Maiking Kabuuan: Isang taong patuloy na bigong makita ang isang tunay na kaibigan.
Isipin mong ikaw ay napunta sa isang napakalawak ngunit napakadilim na lugar. Igala mo man ang nagdudumilat na mga mata ay walang makikitang ibang bagay kundi pawang kadiliman. Para kang nakapikit, ni ang sariling hubad na katawan mo ay dili kayang mabanaagan ng mata. Sa daigdig ng itim, mistulang bulag na nagdudumilat sa kawalan. Mundo ng walang kulay, walang liwanag, walang ingay. Tila isang lugar ng pag-iisa sa gabi ng kalawakan. Magandang gabi sa inyong lahat.
Maaring ang nakikita mo’y karugtong ng aking nakikita. At ang nakikita kong kadiliman ay mistulang karugtong lamang ng aking utak na nag-iisip. Mistulang ako na mismo ang dilim. Nakikita ma’y lagusan lamang sa iyong paningin, ni hindi kayang mahawakan. Kapag nilamon ka ng dilim ay mawawala ka. Hindi mo alam kung nasaan ang hangganan ng iyong tila kulungang hindi nakikita kahit ang iyong itaas at ang kinatatayuan mo’y tila hangin lamang sa gitna ng hating-gabing walang hanggang. Sa paglukob sa iyo ng dilim ay kasabay naglaho ang iyong anino. Nasaan ka nang magdilim ang iyong paningin na sa buong paniniwala mo’y pinasama ka sa taong iniingatan mo? Hindi ba’t hindi ka makapayag? Katulad mo rin ako nang mapunta ako doon. Nang halos patunayan ko ang aking mga kabutihan ay wala pa ring saysay na lahat – parang ayaw akong paniwalaan. Pakiramdam ko’y nabubuhay ako sa kadiliman, walang direksiyong buhay. Hindi man makita ang daan ay walang katiyakang naglakad. Kaluluwang sumasapi sa hindi makitang walang hanggang kadiliman. Sa kalagitnaan ay naroroon ang aking katawang lupa. Tulad ng isang sanggol sa sinapupunang mundo ng walang kasing dilim. Ang aking katawang nasa mundo ng puti at itim, tila isang tagpo sa lumang larawang kupas ang kulay. Bahagyang nababanaagan ang aking hubad na katawan, lumilikha ng kaunting pangingintab mula sa tumatamang sikat ng kalahating mukha ng buwan,. Mula sa nakatagilid na mukha hanggang sa makapal na dibdib at manipis na tiyan, mabanayad na umaalon ang humpak na tiyan sa marahang paghinga – umaalon din ang buong kadiliman. Makikita mo ang ulilang katawan ng manunulat na may malikot na isip. Ang katawan ng isang taong di panatag, ng isang palakaibigan ngunit bigo sa mga kaibigang hindi matagpuan. Binabalot ng sariling anino hanggang maging ganap na itim. Ngayon ituloy mo sa isip mong ika’y nasa madilim na lugar sa malawak ngunit tila masikip na lugar. Sinong makapagsasabing iisa ang mundo nating ginagawalawan? Pakiramdam mo’y nag-iisa ka lamang, walang ibang maririnig kundi ang sariling kahinaan – walang nakikita ngunit may masidhing nararamdaman. Ang kadilima’y nais lisanin ang isang bagong katauhan. Siya’y tuldok na kumakawag sa gitna ng maalinsangang kadiliman. Bagamat nasa malawak na kinalalagyan ay wari’y naninikip ang kinalalagyan niya sa sulok na iyon. Hanggang sa di kawasa’y may nagbulong sa kanyang nagpatianod sa malalakas na alon na kumuha sa kanya at tuloy-tuloy na inanod ng agos. At sa dulong di kalayuan ay natanaw niya ang liwanag. At sa wakas ay nalanghap niya ang sariwang hangin. At sa unang pagkakataon na masilayan ang mundong puti at itim, mundo ng kanyang ama. Ang magiging mundo ng bagong ikaw. Ang totoo nito’y ang lahat ay bahagi lamang ng totoong buhay. Ang totoo’y nagpakasaya ka lamang sa pinakapili mong gawa. Sa daigdig na ito ng mga lalaki, ang dominante mong katauhan – walang makakapukaw sa katatagan ng paniniwala. Ang labis sa katanginang ikaw at mapangarap na ikaw, kung minsan ay nagagalit at laging umiibig. Ilang relasyon na ng pakikipagniig ang nagdaan sa iyo? Ang lahat ng ito’y iyong makikita ngayong nag-iisa ka. Ngunit ang lahat ng ito’y pawang kathang-isip lamang sa madilim na imahinasyong isinulat sa itim na tinta na nagtuloy-tuloy habang iyong binabasa hanggang magwakas…
UNTITTLED
Lapelto
November 30 1999
Angono Rizal, Philippines

No comments:
Post a Comment