Saturday, September 30, 2023

PANANABIK SA NAKARAAN

Kapag naikukumpara ang kasalukuyan sa nakaraan, madalas mariirinig natin ang sinasabi ng marami sa atin na mas gusto nila ang hitrusa at pangyayari ng nakraaan sa kadalihalang mas maganda at mas maayos noong araw kaysa ngayon.  Sinasabi ng marami na mas gusto nila ang bahay nuong araw na gawa lang sa kahoy, kalsasang hindi sementado, at mga bakanteng lugar na wala pang mga naglalakihang istraktura.  Mas gusto nila ang buhay na simple lamang na walang malaking luho kundi ang magsaya lamang sa daan, ilog at bundo.  At sinasabing mas madali ang buhay at idagdag pa na mas malinis ang lugar at hangin nuong araw kaysa ngayon.  Ito ba ay katotohanan o pagkukunwa lamang?

Totoo na malinis ang kapaligiran, sariwa ang hangin at tubig, at masagana ang kapaligiran nuong araw dahil kakaunti pa lamang ang mga tao nuon. Pero ang sinasabing kapaligiran at simple at madali ang buhay nuong araw, ito ay pananaghili na lamang. Sa mga tao na pakiramdam nila ang kaluluwa ay parang nabuhay sa nakaraan, may konesiyon sa kalikasan, at yung mga tao na may pagmamahal o mahilig sa nostalgia at sa mga lumang bagay, mauunawaan na magugustuhan nga nila ang nakaraan.  Pero ang ibang tao, maaaring nanaghili na lamang sila kaya nila nsasabing gusto nila ang buhay nuong araw o ang bumalik pa sa nakaraan dahil napapagod sila sa ibinibigay ng ngayon.  Anumang bagay na wala na ngayon ay gugustuhin natin makita,  anomang bagay na nawala ay saka lamang mauunawaan ang halaga kapag wala na.  Kaya kung naikukumpara natin ang ngayon sa kahapon, hahanap-hanapin nga natin ang nuon kasi hindi na natin ito nakikita at makikita pa.  At ito ang nangyayari sa atin, hinid na maaaring puntahan ang nakaraan kaya sa ala-ala na lamang.

Ang tao na makabago, magarbo, at natural na masigasig ay hindi mapapahalagahan ang simpleng buhay nuon.  Oo, maaaring sa mga unang araw, linggo, buwan at taon ay magugustuhan nila pero yung ganuon na ang buhay nila habang buhay na hindi naman nila pagkato ang kasimplihan, katahimikan, at kakonserbatismuhan ay mahihirapan nilang yakapin ang ganda ng buhay sa probinsiya.  Kaya marami ang lumuluwas sa siyudad dahil nababagot sila sa liblib na lugar.  Sinasabing mas maayos o mas maganda ang buhay, o mas masagana ang buhay nuong unang panahon, ngunit kung ating iisipin ay sa kadahilanang simple lang ang buhay nuong araw kung kaya kakaunti lamang ang pangangailangan ng buhay na tugma nung panahon na yun kaya maaaring masagana ang buhay.  Ngunit malamang, ang mga tao nuong panahon na iyon ay naghahangad din ng pagbabago at nangangaap ng teknolohiya para sa mas maganda, mas mabilis at mas makabagong buhay kaysa sa kung ano mayruon nuon.  Maaaring wala silang pagpipilian nuon kundi gamitin ang mga mapaglilibangan na magagamit at yun kasi ang napapanahon nuon.  At hindi pa tugma ang mga bagay na mayroon tayo ngayon nuong panahon na yun tulad ng makinang pang-laba, matulin na sasakyan, telepono atbp. dahil hindi pa naman tayo nagmamadali nuon.  At may kahirapan na nuon kung kaya marami ang lumuwas ng kabisera upang magbaka-sakali ng magandang buhay.

Sa panahon natin ngayon na maraming nakikita na mga lugar na puno ng mga tao at namumutiktik ang mga istraktura, mga gusali na nagtataasan kaya hindi na natin natatanaw ang nasa malayong lugar at ang kalikasan kung kaya ang kapaligirn ay nagsisikip, kaya marami ang nakakaramdam ng kapaguran, nananaghoy ang mga tao sa dating malawak at maaliwalas na lugar.  Ang mga tao ay dumami, hindi nagplano ng pamilya, nagsiluwasan sa siyudad ang mga nasa liblib na lugar. Kung kaya sumikip, dumumi at sinakop ang mga bakanteng lugar at kabundukan.

 

Related: Noon at Ngayon (posted August 2022)

No comments: