Saturday, April 19, 2025

KAANO-ANO KO SI NORA AUNOR?

Simula nang mag-aral ako, kapag tinatanong ako ng mga guro ko kung ano ang aking pangalan ay kasunod agad niyon ay kaano-ano ko daw si Nora Aunor. Bilang isang bata ay wala akong maisagot. Tuloy-tuloy at walang palya ito tuwing kabubukas ng eskwela at kailangan magpakilala ang mga estudiyante. Hanggang mag-kolehiyo ako ay dala-dala ko ang ganitong tagpo tuwing kailangan kong sabihin o nabanggit ang aking apelyido.


Ang pagkakaalam ko lang ay taal na taga-Angono ang mga Villamayor. Malaki ang angkan na ito at kalat sa aming sinaunang bayan. May mga panahon nuon na basta kumandidato sa aming bayan ang isang Villamayor ay mananalo dahil sa dami nito at sa impluwensiya na rin. Ilan sa mga naging alkalde namin, kapitan at mga konsehal ay mula sa angkan ng mga Villamayor kaya kilala ang aking apelyido sa aming bayan. Nakakaramdam pa ako nuon ng "pagka-yabang" kapag may nilalakad ako sa aming munisipyo at kapag nagsusulat ako ng aking pangalan sa papel ay may pagmamalaki kong iniaabot yun sa tauhan ng munisipyo dahil iniisip ko na iisipin ng tao na yun na kamag-anak ako ni Mayor.


Pero si Nora Aunor, kaano-ano ko nga ba? Kaapelyido, iyun na lang ang isinasagot ko. Malamang ay magkamag-anak kami ngunit hindi ko yun sinasabi dahil hindi ko alam kung paano kami naging magkamag-anak.


Ayon sa kasaysayan, sinasabi na ang apelyidong Villamayor ay nagmula sa salitang Espanyol "Villa" na ang ibig sabihin ay 'lumang bahay', at "Mayor" na ang ibig sabihin ay mga naunang tao o lider. Ayon sa mga matatandang miyembro ng angkan, ang mga Villamayor ay nagmula sa rehiyon ng Bicol. Dahil sa paghahanap ng oportunidad at pagbuo ng pamilya, nakarating sila sa Quezon Province (Mauban, Quezon) at Angono, Rizal. Ang sikat na Pambansang Alagad ng Sining na si Nora Aunor ay isang Nora Cabaltera Villamayor sa totoong buhay na mula sa Iriga City.  


Wala akong muwang sa usaping-artista nuong pumaimbulong nang napakataas ang karera ni Nora Aunor, bagamat naririnig ko ang pangalan niya sa mga usapan at ang kanyang mga sikat na tagalog na kanta sa radyo. Dahil na rin sa popularidad niya sa panahon na yun ay madalas naiuugnay sa kanya ang aking apelyido. Oo, may kaunting tuwa akong nararamdaman dahil kilala pala ng ibang tao ang aking apelyido. Hanggang duon lang ang aking naging pagkakaalam. Hanggang siya ay namaalam na ngayon, unti-unti ay lumalabas ang mga kaalaman na dapat ko pala talaga ikarangal na magka-apelyido kami. Ang kanyang ambag sa industriyang kanyang ginagalawan at sa lipunan, ang mga parangal na natanggap, at ang kababaang-loob at mapagbigay na pagkakakilala sa kanya na iniwan niyang pamana sa ating mundo. Ngayon, naiisip ko na magkalayo man ang aming kinagisnan at kinalakihan, hindi ko na kailangan malaman kung paano ba kami naging magka-apelyido dahil higit sa ano pa man, ang pagiging payak na tao ang nagiging pagkakakilanlan ng aming pagiging magkamag-anak. At hindi man ako naging marunong kumanta may magkaparehong dugo na nananalaytay sa amin. Iyun ay ang aming natural na talento sa larangan ng sining, ito man ay musika, pagpipinta, at pagsusulat.


credit to Mr. Ding Villamayor's facebook from Los Banos Laguna para sa apat na pangungusap na ginamit.

