Sunday, January 17, 2016

KABIGUAN – PAG-ASA

Paano na ngayon

Inulila ng araw ang malungkot na umaga

Kahit ang gubat ng kanyang mga diwata

Pusikit ng gabing walang kolorete

Ni ang nakasakyod niyang suklay

Nananalamin sa tining na karagatan

Ang bilog na buwan, ang tanglaw sa magdamag

* * *
Wala na ang pag-asa ng paghihinayang

Sa nakakalas na higpit ng pagkakaibigan

Kung wala ng alab ang pagkalinga

Paano na ang pag-asang mabubulid sa limot?

Dito’y lahat parang nagdaraang hangin

Walang magbabago – pangakong napako

Tigib-dusa sa pakikitatad

Walang kadalaang muling dinadalit ang pangarap

* * *
Madawag na tumana landas sa pamamalakaya

Natigilan nang matimo sa makahiya

Humahabol ma’y naiwan ng aninong kasama

Kabiguang sumasalansang di kawasa

Ama namin sumasalangit ka, dasal ko’y manapay kaligtasan niya.

Ni Lapelto
Angono, Philippines
02/16/99

No comments: