May mga tao na madaling malaman ang palagay nila sa isang tao, bagay o pangyayari dahil sa kanilang ikinikilos, sinasabi at ginagawa. Sila yung kung tawagin sa inglis ay “biased”, yun bang kapag sinabi mo lang ang isang pangalan, bagay o pangyayari ay magdidilim ang aura ng kanilang mukha kung mabigat ang loob dito o kaya ay umaaliwalas ang mukha kapag gusto nila ang narinig. Sila rin yun kapag nagsalita patungkol sa isang tao ay magaganda dahil maaring kamag-anak, kaibigan o kasama. Ngunit kung kabilang sa kabila, hindi kasamahan o kaibigan ay hindi sila interesado sa usapan.
Kung ang kanilang unang pagkakakilala sa isang tao ay hindi maganda – hindi na nila ito nabibigyan ng pagkakataon na makita ang kagalingan at kagandahan nito. Gumawa man ng magaganda ay hindi nila mapupuri, para bang wala na siyang ginawang tama na ikatutuwa nila. Hindi nila mapapansin ang mga ginagawang pagpapakitang-gilas ng isang tao kapag hindi magaan ang loob nila dito ngunit kapag naka-gawa ng mali ay agad-agad na nakapagbibigay sila ng saloobin.
May mga taong sarado ang isip sa ano mang pagpapaliwanag – sila ang mga loyalista at panatiko. Mahirap silang pagpaliwanagan, kahit anong sabihin mong hindi pabor sa kanilang kinikilala ay hindi ka magtatagumpay. Sarado ang kanilang isip, mata, at tainga sa anomang pagpapaliwanag. Maaring bulag, nahuhumaling o tila sila mga kabayo na may takip ang magkabilang gilid ng mata upang isang daan lamang ang makikita.
Huwag maging makitid ang isip. Kailangan mong lawakan ang iyong pang-unawa. Maging patas sa mga ginagawa, sinasabi at iniisip. Kailangang tingnan natin ang dalawang panig ng kwento. Madali mong mapupuna ang kapintasan ng isang tao kapag galit ka ngunit kapag gusto mo siya ay nabubulag ka ng kagustuhan mo sa kanya dahil siyempre ay gusto mo siya – yun lang yon.
Mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig at kailangan tangkilikin ang sariling atin. Subalit ang isip ay inilagay na mas mataas kaysa sa puso upang mas manaig kapag kailangan ang katarungan.
Alex V. Villamayor
March 2010