Thursday, April 10, 2025

PANGLOKO, PAGKAKAMALI, KASALANAN

Sa kasalukuyang imbestigasyon sa mga pinaghihinalaang nagpapalaganap ng pekeng balita ay nalalantad ang mga hindi magagandang kwento at sikreto sa likod nito. Sa mga nangyayaring ito ay taas-noo ang aking pakiramdam dahil nagsisimula pa lamang ang mga pekeng balita noong 2010 ay isa na ako sa mga nagdududa at nagsasabi na propaganda ang mga ito.  Hanggang naging malala at mas laganap na ito bago mag 2016.


Ang pamamahayag ay iba sa propaganda. Kung ang una ay mayroong tamang tuntunin sa kumbensiyong lipunan, responsibilidad, at pananagutan,  ang huli ay kung ano lang ang pabor sa motibo. May sinusunod na protokol ang pamamahayag, samantala ang propaganda ay matuto lamang kung paano mag-sulat nang kaakit-akit.  Ang pamamahayag ay ang aking totoong pangarap nuong ako ay tutuntong pa lamang sa kolehiyo. Hindi man ako naging mamamahayag pero naging malapit at puso ko ang pagsusulat kaya ayaw ko na sinasalaula ang peryodismo.


Hindi tayo parating tama, pero sa akin, mas mabuti pa ang mga isinusulat ko na akala kong tama ngunit mali pala, kaya sa alam ko ng mali ay pinalalabas kong tama kasi wala naman akong intensiyong mang-gulo at hindi ako nagsisinungalin kundi nagbabahagi lang ako ng aking alam. Ito ang malaking ipinagkaiba ko sa mga taong mag-sulat ng huwad na balita upang kumita, upang mang-gulo, upang baguhin ang kasaysayan, at upang papangitin/pagandahin ang maganda/hindi magandang bagay. Kaya hinding-hindi ako makakapayag na mas masahol pa ako sa kanila dahil ako ay nagsusulat ng aking nalalaman samantalang sila ay nagsusulat lang dahil iyun ang ipinapagawa sa kanila DAHIL sila ay nagsusulat ng huwad at kasinungalinan.


Hindi sila mas mabuti sa akin dahil sila ay mas masahol pa sa mga hayop na walang damdaming makatao. Sinong may kunsensiya ang kayang paslangin ang reputasyon at kinabukasan ng ibang tao dahil lamang sa ito ay hadlang sa kanila, samantalang ang mga hayop ay handang manglapa lamang kapag ang pagkakaalam nila ay nasusukol sila.  Sila ay mas masahol pa sa mga magnanakaw na nagkakamal ng pera sa pagsisinungalin. Ang ginagawa nilang panglilinlang sa mga tao na walang kamalay-malay sa totoong pakay sa kanila ay pagnanakaw ng isipan ng mga mambabasa, at ninanakawan din sila ng sana ay magandang kinabukasan na hindi sana nila tatahakin ang mali kung tama ang kanilang naging kaalaman.  Sila ay mas masahol pa sa mga bandidong grupo at makakaliwa na naghahasik ng kaguluhan at takot sa paraang harap-harapang nilalason ang isip ng mga mambabasa. At sila ay mas masahol pa sa mga tunay na traydor sa bayan dahil sa likod ng kanilang ginagawa ay naruon ang totoong motibo na baguhin ang nakaraan at ang hinaharap ng bayan.


Libangan ko ang pagsusulat na hindi ko pinagkakakitaan bagkus ay paraan ko ito ng pagtulong sa ibang tao sa pamamag-itan ng tulong na may kinalalaman sa pagsusulat, o isa pang paraan upang makapagbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa.


