Thursday, June 30, 2022

GETTING TO KNOW THE 3RD SEX

This article is dedicated to all LGBTQ+ in celebration of pride month.  For the hardwork and success that everyone has achieved, for the causes that all are standing for, and for the goodness we all people have done, this is just timely to share this during this month of rainbow color.

In celebration of colorful Pride Month in the Philippines, the come-out of a daughter to a senator father and famous celebrity-mother has earned different pros and cons reactions, as expected. The conventional religious mind and hard-line religious rights always reject this issue stating the scriptures as their basic weapons. While on the other corner, the oppositions’ main point on the arguments is the humanity.

Being 3rd sex nowadays in Philippines is something tolerated but not yet accepted. In general, Filipinos have long way to go in terms of understanding and accepting sexual orientation and gender identity.  People have to understand the difference between sexual preference, orientation, expression, and identity. People have to know the stereotypes of 3rd sex, as gay and lesbian are different from bisexual, or transgender is different from genderqueer.  That some lesbians and gays act like men and women, some of them don’t like cross-dresser, and some just feel men and women.  People have to realize all these, but more than these is understanding humanity.

The top claim of religious group is the belief that it’s only man and woman and so it is wrong to be in between or there is nothing in between male and female.  To oppose this, it must to realize that being 3rd sex is by birth and not by choice.  It is not choice to be in between because it is inborn.  It is not to choose to be male or be female because it is in between.  Because it’s by birth, not by choice, and the person has no choice to deny or oppose it.  The only choice is the way to live by it.

It's since birth.  If all children, from those who turned out to be notorious hoodlum and great machismo, romantic playboys, famous beauty queens, and up to you, if all of us have gone through a certain stage in our childhood lives where we felt our curiosity and interest in not supposed to feel and yet we have become as what we are now, then being 3rd sex is by choice.  When did all men and women realize they are straight men or women?  None; because straight men and women did not come to a point of getting confused of their self sexual-identity. If all people were got confused of self identity, then it is by choice.

Because how could you say a so pure toddler girl or boy who likes gun toy or doll respectively when no one taught it to liken on the first place?  Before they became aware, who taught them, at very young age, to feel thrill or to appreciate the appearance of their same-sex friends?  Who taught them of their posture and moves?  Nothing, because they're all natural and inborn, it is following their heart.  It is not an infectious disease that needs medical care and can be cured.  It is not evil that inevitably makes you sinner.  Above all, it is not about it must be men and women all alone, but it is about being human and humane.  Contradict them or correct them in a way you know but at the end of the day, you are just doing a temporary “solution” if you call it solution.

Being in 3rd sex is a long battle, since the dawn of time when men and women, animals and plants were pervading the earth.  Times have passed, long have been waited and fought for, so many things have happened, and so many indifference have been settled, yet it is long unending debate.  There is always contrast, and it is unending. Coming out from the closet is always becoming laughing stock, stigma, taboo, prejudice, and mockery from the judgmental people – this shows how unaccepted it is to be in the 3rd sex.  Can you blame others for choosing to remain silent amidst of pressure from people pushes them to come-out? 

Monday, June 27, 2022

PAGIGING BINALAKI AT BINABAE

Angking-kapanganakan. Hindi itinuro, hindi pinili, kundi naruon na pagkapanganak pa lamang.  Sino ang naguturo sa mga bagong silang na sanggol ang umiyak kapag may kailangan?  Sino ng nagturo sa kanila kung paano ang sumipsip ng gatas sa dibdib ng kanyang ina?  Ang estado ng pag-iisip na pinakapuro, ang pinakasimula at pinaka-una kung saan ang lahat ay napakalinis at dalisay.  Parang isang sanggol na bagong silang, walang laman ang isip, walang malisya, walang kamalay-malay sa nangyayari.  Ang walang muwang na sanggol, blanko ang pag-iisip.  Wala pa siyang naatatandaan, wala pang nakalagak sa kanyang isip.  Magsisimula pa lamang siyang maglagay sa kanyang isip ng mga bagay na makukuha niya sa kanyang paligid na matutunan.

