Ang malaking pagkakamali ni Noynoy Aquino (PNoy), ng mga Aquino at ng LP ay ang hindi nila pagsasalita, pagpapaliwanag at pagpapabulaan sa mga issue na ibinabato sa kanila at sa mga revisionism laban sa kanila ng mga Marcos loyalists at solid DDS. Nagsimula ang pagkalat ng mga bidyo nuong 2010, naging grabe nuong bago mag-2016. Maling-mali ang dahilan ng mga Aquino at mga dilawan na kung hindi naman totoo ay bakit papatulan? Walang kumokontra sa kanila kaya ang nangyari, inisip ng mga tao na totoo nga ang mga ibinabato sa kanila, at dahil sa wala silang sagot ay paulit-ulit na ipinakakalat ang mga isyu, fabricated issue, articles, pictures at video.
Narito ang mga paulit-ulit na ibinabatong issue na hindi sinagot ng mga Aquino pero nasa record na walang kinalalaman o kasalanan si PNoy/mga Aquino/LP:
1. Prinotekthan ang Hacienda
Luisita. Sinunod ni PNoy ang desisyon ng
SC na ipamahagi ang hacienda ayon sa batas – naka-record ito. Kinalaban ni PNoy ang sarili niyang angkan sa
pamamahagi ng hacienda. Kaya hindi totoo
ang reviosionism na prinotektahan ni PNoy ang hacienda dahil pagmamay-ari ito
ng kaniyang angkan.
2. Pinulikita ang Bataan Nuclear Power
Plant (BNPP). Hindi totoo na kinausap ni
Marcos si Cory na ituloy ang BNPP – walang account, public record, at media
ageny na ginawa nga ito ni Marcos.
NAPAKATALINO ni Marcos – hindi ito kikilos ng walang panghahawakang valid
evidence o official statement man lang. Ang
totoo, nag-inbita pa si Cory ng mga expert sa US para suriin ang BNPP pero ayon
sa pag-aaral ay delikado ito. At nasa
record na maanomalya ito katunayan ay nadesisyonan na ng Sandigang Bayan si
Hermino Decini na ibalik ang $15M dahil nga maanomalya ito nang ipinasok sa
kontratista ni Marcos.
3. NPA / komunista daw mga Aquino kaya
pinalaya ni Cory si Joma. Isa pa -
pinalaya daw dahil ayaw ni Cory na itulad siya kay Marcos na gustong nakakulong
si Joma. Pinalaya ni Cory si Joma dahil
gusto niyang pangunahan na panahon na para magkaisa ang Gobyerno at makakaliwa,
at alam ni Cory na kahit mamatay si Joma ay hindi mamamatay ang CPP dahil hindi
si Joma ang nagpapatuloy dito kundi yung idealismo. Kaya ang ginawa ni Cory ay ipinakita niyang
iba na ng gobyerno kaya yung mga nasa bundok ay pwede g magbalik. Kaya sa panahon ni Cory ay bumaba ang bilang
ng NPA.
4. Nasaan ang Yolanda Funds. Ninakaw daw ng mga dilawan. Na-audit at naibigay na kay Romualdez
(kamag-anak ni BBM). Ayon naman sa record
ng NEDA ang 12.B Yolanda rehab fund ay still untouched. P 5B unused Yolanda funds ay gagamintin sa Marawi
rehab – ito ang kumpirmasyon ng gobyernong DU30 na nasa kanya na ang Yolanda
funds.
5. Ibinenta daw ni Cory ng mga pag-aari
ng gobyerno tulad ng Petron, National Steel Corp., PAL at ibinigay ang Meralco
at ABS-CBN. Hanggang 1992 lang si Cory
sa pagka-Pangulo, 1994 nang makuha ng Saudi Aramco ang 40% ownership ng Petron,
20% ang ibinenta sa publiko. Ang Nationl
Steel Corp ay government own from 1972 – 2004 ibig sabihin ay hindi ito
ibinenta ni Cory or ni PNoy. Ang PAL ay
na re-privatized ulit nuong 1993.
Samantala, ang Meralco na kinamkam ni Mrcos ay ibinalik lang ni Cory sa
totoong may-ari – lahat ng ito ay may record.