Karangalang mangibabaw sa larangan ng pagsusulat ang pangarap ng bawat totoong alagad ng pagsusulat, samantalang pera, kasikatan, kapangyarihan - ito ang mga tropeo na hangad ng mga propagandista at ito rin ang langis na nagpapagana sa kanila. Lagi, ang pagsisinungalin ay kapatid ng magnanakaw, at lagi ang mali ay hindi maitatama ng isa pang mali.

Thursday, April 03, 2025

FLYING IN BUSINESS CLASS

For a change I stepped up one of my flights via Philippine Airlines and it was my first time to book in a significantly expensive business class flight. For once, I would like to experience to fly with a real "very important person treatment". My VIP experience started in the check-in counter when I had the priority check-in amidst of the long queue. It was comfortable without long waiting my turn to off load my luggage. The boarding time was opened at 6:20 PM but I availed my perk to embark on the plane on my preferred time. I passed through a separate entry going to my seat, a friendly cabin crew welcomed me and brought me to the assigned seat for me. A fairly small but cozy and spacious area appeared before me, few seats but comfortable and bigger angled seats with more legroom. Though I was not in my favorite spot via window seat, but I really liked the single seat with aisles on both sides and I felt the privacy on the layout of each seat. I was able to stretch my legs, my feet were wearing soft slippers, and I inclined my seat into bed for a while. A small onboard blue flight amenity kit pouch bag was handed out to the passengers, I did not open mine. Though I did not need the available head set for free, from the beginning I already felt the extra care treatment.


When the cabin crew advised me that the dinner and breafast will be served during the course of 9-hour flight, I took the chance to make food review for an in-flight meals. The first serving was the appetizer at around 1 hour after take-off. For my appetizer  I went with Tabbouleh and hummus with lime, lettuce, vine leaves, thinly sliced tomatoes, and mixed nuts on the side. As usual I opted with the fresh orange juice. The flight was from Middle East origin so an Arabian set-up like this was a nice starter. I'd tasted that pungent bitter from crushed parsley and peppery mint in Tabbouleh. Their strong taste is perfect with tangy taste of creamy hummus squeezed with lime. The cheakpeas of hummus balanced the potent tastes. The blanched vine leaves are just ideal to mix with fresh and crunchy lettuce and tomatoes. I cannot say special on it because I am not familiar what are in Middle Eastern foods.


It was a multicourse jeal, the dinner main course was served next. Chicken, beef, and fish were the choices, I chose Beef Roulade for my main course. It was served with asparagus, carrots and potato wedges. I am not a fan of beef but I must say I liked the roasted beef was tenderly done. The sweet-spicy brown souce added a dramatic taste in every spoonful. The asparagus, potato and carrots were saute'ed in olive oil seasoned with peppermint and salt, they were crunchy and good to go their switness with that juicy roasted beef. Honestly I like the meal, though I did not take a shot of wine, it was indeed a nice dinner in the sky.


The breakfast was served after about six hour onboard. For breakfast, I chose omelet. It was served with roasted muchroom, potato and tomatoes. On the side were banana crepe rolls, fruits, and honey. I didn't really like much the omelet; it was kind of moist I think the cheese made it. And I did not eat the mashed banana and mango in yogurt because I don't like the sour savor taste of a fermented milk. But the crepes and fruits salad with sugar syrup were remarkable for me. And yes, a black coffee was next, perfect to balance all those aftertastes and feel relax while enjoying Mabuhay magazine aboard while resting my feet in a spacious leg room  and will touch down in few hours more.


I had the time to open the emenity kit at home. There were two toiletries, moisturizer, a comb with brush, toothbrush and toothpaste, sleeping mask, and sock. All in all, I am pleased with PAL treatment experience and as well as their onboard menu. It was simple, light, and balance, and I am simply basic anyway. The perks of flying business class with Philippine Airlines, defenitely it was a pleasant long nine-hour flight. I wish I could fly once more to take again the edge of a pleasant journey.