Tuesday, March 15, 2022

HULING PAG-UUSAP

.

Alam kong hirap kang magsalita...

Huwag ng pilitin na magsalita.

Ako na muna ang uusap

Basta makinig na lang sa mga sasabihin ko.


Alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo.

Basta kumapit ka lang sa Diyos,

Isuko sa Kanya ang lahat-lahat. Ang lahat-lahat.


Huwag nyo kaming intindihin,

Huwag kaming alalahanin

Basta ang isipin nyo ay ang para sa inyo na lamang.

Ang mahalaga ay ang sarili nyo,

Ang isipin nyo ay iyung sarili mo lamang,

Dahil kaya na naman namin.


Huwag nyo ako isipin,

Kasi kaya kong mabuhay nang ako lang.

Ito ang gusto ko,

Mas gusto ko yung nag-iisa

Masaya ako sa buhay ko.

Masaya ako kung ano ang pinili kong buhay.

Mas malakas ako, mas makakatulong ako, mas masaya ako kung nag-iisa lang ako.

Kaya huwag nyong  isipin na nakakaawa ako kasi hindi ganuon.


Tandaan nyo po na lahat kami...

Mga anak, pati ang mga apo,

pati mga manugang;

mahal namin kayo.


Kung hindi man ako makauwi,

yun kasing sitwasyon ng trabaho ko ang pumipigil sa akin.

Pero pipilitin ko pa rin makauwi.

Pero kung hinihintay nyo ako kahit hirap na hirap ka na...

Huwag nyo na akong intindihin.

Basta laging tandaan at isipin

Na lagi ko naman kayo iniisip.

Apektado din ako sa nangyayari.


Hindi ako yung klase ng anak na malambing

At siguro kaming mga anak niyo ay hindi yung malambing sa magulang.

Pero mahal na mahal mamin kayo.

I love you po.

Kapit lang sa Diyos makakaya ninyo yan.


Ang Pagkausap sa Isang Ina.

Marso 2018

No comments: