Sa araw na ito
ay gusto ko sanang bigyang-pansin ang aking sarili at sana ay ipaubayasa akin
ang sandaling ito dahil sa anu'tanuman ay espesyal na araw naman ito para sa akin. Ayon sa kasabihan, “Mas mabuti ang magbigay kaysa sa tumanggap”. Mas mabuti na ang ikaw ang tumutulong kaysa sa ikaw ang tinutulungan dahil nangangahulugan lamang iyon nawala kang alalahanin
o suliranin at hindi ikaw ang may pinagdaraanan o may
pangangailangan. Totoo ang kasabihan na ito.
At parasa akin ay mas gusto
ko na ang tumulong kaysa ako ang mangailangan ng tulong. Pero isang paglilinaw –
hindi ako nakakariwasa sa buhay at kahit ako mismo ay mayroon ding mga pinagdaraanan
at marami ring pangangailangan ngunit masasabi kong sa buhay ko ay
napapansin kong ako lagi ang nagbibigay, hindi man pinansiyal kundi mga bagay na hindi nakikita
o nahahawakan. Madalas ay
napapakiusapan ako ng pabor, hindi sa dumadaing ako o
nagsasawa kundi nabanggit ko lamang ito dahil nagkakaroon ako ng kaunting hinanakit.
Ang gusto kong ipunto dito ay may mga tao na madalas tumulong, magbigay at dumamay na sinasabi nilang bukal sa kanilang loob ang ginagawa at wala silang hinihintay na kapalit. Ngunit kahit na sinasabi nilang huwag na silang bayaran bilang paganti ng utang ng loob ay marapat pa rin na kahit papaano ay maala-ala natin silang mabigyan ng kahit maliit na kaloob. Minsan ay dapat binibigyan natin sila bilang pasasalamat sa kanilang ibinibigay, magantihan man lang ang kanilang pagiging matulungin. Maliliit na bagay lang ngunit sa mga taong katulad nila ay napakalaking bagay na iyon. Hindi naman sa paniningil, hindi naman sa paghihintay ng kapalit ngunit ang sa akin lang – kahit gaano kabait sa pagtulong ang sino mang tao mapa-pinansiyal, moral o anu pa man, at kahit na sabihin niyang hindi siya naghihintay ng kahit anong kapalit sa lahat ng kanyang mga ibinibigay – kahit papaano ay naiisip din nila o nararamdaman na sana ay sila naman ang mabigyan o maabutan ng kahit simple at maliit na bagay lamang. Hindi naman kasi sila manhid. Kahit sabihin nilang ayos lamang na magbigay sila ng magbigay ngunit sa isang bahagi ng kanilang damdamin ay naroon pa rin ang kagalakan na sila ay makatanggap.
Sabihin na lang natin na kahit pabalat-bunga lamang ay maisipan natin na bigyan sila ng kaunti bilang ganti sa kanilang mga naibibigay. Sa aking karanasan, nakakasakit din yung bigay ka ng bigay pero wala namang balik na mararamdaman mo yung kahalagahan ng iyong ginawa. Hindi naman sa materyal at pinansiyal na bagay mo mararamdaman ang pagbabalik nila sa iyo ng ibinigay. Bukod sa pasasalamat, kahit papaano ay mararamdaman ng isang tao ang pagbabalik sa kanyang kabaitan sa pamamag-itan ng mga simpleng magawan mo rin siya ng maliliit na pabor. Tulad halimbawa ng maipaalaala mo sa kanya ang kanyang mga gagawin, mabati sa mahahalagang araw, purihin ang kanyang ibang katangian o kahit ang maimbita mo siyang makasabay sa paglalakad –maipadama mo man lang na inilalapit mo ang iyong loob sa kanya.
Sa madalas na pagkakataon na mayroon akong nabibigyan ng pabor, kapag ako ay nagbigay ay hindi na ako umaasa ng kapalit at kahit sinasabi ko na masaya ako na ako na lang ang magbibigay, nasasabik pa rin ako na ako naman ang makatanggap – hindi ko lang sinasabi ngunit naghahangad din ako na sana ay ako naman ang mabigyan, maabutan ng regalo, lalo na sa mga natatanging okasyon tulad ng kaarawan. Doon ko nararamdaman na mahalagang taon pa rin ako. Hindi naman ako naghahangad ng malaki o madalas pero dumadating ang oras na nakakaramdam ako ng paghahangad na sana ay kahit minsan ako naman ang mabigyan. Sana kahit tuwing kaarawan ko man lang ay mayroon magbigay sa akin ng kahit anong maliit na bagay man lang. Bato, papel na may maiksing mensahe, isang piraso ng kakanin na itatago ko ang pinagbalatan – yung mga ganun kasimpleng bagay lang. Aaminin ko, tuwing kaarawan ko ay naghihintay at umaasa ako ng regalo. Dahil yun ang pagkakataon na mararamdaman ko ang kahalagahan ko sa ibang tao. Ngunit ang masakit ay ang kahit simpleng pagbati man lamang mula sa mga taong malalapit sa akin maliban sa pamilya, mga taong inaasahan at hinahangad kong bumati sa akin ay nabibigo ako.
Ayon sa mga sinaunang Griyego, ang kahulugan daw ng pangalan ko ay taga-tulong o tagapagtanggol kaya siguro ang nagiging papel ko sa buhay aykatuwang, katulong, tagapag-pasaya ng ibang tao at taga-sagip sa kanilangproblema. Totoo yata na isinilang ako hindi para sa aking sarili kundi para sa ibangtao, na tutulungan sa kanilang pangangailangan ngunit sa sarili kong pangangailangan at suliranin ay lagi akong nag-iisa, naghihintay at naghahanap ng tutulong sa akin.

ni Alex V.
Villamayor
November 30, 2012
No comments:
Post a Comment