6. Ibinenta daw ni Ninoy ang
Sabah. Si Marcos ang nagsuko ng
pag-claim sa Sabah – naka-record ito dahil nasa diyaryo ito. Binuo ni Marcos ang Operation Merdeka para
bawiin ang Sabah sa pamamag-itan ng pangugulo sa Malaysia. Nabisto ito ng Malaysiya at nagkaroon ng
Jabidha Massacre (mga kabataang Tausug), may nakaligtas at humingi ng tulong
kay Ninoy. Ibinunyag ito ni Ninoy, para
hindi magalit ang Malaysia ay isinuko ni Marcos ang Sabah claim . Senador lang si Ninoy, paano niya maibebenta?
7. Pinabayaan ang West Phil Sea. 2004 pinayagan ni Arroyo ang Tsina na
mag-explore sa WPS. 2005 nadiskubre ang
mga istraktura ng Tsina sa Mischief Reef.
Nabunyag din ang maanolmalyang ZTE deal. 2009 nag-claim ng teritoryo ang
Tsina sa UN. Nang naging pangulo si
Noynoy, 2011 nagprotesta ang Pinas, 2013 kinasuhan ng Pilipinas ng Tsina sa The
Haugue. Sino nga ulit ang nagpabaya sa
WPS? Naka-record lahat ito.
8. Si Cory daw ang nagsimula ng
Contrtualization or Endo. Naisabatas ang
contractualization nuong 1974 si Marcos ang Presidente. 1986 lang nang maging Pangulo si Cory.
9. Nakalibing daw sa Libingan ng Mga
Bayani ang aso ni Cory. Hindi ito totoo.
Dahil ang aso ay nakalibing sa Malacanan park.
Ang totoo, ang aso ay bahagi ng PSG at hindi aso ni Cory.
10. Tulay na Walang Ilog.
Yung ganitong project na kitang-kita ng mga tao, hindi naman napakatanga
ng isang opisyal para gawin ang kalokohang ganito. Ciento por ciento ay may engineering logic
ito. Ayon sa DPWH Southern Leyte, ito
lang ang paraan upang mapigilan ang paglubog ng kalsada dahil sa creek na nasa
ilalalim nito na nagpapalambot ng lupa.
Tatlong beses ng ginawan ito ng kalsada pero nasisira. Ang project na ito ay hindi talaga tulay
kundi kalsada pero dinesenyuhan nila ng pang-tulay dahil sa ganitong design ay
maibabaon nila nang mas malalim ang pundasyon kesa sa pundasyon ng isang
kalsada. At ang raillings ay idinagdag
upang proteksiyon sa mga dumadaan.
11. Umiinom
daw sa pinggan si Roxas. Hindi ito
totoo. Kung totoo man, walang mali kung
ikaw ay nasa remote area, kahit nga dahon ay pwede mong gamitin. Ang mali kung marumi yung pinggan.
12. May karelasyon si Leni.
Kung totoo, bakit hindi sa korte dalin ang mga isyu para ma-disbar si
Leni? Bakit sa social media paulit-ulit
na ikinakalat? Kasi pinagkakakitaan. Ang
mga ikinakalat na picture ay mga kuha sa political at public events. Kung may relasyon sana may makuha sila ng
picture sa private na okasyon kasi sa tagal na nilang inuulit ito ay may
lumabas na sanang private picture.
Sa sentido-comon na lang: kung may ninakaw si Cory at PNoy, bakit hanggang ngayon ay walang naging kaso at maikaso sa kanila? Kahit ang mga maiinit na isyu tulad ng tanim-bala, SAF-44, Dengvaxia, PDAF scam, etc. ay walang maipasang kaso laban sa mga Aquino. Kung may mga maanomalyang ibinentang pag-aari ng gobyerno, bakit walang ikinaso kay Cory? Kawawang mga loyalista – mismong iniidolo nilang mga Marcos ay niloloko sila at ginagawang mga tanga.
Sa ganitong paulit-ulit na paninira, kailangan umusap at itama kapag may maling sinasabi sa iyo. Malaki ang kakulangan ni PNoy sa pagpapaalam sa mga Pinoy kung ano ang mga magaganda niyang ginawa. Kung sana, iyung mga nagawa niya ay isinapubliko niya, di sana’y walang maaangkin ang mga taong mahilig mag-angkin ng kredito upang maging magaling. Kung sana iyung mga kumakalat na mapanira at pangit na bidyo ay ipinaliwanag niya at sinabi ang totoo, titigil ang paulit-ulit na pagpapakalat ulit dahil nasagot na niya.