Thursday, March 29, 2012

ARAW NG PAGTATAPOS

(Sa kadahilanang hindi ko po nasasagot ang inyong mga comment ay ipinagpapauna ko na po na maaari niyo pong kopyahin o gamitin ang artikulong ito sa iyong pangangailangan.  Ito po ang pinakamadalas kong matangap na tanong mula sa mga nakabasa nitong artikulo na ito.  Maraming salamat po sa inyong mga papuri.)
(Ang artikulong ito ay halaw mula sa isang talumpati para sa pagtatapos ng klase ng mga mag-aaral sa elementarya.  Sa kadahilanang hindi ko agad nasasagot ang mga komento, tanong at ilang papuri, ipinagpapauna ko na po na maaari niyo po gamitin ang artikulong ito sa inyong pangangailangan.  Maraming salamat po sa inyong pagdalaw sa aking blog).

Naririto tayong lahat at nagtipon-tipon ngayong araw na ito upang ipagdiwang ang isang malaking pangyayari sa ating buhay bilang isang mag-aaral.  Ito ang araw na ating pinakahihintay… ang katuparan ng ating masidhing pangarap na matapos ang ating puspusang pagpupunyagi sa pag-aaral.  Mga hirap na ating naranasan upang matapos natin ang anim na taon sa piling ng ating mga kaibigan, kapwa-mag-aaral at mga guro.

Ito ang araw ng katuparan.  ito ang araw na ating pinakahihintay, ang pinakaaasam-asam nating lahat…  ang magawaran ng kaukulang pagkilala ang ating pagtitiis, paghihirap at pagsusumikap.  Ito ang tamang araw upang ipagdiwang natin ang matagumpay na maisakatuparan ang pagsusunog ng ating kilay alang-alang sa ating kinabukasan.  Ang tagumpay ay hindi lang para sa mga natatanging mag-aaral.  Hindi lamang sa akin ang karangalan na makapagtapos nang may natatanging pagkilala, kundi ang karangalan ay para sa ating lahat.

Una na nating pasalamatan ang ating mahal na Paaralan na naging ikalawang tahanan nating lahat.  Sa loob ng mahabang anim na taon, naririto tayo upang hubugin ng ating mga dakilang guro ang ating pag-iisip, ang ating puso at ang ating pananamplataya, upang sa darating na panahon ay maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bayan sa isang tuwid na daan.  Pinanday ang ating pagkatao sa loob ng tamang panahon at sa angking-talino ng mga tumayong ikalawang-magulang natin.  Sa pamamag-itan ng tamang pag-gabay ay matagumpay nating naisakatuparan ang nais na igawad sa atin ng ating mga guro.  Walang katapusang pasasalamat sa aming mga guro sa kanilang dakilang tungkulin sa mga mag-aaral.

Ang araw na ito ay ang katuparan ng pagtupad natin sa pangarap ng ating mga magulang.  Ang pangarap nilang mabigyan ng tamang edukasyon ang kanilang mga anak.  Mapapalad tayo at iginawad sa atin ng ating mga magulang ang ating karapatang makatanggap ng tamang edukasyon at mainit nating natanggap ang kanilang walang-sawang suporta sa ating pag-aaral.   Mga magulang at guro na magkatuwang na humubog at gumabay sa ating wastong asal.  Sa kanilang mahabang panahon na ginugol, kaalamang itinuro at pagtuklas sa ating talino na kanilang nilinang, nakarating tayo sa espesyal na raw na ito.  Ang lahat ng ito, na ating tinatamasa ngayon ay isang malaking tagumpay sa lahat ng mga taong naghirap para sa atin upang marating natin ang araw na ito.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat, hindi ito ang wakas.  Ang bahaging ito ng ating buhay-mag-aaral ay pasakalye pa lamang ng ating mas malaking buhay.  Inihanda lamang tayo ng ating mga guro at magulang upang maging matibay, malakas at matatag tayo sa mga darating na pagsubok at hamon sa ating buhay – maging ito man ay tungkol sa pag-aaral o personal na pakikibaka.  Papunta pa lamang tayo sa isang mas mabigat na pakikipagsapalaran.  Ngunit dahil sa tulong ng mga taong naghirap para makapagtapos tayo ng pag-aaral ay taas-noo at buong-tiwala nating haharapin ang anumang pagsubok.   Ang edukasyon ay ang sandata na ibinigay sa atin upang mapagtagumpayan natin ang mga darating na hamon ng buhay.

Para sa malaking bahagi ng aming tagumpay, maraming salamat sa aming mga magulang na naririto ngayon upang saksihan ang paunang-tagumpay ng kanilang mga anak.  Kaya sampu ng aking mga kapwa-mag-aaral na magsisipagtapos, nais po namin kayong pagpugayan sa inyong kadakilaan.  At higit kangino man, ang taos-pusong pasalamat natin sa Poong-Maykapal, na  siyang may bigay sa atin ng ating kalakasan at karunungan.  Kung wala Siya ay wala ang lahat ng ito.

