Monday, January 20, 2014

USING NATIONAL ID IN PHILIPPINES

National ID card is a form of identification that is required for each citizen or resident of an issuing country to carry all the times.  It is issued by government as means of tracking their citizens, taxation, provide government benefits, health care and other government transactions.  For ultimate identity, it has portrait, signature specimen, biometric information including fingerprint and unique identification number.  It is a permanent proper identification to prove one’s identity.  Because of its ultimate legality, it is almost essential to have one to access both government and private facilities such as obtaining driver licence, applying gun permit, applying a job, opening a bank account, credit card, and exercising the right to suffrage.

While the head of the state has to ensure the national security above all, implementing national ID unmasks the potential terrorists and rebels, guard against illegal immigrants, and enhance national security.  Easy to label government profiling since it’s categorically monitors the suspected antagonist and radical of the state.  But apart from administrative cases, having the national badge number can easily identify to detect fraud, crime acts and locate the outlaws.  Since everyone is liable to their act and biometric information will not lie, the holders will be very cautious to enter in an anomalous transaction.  Risking your own identity, who will have the nerve to engineer a scam?  An isolate case might come but overall, no one will dare to detect that easy to form drug syndicates, get involved in pork barrel scam, build a pyramid scam, sending spam messages, operate illegal and others.  Biometrics controls duplicating, tampering and forging to flee accountability, then by all means everyone will not hesitate to protect themselves.

If you are not doing anything illegal then you have nothing to fear.  The fear of national ID is actually about politics.  Underlying the fear on the card is the possibility of increasing the power of the authorities, be used for domestic spying, access our information, finance and whereabouts, be used against the individual, violation on civil liberties and privacy rights, and abuse the intent of the Constitution.  To lose this fear, the trust must build.  The government officials then must be trustworthy.  So what if the government can access our physical movements? Like father to his children, our government has every right to watch our whereabouts.  Potential illegal movements have to intercept to ensure our general welfare.   Invasion of privacy, civil rights harassment, less freedom, and fear of surveillance are major concerns but it has to be viewed in another standpoint.  It’s all for our own good.

If it is like father to his children, then what we really need is the trust.  As long as our government proves its trustworthy, there will be peace of mind in ourselves.  If the persons in authority are true to their duties, people will entrust their information like we already did in hospitals, banks, schools and companies.  We’ve entrusted our personal information in these private entities so why not with our own government?   But the situation is with the current trust rating, our government is not yet prepared to implement national ID.  Their level of maturity is low to adhere in the very purpose of identification card, instead the abuse of national ID will take advantage.  With the reputation of the general politicians and police institution, it is not improbable that there should be second thought of believing in national ID.

I don’t know if my favor in national ID is shallowness.  Maybe I am sincere in nature that is why it is no big deal for me to entrust myself to the government that there is no security breaches of information.  If many feel having a national badge number make them discriminated being the marginalized poor, so what if the government know our economic status?  So what if the government know I am poor, as long as I do not violate the laws, peace and order.  Their main concern will be the national threat that personal affair is a little thing that the national security will not put at stake anyway.   If the government officials, low enforcers, and the persons in authority are trusty, honorable and dependable, and if the abiding citizens are trustful, submissive and unsuspecting, then using the national ID is a mutual acceptable and understandable issue that is far from debate, disagreement, and controversy.





By Alex V. VillamayoR
January 20, 2014

(Note: 90% researched)

Tuesday, January 14, 2014

PANINIGARILYO SA KARAMIHAN

Ang pagsisigarilyo ay isang bagay nakahit alam na nating hindi ito maganda sa katawan at kapag naging bisyo na ay napakahirap ng alisin, magbabala man ang gobyerno na mapanganib ito sa kalusugan.  Marami na ang sumubok na huminto ngunit mga nabigo.  At dahil hindi lahat ng tao ay naninigarilyo, isa sa kadalasang tinitiis ng ibang tao ay ang pagsisigarilyo ng ibang tao sa umpukan ng ng maraming tao.Na kahit nararamadaman nila na mayroong hindi may-gusto ay binabale-wala lang nila dahil ang iniisip nila ay pare-pareho lang naman silang hindi pag-aari ang lugar.  At kahit sabihing walang ibang tao na nagsasalita para punahin ang ginagawa nila ay hindi na lang nila pinapansin ang sitwasyon nilang lahat.

Para sa kanila, pare-pareho lang naman ang bawat tao na mayroong kalayaan kung ano ang gustong gawin sa kanyang sarili.  At kung anuman ang ginagawa nila ay sarili naman nila ang tumutustos kaya may karapatan sila na gawin ang maghithit-buga ng usok hanggang gusto nila.Perohindi ito tungkol sa karapatan kung ano ang iyong kalayaan.  Dahil kung kalayaan mo ang iyong ipinaglalaban, paano naman ang ibang tao na may kalayaang lumanghap ng hanging walang usok?  At may mga tao pa na kapag walang makitang lugar para sa paninigarilyo o kaya ay tinatamad na magpunta sa tamang lugar ng pagsisigarilyo ay wala ng pangimi na maghitid ng sigarilyo nang walang pakialam kung mayroong ibang tao na nadadamay sa kanilang bisyo.

Ang totoo nito, sapag-itan ng kinatatayuan ng mga naninigarilyo at hindi naninigarilyo ay mas tama ang huli na magpuna at pigilan ang una na naglalagay ng usok sa hanging nilalanghap nilang lahat.Kailangan naang may pangangailangang manigarilyo ang dapat na gumawa ng paraan dahil bisyo nila ang nakakapwerwisyo sa ibang tao.  Masakit mang sabihin ngunit may ibang tao na hindi marunong gumalang o walang pakialam sa damdamin at kapakanan ng ibang tao.Mabigat sa loob na tanggapin na nag-iingat ka sa sarili mo ngunit ibang tao lang naman ang nagpapahamak sa iyo.  Hindi isang kaartehan ang ayaw makalanghap ng usok ng sigarilyo.Bukod sa kalusugang dahilan, may mga tao na hindi talaga komportable sa amoy ng sigarilyo.  At hindi biro ang nakukuhang halo-halong kemikal ng mga nag-iingat sa kanilang kalusugan mula sa usok na may lason.  Dahil kahit ayaw nila, sila din ay nakakakuha ng nikotin, syanuro, bensina, at pormalin tulad ng kinukuha ng mga boluntaryong may kagustuhang manigarilyo.

Dahil kinikilala ng lipunan ang karapatan ng bawat isang taong naninigarilyo man o hindiay kung kaya nagtalaga ng mga inilaang lugar bilang tamang lugar sa pagsisigarilyo.  Kung ikaw man ay nasa loob ng sarili mong kuwarto, o ng pamamahay na iyong pag-aari, pagdating mo sa mga pampublikong lugar ay hindi na ito sa iyo.  Marapat lang na matutunang igalang ng bawat isa ang lugar at hanging pinagsasaluhan ng lahat.Kung hindi man masawata ang naninigarilyo, nauunawaan naman ng ibang tao na tama naman na ang lahat ng magiging kirot, gastos at hirap kapag tumama na ang karamdaman ay mag-isa naman itong pagdaraanan ng maysakit mismo, ngunit ang kahit ang kapwa niya ay dadalhin sa kahihinatnan niyang sitwasyon na hindi nila kagustuhan ay hindi naman tama.

Kapag inaapuhap ng matinding hirap sa paghinga, kapag may masakit sa loob ng katawan na nagpapahirap, kapag bumagsak ang istraktura ng katawan, kapag gusto mong magtrabaho upang tustusan ang iyong sakit ngunit hindi na kaya ng katawan, ang lahat naman ng ito ay solong-solo, ang mismong may katawan ang makakaramdam ng paghihirap at sakit ng katawan.  At ayaw itong maranasan ng ibang tao kaya sana ay huwag na lang idamay ang mga may ayaw na mangyari ito sa kanilang sarili.





Ni Alex V. VillamayoR
Enero 14, 2014

Wednesday, January 01, 2014

TAUNANG PAGPAPALAGAY SA SARILI

Wala pa rin.  Natapos ang isang buong taon ay hindi ko pa rin nakakamit ang aking mga tampok na pangarap sa buhay.  “Baka naman salbahe ka kaya hindi ibinibigay ng Diyos ang mga dasal mo” ang karaniwang sinasabi ng mga nanay sa kanilang anak.  Nuon ko pa ito iniisip nang makaramdam ako ng pagka-inip sa mga pinapangarap kong bagay na hindi pa ibinibigay sa akin.  Salbahe nga kaya ako?  Paano kaya ako kung makipagkapwa-tao?

Nagnilay ako at inisip ang mga alam kong kamalian na ginagawa ko.  Pintasero ba ako?  Maaaring may masasakit na bagay akong sinasabi na siyang opinyon ko ngunit kung sinasabi ko ang mga iyon ay hindi upang manira, mangutya, at manghusga kundi bilang pag-aanalisa lang.  May pagsisinungalin at pang-uumit akong ginagawa na sa palagay ko ay maliliit na halaga lang.  Sa pagbibigay ay hindi ko maisip kung karamutan ang pag-aala-ala sa matitira sa akin at ang pag-pili ng mga taong bibigyan ko.  May ipinapalagay akong isang maitim na lihim na hindi angkop isulat dito kaya mas nagpasya akong isulat na lamang ang ilang katangiang maibabahagi ko na baka kahit papaano’y makatulong sa ilan.  Ang pagkaka-alam ko sa sarili ko ay mahinahon, hindi mapang-husga, mapagparaya, mababa ang loob at hindi mapag-tanim ng galit.  Kung sa palagay ng mga taong nakakakilala sa akin na ang mga ito ay mali, sana’y masabihan ako upang mabago ko ang aking sarili.