Pero may mga bagay na kasabay sa kanyang pagkakasilang ay angkin na niya tulad ng damdamin. Hindi pa nga lang niya alam kung paano gamitin pero naruon na sa kanya pagkasilang pa lamang.  Walang nagturo sa kanya na umiyak pero bakit siya umiyak nang nasaktan siya sa palo ng duktor na nagpaa-anak sa kanyang ina, nang tinapik siya sa kanyang puwit?  Kahit iyung kapag nakaramdam siya ng gutom, sino ang nagturo sa kanya na umiyak?  Walang nagturo ngunit paano natututunan ng isang bagong silang na sanggol ang pag-ut-ut ng gatas sa dibdib ng kanyang ina?  Iyun ay natural na pagtugon bagamat may gabay ng kanyang ina ngunit ang kanyang dapat gawin ay nakapagtatakang natural niyang natututunan.

Tulad ng isang batang lalaki o babae na may apat, lima, o anim na taon-gulang lamang na walang malay, malisya at muwang sa mundo, paano niya natutunan, naramdaman, at nagustuhan ang maging interesado sa mga bagay na sinasabi nating pangbabae o panglalaki?  Idinikta na lang nating mga matatanda kung ano ang dapat niyang gawin at gustuhin pero bago iyun ay nauna ng kusang gustuhin ng isang bata ang kanyang nakita, narinig at naramdaman.  Dahil angkin na pagkapanganak pa lamang ang ganuong damdamin. Wala siyang pinili dahil ganun siya ipinanganak.  Sa mga edad na iyun ay wala naman nagturo sa batang babae na gustuhin niya ang pagsusuot ng damit panglalaki.  Wala naman nag-udyok sa batang lalaki na gustuhin niyang makipaglaro sa mga batang babae ng manika. At walang nagsabi sa kanila na maenganyo sila sa hitsura ng kapwa nila babae o lalaki kundi kusa nilang naramdaman iyun sa sarili nila.  Lahat ng iyun ay kusa at sa lahat ng iyun ay hindi naman natigilan, nag-isip at nagdesisyon ang batang nasa apat, lima o anim na taong-gulang kung ano ang gagawin kundi dirediretso nilang sinunod ang kanilang nararamdaman.

Kung ang lahat ng bata ay dumaan sa yugtong ganuon, tama na ang pagiging binabae o binalaki ay pinili ng isang tao. Pero kung sila lang ang nakakaramdam ng ganun, samakatuwid ay ipinanganak silang ganuon. Ang mga lalaki o babae, hindi sila dumaan sa tinatatawag na pag-pili nuong nasa ganuong edad sila kaya tulad ng mga binabae at binalaki hindi rin sila pumili kundi sinunod lang nila ang nasa puso at isip sa simula pa lang. Dahil sa murang edad nila ay ano ba ang malay nila sa tama at mali?

Walang mali sa pagiging binabae at binalaki.  Tulad din sila ng mga lalaki at babae kung paano masaktan, magmahal, matuwa at malungkot dahil tao rin sila.  Nilikha din sila na marunong magmahal kung paano magkakagusto ang lalaki sa babae at babae sa lalaki.  Ganun din ang mga binabae at binalaki, nagkataon lang na ang gusto nila ay kapareho nila ang kasarian.  Walang mali duon dahil walang mali sa nilikha ng Diyos, pero mayroon puwedeng maging masama, tulad din ng mga lalaki at babae kapag lumalampas sa tamang gawain at asal.

Sunday, June 19, 2022

IN PAMPANGA

 

This is our travel to Philippines' north bound Pampanga to visit the century-old age churches and taste the delicacies of the culinary capital of the country.

We visited our first stop in Angeles City's Apong Macalulu Church and Sto. Rosario Church. Next is the Metropolitan Cathedral of San Fernando, then San Guillermo Parish Church in Bacoor and San Antonio de Padua Parish Church in Lubao.  Then we went to Guagua's Betis Church and finally to Immaculate Concepcion Parish Church.

Before we go back home to Rizal, we dined in this popular restaurant Apag Marangle to experience the Pampanga's authentic culinary tastes.



Friday, June 10, 2022

SI TOLITS (Ang Lalaking Marites)

Sa panahon natin ngayon ay binibigyan natin ng mga nakatutuwang katawagan ang mga bagay na nasa paligid natin.  Katulad ng “tsismosa”, tinatawag natin itong “Marites” mula sa pinaikli nitong pangungusap na “mare, ano ang latest?”.  Pero ano naman ang tawag kapag mga lalaki?  Ang tawag sa mga lalaking Marites ay “Tolits” na ang ibig sabihin ay “Tol, anong latest?”

