Ano ba ang aking misyon
sa daigdig na kinagisnan ko
Ako ba'y nabubuhay para sa ibang tao
taga-punan ng kanilang gusto?
Mula't-sapul ay lagi akong nakikiusap
naghahabol, sumusunod.
Ano pang kailangan kong gawin sa kanila ay alinsunod
Upang mapatunayan lang ang sarili
at sa kanila'y mapabilang
ay kailangan ko ba'ng magpatianod?
Sa aking mga kamay na nag-pagal
na naghihirap na nang kay tagal,
buong lakas ko'y inaalay nang bukal
sa aking mga minamahal.
Ngunit tila nagiging pusong-bakal
ang bubog ng nakaraan ay kakambal
Kailan sila matatapos, tanong ko sa'king mga dasal
Kasagutan ay kailan sasabihin ng Maykapal?
Ang mga bigat na sa likod ko ay pasanin
siguro nga ay hindi sila napapansin.
Pero ang lahat ng ito ay bale-wala sa akin
dahil sa mga ito'y nararamdaman ko aking kahalagahan.
Ngunit hanggang saan ang kailangan kong gampanan
Kung dumating ang araw, ako'y tila wala ng kapakinabangan.
Ako ba ay pasasalamatan na aking mararamdaman?
Para sa aking mga bubog ng nakaraan:
Ako ay lalaban hindi para sa kaninoman
Ako ay magsisikap upang sarili ay pahalagahan
Sa aking sarili ay aking patutunayan
sa pagsubok ay 'di magagapi ngayon at kailanman.
No comments:
Post a Comment