Kahit
alam nating hindi tama ang pangloloko, kung minsan ay hindi natin maiwasang
gawin ito dahil may kakaibang hatid na saya kapag yung mayroon kang ginawan ng
biro na nakakatawa. Kung
ipahihintulot nga lamang na maging katanggap-tanggap ang mangloko ay malamang
na madalas itong mangyari sa atin, maaaring ikaw ang nanloko o ikaw ang naloko.
Kaya kahit sa loob man lamang sa isang taon ay mayroong isang araw na ikaw ay maaring makapangloko, na hindi ka sisisihin kundi katutuwaan ka pa ay ginagawa ito ng maraming tao. Ito ang tinatawag na “April Fool’s Day” na ginagawa tuwing sumasapit ang ika-unang araw ng Abril taon-taon.
Ang April Fools’ Day ang pinakakakaibang pista na ipinagdiriwang sa pamamag-itan ng pagawa ng ibat-ibang nakatutuwang kalokohan sa kapwa. Hindi ito piyesta-opisyal ngunit laganap ito sa ibat-ibang bahagi ng daigdig. Ang mga bansang kilala sa pagdiriwang nito ay ang Poland, Iran, France, Canada at Pilipinas.
Pinaniniwalaang nagsimula ang April Fool nuong kalagitnaan ng ika-labing anim na siglo nang ipakilala ni Charles IX ng France ang Gregorian Calendar. Sa bagong kalendaryo ay lumalabas na ang isang linggong pagdiriwang nuon ng bagong Taon na mula ika-dalawampu’t lima ng Marso hanggang sa unang araw ng Abril ay naurong sa unang araw ng Enero.
Habang umiiral na nuon ang paggamit sa bagong kalendaryo ngunit dahil sa mabagal pa ang pag-usad ng komunikasyon nuong mga panahon na iyon ay hindi agad nakarating ang bagong kalendaryo sa ibang tao na malalayo. Lumipas pa ang ilang taon bago nila tuluyang nalaman ang pagbabago at hindi agad sila sumunod sa kalendaryo. Ang mga sinasabi at itinuturing suwail ay hindi tinanggap ang pagbabago at sa halip ay itinuloy nila ang pagdiriwang ng bagong taon sa dating petsa pa rin nito na tuwing ika-isa ng Abril.
Dahil duon ay binansagan ng mga mas nakararami ang mga taong patuloy na nagdiriwang ng bagong taon tuwing unang araw ng Abril na mga “luko-luko”. Naging tampulan pa sila ng mga katatawanan, pang-uuyam at pangloloko. Pinagkakatuwaan sila sa pamamag-itan ng mga paanyaya sa isang pagdirwang na ang totoo ay wala naman. Habang mayroong pinaglalaruan sa pamamag-itan ng paglalagay ng kung ano-ano sa kanilang panamit, hitsura at katawan.
Nagpatuloy sa mga sumunod na taon ang ganung pagpatatawa sa mga taong ayaw sumunod na patuloy na ipinagdiriwang ang bagong taon sa lumang kaarawan. Hanggang lumaganap ito sa mga karatig-bansa tulad ng Britanya at Scotland nuong ika-labing walong siglo. Hanggang tumigil na ang mga pang-uuyam, pagtatawa at pangloloko sa mga taong nagdiriwang ng bagong taon na iba sa kasalukuyang petsa nuong kalagitnaan na ng ating panahon.

Ni Alex V. Villamayor
April 1, 2013
No comments:
Post a Comment