Kanginang umaga habang sa aking paghihintay ng sasakyan para sa pagpasok sa trabaho ay may dalawa o tatlong lalaki ang nagkukuwentuhan ang aking naabutan.  Palagay ko ay matagal na silang nag-uusap at nasa mahigit na sa kalagitnaan ang kanilang pinaguusapan nang ako ay dumating dahil maigsi na lamang ang aking narinig, papatapos na kumbaga.  Ang kanilang pinag-uusapan: si Kris Aquino.  Ako naman ay nakikinig lamang.  Malamang ang kalagayan ng kalusugan ni Kris ang kanilang pinag-uusapan dahil mainit na balita ito ngayon.  Hindi ko na yun narinig dahil ang sabi ko nga ay nasa huling bahagi na ng pag-uusap nila ang aking naabutan dahil ang narinig ko na lang ay sinabi nila na “masyadong maarte kasi si Kris, kaya walang tumatagal na lalaki”, “Sayang si Bimbi, bading”, “lumaki kasi kay Kris at laging kasama ay mga bading”, “ang kaawa-awa si Josh”, “nasa lahi nila”, “walang sumisiryo kay Kris”.

May kasabihan na natural na mausap ang mga babae kaya nagkaroon ng mga tsismosa.  Pero ang sabi nila ay mas tsismoso daw ang mga lalaki.  Walang masama sa pag-uusap o pagkukuwentuhan, totoo man o biru-biruan lamang.  Ang masama ay kapag may kasama ng panghuhusga at paninira ang pagkukuwentuhan – iyun ang tinatawag na tsismis.  Sa aking mga narinig sa pag-uusap ng tatlong lalaki, masasabi kong ang pag-uusap nila ay hindi na isang kuwentuhan lamang kundi may kasama na itong “tsismis” dahil may elemento na iyun ng panghuhusga.  Mayroon tayong dalawampu’t apat na oras sa isang araw, at ang nakikita natin sa ating kapwa ay malamang ang kanyang isa, tatlo, pito o sampung oras lamang niya.  Buong araw kayang napakaarte ni Kris kaya hinihiwalayan ng mga nakakarelasyong lalaki kaya nagko-conclusion ang mga tao na iyun ang dahilan?   At sa kabila ng may lalaking pinakasalan si Kris, hinusgahan pa rin siyang walang sumisiryosong lalaki.

Mayroon bang pag-amin o pahaging man lang mula kay Bimbi o sa mga magulang nito na isa nga itong pusong-babae?  Baka naman talagang malamya lamang itong magsalita at kumilos na hindi tulad ng mga batang-kanto dahil lumaki ang bata sa patnubay ng ina at sa paligid ng alta-sosiyedad na de-numero ang mga kilos?  Kung ang bata ay isa ngang ganuon, hindi ito sayang dahil maayos itong pinalaki ng ina upang maging mabuti itong mamamayan.  Ang totoo ay napakalaki ng kalamangan ng bata sa atin kahit mismo sa mga nanghuhusga sa kanya, at mas marami itong magagawa kaya bakit magiging sayang ang bata?  Wala sa paligid at kinalakihan para mabuo ang sexual identity ng isang bata.  Saktan mo man sila, hindi mo na mababago ang nararamdaman nila dahil iyun ang sa umpisa pa lang na walang nagturo sa kanila ang naramdaman nila.  At iyung magsalita ka ng nasa lahi ng pamilya kaya nagkaroon ng isang batang hindi naaayon sa maraming karaniwang bata ay hindi patas.  Ang pagkukuwentuhan ng tatlong lalaki ay nagpapakitang may tsismisan din sa mga kalalakihan.  Ito ay hindi napag-uusapan lang kundi isang tsismis na mapanira at isang panghuhusga.  Matalas ang dila ng mga mapanghusgang tao, mapalalaki man o babae.

Ang pagkukuwentuhan ay bahagi ng ating buhay dahil proseso ito ng pag-unlad ng ating karunungan at pakikipagkapwa-tao.  Ang pakikipag-usap ay natural nating pang-araw-araw na buhay dahil tayo ay nakikisalamuha sa ibat-ibang tao.  Likas sa tao ang nangangailangan ng mapagsasabihan ng ating mga nakikita, naririnig, at nararamdaman.  Pero marapat lamang na piliin natin kung ano ang dapat lumalabas sa ating mga bibig dahil nangangahulugan ito kung ano ang nasa puso natin at ipinapakita nito kung anong uri ng tao tayo.