Paano kung isang araw ay nalaman mo na ang buong buhay mo na sumapit ka na sa kalagitnaan ng buhay ay panag-nip lang pala lahat? lyung nagising ka na bata ka pa pala, nasa elementarya pa lang, nananag inip ka pala mula sa magdamag na pagkakatulog. Bigla ay napa-isip ka at napa-tanong "paano nga kaya? Paano kaya kung ang lahat ng ito ay isang panag-inip lang? lyung lahat ng karanasan na pinagdaaanan mong paghihirap, sakit, kabiguan ay hindi pala totoo dahil panag-inip lang pala. Nagising ka sa ingay na naririnig mo, iyung hindi mo man maintindihan nang malinaw ay alam mong may mga ingay kang naririnig hanggang magising ka, dahan-dahan kang nagdilat ng mga mata at natanaw mo ang mga kapatid mo na masayang nakatingala na tila mayroong pinagmamasdan.
Naaala-ala mo, kagabi lang ay nanonood kayong magkakapatid ng lumang pelikula sa telebisyon. Hanggang wala ka ng maalaala dahil antok na antok ka ay nakatulog ka na at napunta ka na sa ginagawa ninyong malaking parol nuong isang linggo. At nakita mo ang iyong crush kasama ng kanyang mga kaibigan na dumaan sa harapan ng inyong bahay. Medyo nagtago ka sa may likod ng inyong pinto pero nang makalampas na sila ay sobra ang iyong saya. Ganun pala ang pakiramdam nung sinasabing kulay rosás ang paligid. Hanggang sa murang edad ay nakaranas ka na ng kabiguan dahil nalaman mo na ang crush mo ay mayroon ibang crush.
Ang mga tao ay malupit. Ang kanilang panunukso, pamimintas, panghuhusga ay masakit sa kalooban. Mahirap ipilit, ibagay, baguhin ang sarili sa mundo na hindi ka tanggap o hindi ka kauri. Ilang beses ka ng nasaktan sa pamantayan ng mga tao. Gusto mo ng kaibigan pero pakiramdam mo ay ayaw naman nila sa iyo. Gusto mong naging palakaibigan ka pero pakiramdam mo hindi ka nabibilang. Wala kang makita na matalik na kaibigan. Wala kang mapagsabihan ng mga problema, mahanap ng makakaramay, mahingan ng tulong. Kaya natutunan mo na lang ang maging mapag-isa, malakas, at independiente.
Maraming beses ka napapahiya, kapag naaalaala mo ay nakakaramdam ka ng lungkot, awa at galit sa sarili mo na sana ay hindi na lang nangyari dahil ang mga ito rin ang hanggang ngayon ay pinagsisisihan mo na nangyari. Masakit at mahirap ang buhay. Naramdaman mo na hirap kayo sa buhay nang ang mga magulang mo ay nakikita mo na kinakapos sa pera, iyung hindi nila maibigay sa inyo kung mayroon kayong hinihingi, iyung nakikita mong iginagapang ang pag-aaral ninyo. Nakikita mo na nagungatang ng pera ang iyong ina, ang matrikula mo ay kinukuha sa paluwagan, nakakaramdam ka ng gutom sa eskwelahan, wala kang pang-porma di tulad ng ibang kabataan.
Nag-iisip ka, bakit may mga tao na masuwerte dahil hindi sila hirap na hirap, nakakakuha ng magandang trabaho, nabiyayaan ng kaaya-ayang hitsura, at madaling magustuhan ng ibang tao? Masakit malaman na ang tao na matagal mo ng gustong-gusto ay mayroon na palang minamahal. Mula sa kinatatayuan mo ay mangılıd-ngilid ang luha mo, gusto mong tumigil ang lahat sa anumang ginagawa nila pati ang pag-ikot ng mundo para lapitan siya at sabihin sa kanya kung gaano kasakit ang naramdaman mo. May mahirap ka pang pinagdaanan Dumaan ka sa malaking pagsubok: malaking pagkakautang, naloko sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa, nawalan ng kaibigan. Ramdam mo walang nagmamal sa iyo. Ramdam mo na tatanda kang mag-isa. Walang tutulong sa iyo.
Nasa kalagitnaan ka na ng buhay, nsisip mo kung ano ba ang silbi mo sa buhay? Ito na ba ang buhay, bakit pang marami ka pang hindi nakakamit? Bakit parang matanda ka na ay hindi mo pa rin masabi na ikaw ay tagumpay? Nilabanan mo ang mga hamon ng buhay. Sinikap mo buhayin ang iyong sarili, at pinilit mong makatulong. Nangarap, pinilit makuha ang pangarap kahit mahirap, kahit walang kang katuwang. Ang mga nakamit mo, maliit man o malakı, lahat ng iyon ay mag-isa mong kinuha mula sa luha, dugo at pawis ay ikaw lang lahat. Pero wala na ang mga magulang mo na sana ay nakita ang bunga ng iyong paghihirap. Kahit nabalitaan mo na ang tao na matagal mo ng gustong-gusto ay hindi nagka asawa ngunit mayroong anak.
At lumapit sa iyo ang iyong tatay para sabihin na nakasabit na iyung ginawa ninyong malaking parol nung isang linggo. At sinabihan ka ng nanay mo na tumayo ka na dahil kakai na kayo ng alamusal. Nalaala mo ang pinapanood ninyong pelikula kagabi na hindi mo pala natapos dahil nakatulog ka. Napatingin ka sa paligid, nakita mo ang mga kapatid mo na nasa labas ng bahay at naka-tingala at tinitingnan ang nakasabit na malaking parol. Magandang simula ito ng isa na namang masayang araw ng Sabado na gustong-gusto mo dahil walang pasok sa eskwela.
Hanggang ngayon ay napapaisip ka, panag-inip lang pala ang lahat pero parang totoong totoo. Nalilito ka man, naisip mo paano nga kaya kung ang lahat ay panag-inip lang pala, gugustuhin mo ba kung ang lahat ng ito ay isang panag-inip lang. Maiisip mo, salamat at hindi naman pala totoo iyung mga nangyari na hindi magaganda, mga kabiguan, mga sakit na naranasan mo. Kapiling mo pa pala ang iyong mga magulang at mga kapatid. Pero paano yung mga masasaya at magaganda kung panag-inip lang pala ay sayang lahat dahil hindi naman pala totoo. Iyung pakiramdam mo nang makapasa ka sa pangnasyonal na pagsusulit, mga pinuntahang magagandang lugar, iyung nakamit mo ang ilan sa mga pangarap mo lyung pinasaya mo ang nanay mo kapag binibigyan mo siya ng regalo na gamit sa kusina. Nakakalungkot kung panaginip lang ang mga iyun dahil pagtutuunan mo pa lang pala na gawin ang mga iyun. Kahit papaano ay may mga malalaki at masasayang nangyari sa buhay mo na nakakahinayang na hindi naman pala totoo. At nakakatakot din naman na kung bata ka pa pala ay baka dadaanan mo na naman ang mga malulungkot, masasakit, at mahihirap na nakita mo sa panaginip na pinag-daanan mo.
No comments:
Post a Comment