(Mula sa orihinal na sulat-kamay, mayroong dalawang parirala ang nagbago para sa ikabubuti ng artikulong ito. Ang ika-160, 170, 291 at 291 salita)
Maikling Kabuuan: Kabiguang matagpuan ang isang tunay na pagmamahal at kaibigan.
Kahapon ko nakita ang pangakong maghahatid sa akin sa tunay na takbo ng mundo. Pangako ng kahapong pinanday ng panahon, nabuo sa katauhang walang pangalan. Binuo sa ibat-ibang pagkakataong nilikha sa hanging may kakayahang maging isang tao. Ang katauha’y nabuo sa imahinasyong kritikal – naghatid sa tunay na katayuan ng balintuna at tumbaling daigdig. Katauhang naging buhay – may laman at may isip. Nakita ko ang pangako mula sa ngiting nag-aanyaya ng pagtanggap sa akin. Ang ngiting gumising sa sensitibo kong pakiramdam at pamantayan. Naniningkad ang katangiang nagpakilala sa kanyang pagkatao. Humuhulagpos sa kapintasang dinaig ng katangiang napupuno ng anyong hindi angkop sa tunay na bilang ng buhay. Hinuhubog ng karanasang nagmula sa kapusukan at nakatakdang kapalaran, nagbabadya ng kababawang gawi mula sa isang ugaling musmos ngunit walang takot humarap sa mundong mapa-itaas, tagiliran, at ibaba – walang pag-aalinlangan. Nasukol ang anino sa dilim – nakuha ang saloobing ugali hanggang sa pisikal na anyo. Humuhulma ang matabag na katawang pumupuno sa kakulangan ng ibang sarili. Umaalsa ang nakabalatay na lalaking kaluluwa sa puting damit, humuhubog ang kalamnan ng biyas na mulato na may bahid ng kagaspangang marka at kaitimang mantya ng natuyong pawis. Higit na matingkad sa kayumangging kulay – nanaig ang mata – salamin ng buhay, naaninag ko ang katauhan. Isa sa pinakamagandang mata na aking nakita ang nagsabi sa akin ng tunay na kahulugan ng salitang kaibigan – sana’y wala akong pagkakamali. Nilipad ng artipisyal na hangin ang buhok, isang hibla ang napadpad at humalik sa aking labi. Kung ako’y isang mang-aawit, hayaan mong awitin ko ang iyong awit. Dahil para sa iyo ang buhay ay inaawit. Sana’y katulad mo rin akong nakakaawit para sa akin. Kung ako’y isang salamangkero, muli kong ibabalik sa dating hulmahan ang nakakalas na tanikala sa pagkakalubid ng bawat himay ng pagkakaibigan tulad ng luwad na nagbitak-bitak sa habas ng init ng araw. Sinisira ng anay ang nililok sa kahoy na pagkakaibigan na obra ng eskultor. Sino ang anay, sino ang kahoy? Ngnit hindi ako isang salamangkero. Ako’y isang talunan na naghahanap ng sandaang pamamaraan upang gamutin ang sugat ng sandaling panahon. Ngayon ay unti-unti akong nahuhulog, ang anino’y mistulang pumapantay sa kapatagang hihigupin ng lupa. Ngayo’y nais kong manirahan sa bahay ng pawikan at umidlip sa kahon ng posporo upang gumising tuwing ika-apat na taon sa katapusan ng Pebrero. Kung ako’y wala ng lakas, wala ng pintig, at wala ng libog - maaasahan ko ba ang alalahanin mo? Kung wala na akong makikita, kung wala ng hininga, iiyakan mo ba ako? Kasiyahan ko na kung ako’y patay na ang makita kitang nangilid ang iyong luha para sa akin.
Lapelto
November 30 1997
12:49 PM

No comments:
Post a Comment