Ang pagsisigarilyo ay isang bagay nakahit alam na nating hindi ito
maganda sa katawan at kapag naging bisyo na ay napakahirap ng alisin, magbabala
man ang gobyerno na mapanganib ito sa kalusugan. Marami na ang sumubok na huminto ngunit mga nabigo. At dahil hindi lahat ng tao ay naninigarilyo,
isa sa kadalasang tinitiis ng ibang tao ay ang pagsisigarilyo ng ibang tao sa umpukan
ng ng maraming tao.Na kahit nararamadaman nila na mayroong hindi may-gusto ay binabale-wala
lang nila dahil ang iniisip nila ay pare-pareho lang naman silang hindi
pag-aari ang lugar. At kahit sabihing
walang ibang tao na nagsasalita para punahin ang ginagawa nila ay hindi na lang
nila pinapansin ang sitwasyon nilang lahat.
Para sa kanila, pare-pareho lang naman ang bawat tao na mayroong
kalayaan kung ano ang gustong gawin sa kanyang sarili. At kung anuman ang ginagawa nila ay sarili naman
nila ang tumutustos kaya may karapatan sila na gawin ang maghithit-buga ng usok
hanggang gusto nila.Perohindi ito tungkol sa karapatan kung ano ang iyong
kalayaan. Dahil kung kalayaan mo ang
iyong ipinaglalaban, paano naman ang ibang tao na may kalayaang lumanghap ng
hanging walang usok? At may mga tao pa
na kapag walang makitang lugar para sa paninigarilyo o kaya ay tinatamad na magpunta
sa tamang lugar ng pagsisigarilyo ay wala ng pangimi na maghitid ng sigarilyo
nang walang pakialam kung mayroong ibang tao na nadadamay sa kanilang bisyo.
Ang totoo nito, sapag-itan ng kinatatayuan ng mga naninigarilyo at
hindi naninigarilyo ay mas tama ang huli na magpuna at pigilan ang una na
naglalagay ng usok sa hanging nilalanghap nilang lahat.Kailangan naang may
pangangailangang manigarilyo ang dapat na gumawa ng paraan dahil bisyo nila ang
nakakapwerwisyo sa ibang tao. Masakit
mang sabihin ngunit may ibang tao na hindi marunong gumalang o walang pakialam sa
damdamin at kapakanan ng ibang tao.Mabigat sa loob na tanggapin na nag-iingat
ka sa sarili mo ngunit ibang tao lang naman ang nagpapahamak sa iyo. Hindi isang kaartehan ang ayaw makalanghap ng
usok ng sigarilyo.Bukod sa kalusugang dahilan, may mga tao na hindi talaga
komportable sa amoy ng sigarilyo. At
hindi biro ang nakukuhang halo-halong kemikal ng mga nag-iingat sa kanilang
kalusugan mula sa usok na may lason.
Dahil kahit ayaw nila, sila din ay nakakakuha ng nikotin, syanuro,
bensina, at pormalin tulad ng kinukuha ng mga boluntaryong may kagustuhang manigarilyo.
Dahil kinikilala ng lipunan ang karapatan ng bawat isang taong naninigarilyo
man o hindiay kung kaya nagtalaga ng mga inilaang lugar bilang tamang lugar sa
pagsisigarilyo. Kung ikaw man ay nasa
loob ng sarili mong kuwarto, o ng pamamahay na iyong pag-aari, pagdating mo sa
mga pampublikong lugar ay hindi na ito sa iyo.
Marapat lang na matutunang igalang ng bawat isa ang lugar at hanging pinagsasaluhan
ng lahat.Kung hindi man masawata ang naninigarilyo, nauunawaan naman ng ibang
tao na tama naman na ang lahat ng magiging kirot, gastos at hirap kapag tumama
na ang karamdaman ay mag-isa naman itong pagdaraanan ng maysakit mismo, ngunit
ang kahit ang kapwa niya ay dadalhin sa kahihinatnan niyang sitwasyon na hindi
nila kagustuhan ay hindi naman tama.
Kapag inaapuhap ng matinding hirap sa paghinga, kapag may masakit sa
loob ng katawan na nagpapahirap, kapag bumagsak ang istraktura ng katawan,
kapag gusto mong magtrabaho upang tustusan ang iyong sakit ngunit hindi na kaya
ng katawan, ang lahat naman ng ito ay solong-solo, ang mismong may katawan ang
makakaramdam ng paghihirap at sakit ng katawan.
At ayaw itong maranasan ng ibang tao kaya sana ay huwag na lang idamay
ang mga may ayaw na mangyari ito sa kanilang sarili.
Ni
Alex V. VillamayoR
Enero
14, 2014
No comments:
Post a Comment