At bilang pagtatapos sa aking talumpati, nais kong hikayatin ang aking mga kapwa magsisipagtapos na gamitin natin ang tinamasang karunungan sa ating pag-aaral.  Isa-puso natin ang lahat ng ating mga natutunan sa paaralang ito.  Mula sa mga libro na ating pinag-aralan, mga kaalamang ibinahagi ng ating mga guro at kaalamang pang-relihiyon na ating natutunan, gamitin natin sa kabutihan ang mga ito upang mapanatili natin ang tuwid na daan tungo sa tagumpay ng ating bayan.   Mayroon tayong mahalagang papel na gagampanan para sa ating bayan.  Bagamat nasa murang isipan pa lamang ay huwag tayong magsawalang-bahala dahil sa darating na panahon ay tayo ang mamamahala ng ating bayan.   Kung kaya ngayon pa lamang ay maging isang mamamayan tayo na makatao at maka-Diyos upang makamtan natin ang kaginhawahan sa dulo ng tuwid na daan.

Isang mainit na pagbati para sa pagtatapos nating lahat.  Nawa’y magtagumpay ang bawat isa sa atin sa ating buhay, pag-aaral, gawain at higit sa lahat sa mata ng Diyos.

Maraming-maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.


(Sa kadahilanang hindi ko agad nasasagot ang mga komento, tanong at ilang papuri, ipinagpapauna ko na po na maaari niyo po gamitin ang artikulong ito sa inyong pangangailangan.  Maraming salamat po sa inyong pagdalaw sa aking blog)

35 comments:

Anonymous said...

nice one,sir..sana madagdagan pa po ang inyong mga writings..

Alex V. Villamayor said...

Thank you sa Anonumous. sorry sa mga sablay. my writings are mostly written on the spot. Sometimes I do not do the review and corrections.

Anonymous said...

salamat po dito sir. malaking tulong po ito para sa requirement namin sa Filipino 3 . God Bless po and sana marami pa po kayong maisulat :)

Anonymous said...

Ang araw ng pagtatapos ay ang araw kung saan binibigynag parangal ang mga estudyanteng maluwalhating nakapagtapos sa pag-aaral. Ito ay pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa loob ng ilang taon ng pagsisikap at pagbubunyi. Ito ay masaya dahil sa wakas makikita na rin ang bunga ng ilang taong paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral. Ang araw na ito ay simula ng panibagong kabanata sa buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan. Kaya bilang isang mag-aaral, magiging isang napakagandang karanasan para sa akin ang makapagtapos sa elementarya. Ito ay isang karanasang hindinh hindi ko malilimutan. Maipagmamalaki na ako ng aking mga magulang> Iyan lamang ang aking opinyon sa Araw ng Pagtatapos.

Anonymous said...

aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Unknown said...

its a very inspiring speech congrats more write ups!!!

Alex V. Villamayor said...

thanks to all who spent time to read and gave comments. in my own little way, nakakabigay ako ng kaunting kasiyahan sa iba. God bless.

chebaltz said...

inspiring message, thanks for sharing your thought.hoping u can share more to others.

Alex V. Villamayor said...

hello readers. sorry for late response. Pwede po ninyong gamitin ito. please take note lang po na nagamit na po ito sa speech ng valedictorian.

Unknown said...

Nice

Alex V. Villamayor said...

Thank you Katrina

Unknown said...

thank you for sharing you thoughts. a very inspiring words,..... marami po kayong natutulungan... napakaganda po ng laman nang mensahe ninyo.. keep up the good work sir..

Unknown said...

Thank you so much Sir for your inspiring and meaningful message.. i love it... It comes from the heart and i really feels it...hoping that you can share more ideas to others. keep up the good work sir...

Unknown said...

Okay lang po ba itong makuha as reference na speech ?

Unknown said...

Okay lang po ba itong makuha as reference na speech ?

Anonymous said...

Pwede ko po bang magamit ang speech ninyo para sa graduation naming?

simplenans said...

Thank you so much sir, it's a big help for our students and teachers as well. Mabuhay po kayo.

Alex V. Villamayor said...

Sorry for late response. Wala pong problema sa mga nagtatanong kung pwedeng i-copy, gawing reference itong articel na ito.

Unknown said...

Sir pwede ko po bang kopyahin ito para sa aking proyekto

Unknown said...

Pwede ko po ba itongkunin para sa aking proyekto sa filipino?

Unknown said...

Tagos sa puso....galing..

Unknown said...

Thank you po sir sa talumpati nakakuha po ako ng ideya para sa nalalapit na pagtatapos namin sa elementarya request ko lang po na spoken naman po para sa mga mag aaral na makakahiwahiwalay na ngayong bakasyon

Anonymous said...

sir okey lng po bang magamit ang speech ninyo sa graduation nmin salamat po

Unknown said...

Wow this is great pwede ko po bang gawing speech to para sa nalalapit po naming pag tatapos sa elementarya?

Unknown said...

thank you po for sharing

Unknown said...

Inspiring messages.

Unknown said...

Thank you for sharing this inspiring speech. May I request to use this speech para sa upcoming graduation. Thank you in advance po. 😊

Alex V. Villamayor said...

Salamat sa pag-bisita. Sorry sa very late na reply.

Alex V. Villamayor said...

Salamat sa pag-bisita. Sorry sa late reply.

Alex V. Villamayor said...

Salamat sa pag-bisita. Sorry sa late reply.

Alex V. Villamayor said...

Salamat sa pag-bisita. Sorry sa late reply.

Alex V. Villamayor said...

Salamat sa pag-bisita. Sorry sa late reply.

Djan said...

Thank you po ..... At may merong akong magagamit ...... Salamat po sir ....

Unknown said...

Salamat

Unknown said...

Salamat po sir