Wednesday, March 17, 2010

OF BEING ANGONIAN

I was born and raised in Angono, an idyllic and quite place nestling between the exhilarating hills and scintillating lake. Thankful and proud to be Angonian, this is the identity of my name, personality and conviction. I always have great fondness in its culture, customs, traditions and arts that flourished my affection in creative writing. I owe my artistic freedom, creativity and aptitude to this serene place that will always be my home, the cradle of my childhood, the crib of my memories, the rest home of my old age.

Dubbed as The Arts Capital of the Philippines, claimed to fame for being home to legendary two National Artists Carlos “Botong” Francisco and Professor Lucio D. San Pedro, host of the joyous Higante Festival, and site of the cultural heritage Angono Caves, an ancient petroglyphs dating back to circa 3000BC – hailed from this town enriched with vibrant and colourful stories defines me of being Angonian.  I thank God for creating me a true son of Angono for it is my honour to carry the prestige of being an Angonian.

Kahit saan ako magpunta, lagi kong ipinagmamalaki na isa akong taga-Angono. Dahil kaakibat ng taguring isa akong taga-Angono ay ang pagmamalaki sa sarili na kabilang ako sa isang bayan ng mga maka-sining.

Taal akong taga-Angono.  Dito ako isinilang, lumaki at nagkaisip. Malaki ang naibahagi nito sa aking pagkatao.  Dito ko natutunan ang maging mapagkumbaba, ang maging masipag at pangkaraniwang tao.  Ito rin ang nagturo sa akin upang maging unang pag-ibig ko ang pagsusulat.  Dahil sa kanyang simpleng kagandahan at likas na katahimikan ay nabuo sa aking isip at sarili ang magmasid sa aking paligid upang buuin sa isip ang pagkakasunod ng bawat titik, ang pagkakaayos ng mga salita at isulat ang mga niloob.

Mahal ko ang Angono.  Kung napalayo man ako at nawalay ng matagal na panahon ay sinisigurado kong dito rin sa aking sinilangan ako maghihintay ng takip-silim.  Malayong lugar man ang aking narating at magtagal man ako sa ibang bayan ngunit babalik at babalik pa rin ako sa aking pinagmulan, sa aking tinubuang lupa.


Alex V. Villamayor
March 2010

No comments: