016 was the Year When the World Goes Nuts, maybe just maybe 2017 will be remembered as the Return of What is Right, or When The World Awakens.....

Anonymous said...

Duterte supporters are stupid, delusional, and sick. it is undeniable that with their frothing support for extrajudicial killings and condemnation of fundamental human rights, Duterte supporters have taken leave of their senses. I think their lapse into mass hallucination is akin to being under the influence of drugs, something that sociologists like Gustav Lebon characterized as crowd contamination.
http://www.newsinfolearn.com/2016/08/Duterte-supporters-are-stupid-delusional-and-sick.html

Alex V. Villamayor said...

Thanks to your comments.

Anonymous said...

....)Hindi naman sa panghuhusga kundi napagtatanto lamang. Karamihan sa mga Katolikong Dutertads ay mahihina ang pananalig at kulang sa pananampalataya. (Tulad din ng mga loyalista ng Marcos). Bakit kamo? Dahil walang may matibay na pananalampalataya ang mumurahin ang simbahan at kaparian, ginagawan ng katatawanan ang litrato ng Santo papa, binibigyan ng ibat-ibang interpretasyon ang mga nakasulat sa Bibliya at kinakalaban ang sariling relihiyon. Ikaw, kung mahal mo ng sobra at iginagalang mo ang iyong pamilya, magagawa mo ba silang alipustain?

Sila yung mga nagsisimba para mamasatisfy lang ang katayuan nila bilang Katoliko, pero ang mga taong ito ay wala sa puso ang pagsisimba. Kasi nga kung may takot sila sa Diyos kaya sila nagsisimba ay hindi nila magagawang murahin ang sariling simbahan.

Sila din yun mga hindi palasimba dahil ang katwiran nila ay mas mabuti pa ang magdasal ng taimtim bago matulog (na kaduda-duda naman kung talagang nagdadasal bagomatulog) o nagrorosaryo pa nga pero masama din ang ugali. at marami daw ang palasimba ngunit paglabas ng simbahan ay mga makasalanan din naman. Ang totoo ay katwiran na lamang nila iyun dahil ang toto ay wala lang talaga sa prayoridad nila ang pagsimba dahil nga mahina ang kanilang pananampalataya.

Ang pananalig ay hindi lamang tungkol sa pagdarasal, paniniwala sa Diyos at pagsunod sa kautusan kundi tungkol din sa mga maling estilo ng buhay. Masasabing mahina din ang pananampalataya mo kung ikaw ay hindi tapat sa asawa, naninira sa kapwa, nagsisinungalin, nagpapakalat ng mga hindi totoo, pagmumura – hindi ba ganito ang mga dutertards.