Sa una o pangalawa, hinahayaan mo lamang siya sa kanyang mga sinasabi. Kapag siya ay nagsalita at
nagpaliwanag tungkol sa kanyang saloobin ay pinagbibigyan mo siya dahil nasa una at bago
pa lang naman ang pagkakataon ninyong magka-usap.
Dahil kadalasan,ang karaniwang pag-uugali ng isang matuwid na tao ay
mapagbigay sa una, bilang respeto na rin sa kanilang pagkakadaupang-palad. Kung sa pangatlong pagkakataon
o higit pa na binibigyan niya ng katwiran ang kanyang mga dahilan kung bakit tama siya
at ikaw ang mali ay unti-unti mong mararamdaman ang pagmamagaling ng isang tao. Maaaring mapansin mong tila ang taong ito
ay maalam at laging mayroong dahilan at sagot. Lalo na kung
ang pamamaraan ng kanyang pagpapaliwanag ay lumalabas na nangingibabaw ang kawastuan ng kanyang paniniwala.
Kahit mapagpasensiya kang tao ngunit kung ang kausap mo ay iyung tao na palaging may katwiran, iyung ayaw magpatalo sa kanyang katwiran, at iyung mayroon dahilan kung siya man ay may pagkakamali, na parang nagkamali man siya ay tama pa rin siy dahil nabigyan niya ng dahilan kung bakit siya nagkamali – pasensiyoso ka mang tao ngunit kahit papaano ay makakaramdam ka rin ng pagkasagad ng iyong pasensiya. Kasi, totoo naman na ang taong hindi magpapatalo na para bang laging siya ang tama ay talagang nakakainis. Para bang isang malaking kapintasan ang kung hindi siya magsalita ng kanyang panig upang malaman na siya ang tama. Para bang napakahirap bale-walain muna niya ang pagkakasalungat sa kanyang paniniwala ng isang tao. Tuloy ay para siyang laging ipinagtatanggol ang kanyang sarili at laging pinapatunayang siya ay tama.
Ang nangyayari nito ay hindi na siya tumatanggap ng katwiran ng iba dahil naniniwala siya na siya ang magaling, iyung parang hindi nagkakamali. Nagiging mapagmataas na siya. Kung sasabihin niyang wala siyang magagawa dahil iyun ang kanyang paniniwala na pinaninidigan lamang niya na magunaw man ang mundo ay iyun talaga ang kanyang paniniwala, at pinahahalagahan lamang niya ang kanyang mga sinasabi – wala siyang malasakit sa damdamin ng ibang tao. May kanya-kanya man tayong opinyon at ang kailangan lang ay ang respetuhan, pero paano mo irerespeto ang kanyang paninindigan kung sa ganun na ang kanyang paniniwala’t katwiran ay nakikita mo na hindi siya marunong magrespeto sa paniniwala ng iba? Lumalabas lamang ang kanyang pagiging makasarili dahil wala na siyang pagsasaalang-alang sa sitwasyon ng ibang tao o pangyayari. Parang isang kabayo na isang panig lang ang nakikita.
Hindi paninindigan kundi kataasan ng ugali na lang ang umiiral sa puso ng taong ayaw magpatalo. Sila ang mga taong magagaling na ayaw tumanggap ng kanyang pagkakamali at mataas ang tingin sa sarili. Kung pakakaisipin, maaari namang hindi na natin kailangan na laging ipaalam ang ating paniniwala kahit nasa tamang panig tayo. Kung may naka-krus tayo ng landas at mali siya – hindi laging kailangan na sabihin mo ang alam mong nararapat. Kung minsan, may mga bagay na dapat ay hinahayaan mong matuto ang ibang tao sa kanilang pamamaraan nang hindi masasagasaan ang kanilang damdamin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang ipaglaban mo ang iyong paniniwala, dahil minsan ang labis na pagtatanggol mo sa iyong idelohiya ay sumusugat sa pagkatao ng iba.
Magnilay-nilay tayo. Tingnan natin ang ating sarili na baka naman sa paningin ng ibangtao ay nagiging magaling na ang pagkakapalagay natin sa ating sarili. Isipin mo nang walang kinikilingan kung ang mga taong nasa paligid mo ay magiliw at totoo pa sa iyo. Tingnan mong mabuti ang iyong sarili, kung maraming nagagalit sa iyo, kung ang sarili mong pamilya – maaaring asawa, magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at ang pinaka-huli ay anak, kung mayroon dalawa sa kanila o higit pa ang hindi gusto ang iyong ugali…teka muna, baka naman ikaw na ang may diprensiya. Mabigat ang dalahin sa buhay kung maraming tao ang may galit sa iyo dahil malamang na ipinagdarasal nila ang iyong paghihirap.

Alex
V. Villamayor
No comments:
Post a Comment