(Ang Aking Kristiyanismo)
Inaamin ko, may mga pagkukulang ako bilang isang mabuting Kristiyano. Kung sa literal na pagsusuri ng bawat titik ng mga Salita ng Diyos ay kulang ang aking paraan ng pag-pupuri, pagsamba at pagsunod sa Dakilang Kautusan. Sinasabing kailangang ipakita mo ang pagmamahal, pananampalataya, at pagkilala sa Diyos sa pamamag-itan ng pagsisimba tuwing Linggo, pagpupupuri sa Kanya sa pamamag-itan ng pag-awit, pagtitipon-tipon upang pag-aralan ang Banal na Aklat at mga Salita ng Diyos, at pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos – ngunit sa lahat ng mga ito ay salat ako.
Ang sabi ng aming mga relihiyoso, dalawang bagay lang ang magiging hatol sa bawat tao sa araw ng paghuhukom – “mabuti” para sa mga naging mabait na tao na gumawa ng mga magagandang bagay, at “masama” para sa mga taong hindi sumunod sa mga Kautusan ng Diyos. Walang nasa gitna, hindi maaaring nagsisimba ka nga ngunit hindi ka naman nagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos. Kaya kailangan mong gawin at sundin ang mga kautusan na nasa Banal na Aklat upang maging kalugod-lugod ka sa mata ng Diyos at makamit mo ang Paraiso sa araw ng paghuhusga.
Kung susundin ang nasa Kasulatan, para sa akin ay napakahirap gawin ang pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos dahil ang isang ordinaryong tao na tulad ko ay mayroon kahit isang kautusan na hindi nagagampanan, kasalanan na ginawa at ginagawa dala ng likas niyang kahinaan bilang tao. Mahirap maging banal dahil ang tao ay likas na mahina at halos lahat ng tao ay dumadaan sa pagsubok na napipilitang gumawa ng mali. Bagamat mayroon naging banal na maituturi ngunit ang maging banal ay hindi pangkaraniwang bagay at sa isang ordinaryong tao ay hindi ito madali. Marahil sa araw ng paghuhukom ay mabibilang ang totoong mabuting tao mula sa laksang bilang ng mga hinusgahan.
Mahina rin ako, minsa’y may kinukuha akong maliliit na bagay na hindi ko pag-aari, nagawa ko na ang magsinungalin, nakakapagkwento ako ng buhay ng iba at mayroon na akong hinusgahang tao. May mga pagkakataon nuon na sumasagot ako sa aking ina, at may panahon sa aking buhay na hindi ako nagsisimba. Dumaan din sa buhay ko na sa aking isip ay nagkakaroon ako ng pagnanasa sa hindi ko asawa. Alam kong maling gawain ang mga ito ngunit mahina ako. Kaya kung dalawang bagay lang ang paghuhusga – mabuti at masama, masama akong tao batay sa mga binanggit kong maling gawain.
Ngunit sa kabila ng mga nabanggit kong mga maling gawain ay iniisip kong isa akong mabuting tao. Iniisip ko na ang pagdarasal ko nang taimtim, nang nag-iisa at nang madalas ay ang patuloy na nagpapalapit sa akin sa Diyos at nagpapahinahon sa aking isip na mabuti pa rin akong tao. Iniisip ko na ang kababaang-loob ko ang nagiging dahilan upang maging kalugod-lugod ako sa Kanya. Iniisip ko rin na ang hindi ko pagiging isang matalinong tao ay ang naglilinis sa aking kunsensiya, dahil hindi ako mapagsalita ng ano mang masasabi sa nangyari at ginawa ng isang tao o mula sa isang bagay at pangyayari na nakita o narinig, hindi ako mapag-isip ng sari-saring reaksiyon, malisyosong komento o negatibong pananaw at kaisipan sa mga pangyayari at gawain ng isang tao.
Kailangan nating maging kalugod-lugod sa mata ng Diyos. Mahirap para sa atin ang maging perpertong tao, ang maging banal o maging huwaran ng totoong kabaitan ngunit sa personal nating ugnayan sa Panginoon ay maipapakita natin kung gaano natin kamahal ang Diyos. Sumasampalataya ako, isa akong naniniwala, may Diyos at mahal ko ang Diyos ngunit kung hindi ko man alam kung paano ko ipapakita ang pagmamahal ko sa Diyos, kung paano ang magpakabuting tao upang makamtan ko ang totoong kabutihan – sinisikap kong maging isang nilalang na walang sinasaktang kapwa at makapamuhay ng may malinis na kusensiya. Sa kinagisnan, kinalakihan at kinabibilangan kong relihiyon, kahit papaano ay masaya akong nabubuhay araw-araw dahil araw-araw akong may tiwala, pag-asa at pagmamahal sa Diyos nating lahat.

Alex V. Villamayor
February 7, 2011
No comments:
Post a Comment