Sa buhay ko, ang iniiwasan ko ay ang may magalit sa akin at ipagdasal nila ako ng hindi magagandang nangyayari at maghangad ng mga paghihirap ko.  Pinipilit kong maging mahinahon at iniwasan ko ang makapagbitaw ng mga salita sa aking kapwa na nanghuhusga, makakapagpahiya at makakasakit.  Kung mayroon tao na sabihin nating hindi ko gusto ang ugali, ang pinaka-magagawa ko ay ang hindi siya pagkakausapin at pakialaman.  Ginagawa ko iyon dahil baka may masabi at magawa ako sa kanila na kanilang ikagagalit.  Kung marami kang sinasaktan dahil sa masasakit mong mga salita at sa mga kinikilos mong hindi patas dahil hindi mo sila kaibigan o mainit ang dugo mo sa kanila, marami ang maghahangad sa iyo ng hindi maganda at lihim silang matutuwa sa iyong paghihirap.  Tiwala naman ako sa aking sarili na wala akong nasasaktan at hinihiya upang palihim silang manalangin laban sa akin ng hindi maganda na ikadadamay ng aking mga mahal sa buhay.  Ang aking ama, ina ng aking ama at ina, at marami sa mga tiyuhin at tiyahin ay pumanaw ng hindi naghirap, kung mayroong nagagalit sa akin ay salamat at hindi sila nadamay.  Salamat din sa Panginoon at ako ay hindi nagkakaroon ng patong-patong sa paghihirap – salamat at walang nananalangin sa akin ng hindi magaganda.

Pilit kong isinasabuhay ang kasimplehan, kababaang-loob at pagpaparaya.  Isang aral na natutunan ko sa aking mga magulang at sa aking karanasan ay ang magtiis kung hindi ko kaya.  Huwag piliting yakapin ang puno kung kapos, matutunan ang magtiis habang salat at kung ano ang mayroon ako ay iyun ang aking pinagkakasya.  Simple lang ako, kapag may nakahain na pinirito ay hindi na ako naghahanap ng may sabaw.  Kung mayroon akong isang gamit, kuntento na ako at hindi ko pinaparami dahil kapag ang mga sobrang gamit ay hindi na magamit, iyun ay hindi para sa iyo.  Bata pa lang ako, hindi na ako mapaghangad ng labis.  Sa katunayan, unti-unti habang tumatanda ako ay nababawasan ang mga pangarap na hindi ko pa nakakamit.  Kaya nag-iisip ako na hindi naman siguro labis ang aking pangarap na magkaroon ng sariling bahay tulad ng halos lahat sa atin ngunit parang napakahirap makamit.

Simula’t simula pa ay alam ko ng hindi ako malaki at malakas na tao kaya naging likas sa akin ang kababaan ng loob.  Marahil ay alam ng mga taong malalapit sa akin na ako ang taong hindi mapag-utos, mahilig makialam, mapag-ako ng liderato, at mapag-tanim ng galit.  Ayaw kong sinusunod at tinitingala ako dahil kinatatakutan at pinangingilagan ako, sa halip mas gusto ko ang may pangingimi sa akin ang mga kakilala ko dahil sa respeto.  Nagagalit ako dahil tao lang subalit alam ko sa sarili ko na hindi naman ito nagtatagal at kusa rin na nawawala ang aking galit.  May mga tao akong nakasamaan ng loob na kahit nagawa ko na ang magpatawad at kalimutan ang nangyari ay nawawala na rin yung dating init ng pagkakaibigan.  Hindi ko sila ginagantihan sa naging usapin namin.  At higit sa lahat, ako ang taong hindi kaylan man namomolitika.  Kahit kaya kong harangin ang gusto ng kapwa ko ay hindi ko ginagawa bilang pagsunod sa tamang asal. Ayaw kong gumagamit ng padrino upang makuha ang gusto ko, at ayaw ko rin ang humihingi ng tulong sa aking hepe.  Gusto ko lagi ng patas at naniniwala ako sa karma.

Sa mga ito, may hatid sa akin ng pag-iisip at kalungkutan kung bakit ang mga pangarap ko ay hindi ko pa makamit at hindi pa rin ako nagiging masaya?  Sa ngayon ay kasiyahan ko na lamang ang makamit ko ang pinapangarap kong sariling bahay, magkaroon ng katiyakang pambabayad sa mga biglaang pangangailangan, at ang magkaroon ng kabuhayan na hindi pangmalakihan kundi kahit katumbas lang ng aking tinatamasa ngayon.  Siguro ay kulang sa sikap – na taon-taon na lang ay siyang ipinapalagay ko sa aking sarili.  Siguro ay kulang pa rin ako sa diskarte.  Madaling tanggapin ang mga ito kung wala akong nakikitang mga tao na hindi naghihirap at nagtratrabaho sa kanyang tinamasang yaman at kapalaran.



Ni Alex V. VillamayoR
January 1, 2014