(Sa kadahilanang hindi ko po nasasagot ang inyong mga comment ay ipinagpapauna ko na po na maaari niyo pong kopyahin o gamitin ang artikulong ito sa iyong pangangailangan. Ito po ang pinakamadalas kong matangap na tanong mula sa mga nakabasa nitong artikulo na ito. Maraming salamat po sa inyong mga papuri.)
(Ang artikulong ito ay halaw mula sa isang talumpati para sa pagtatapos ng klase ng mga mag-aaral sa elementarya. Sa kadahilanang hindi ko agad nasasagot ang mga komento, tanong at ilang papuri, ipinagpapauna ko na po na maaari niyo po gamitin ang artikulong ito sa inyong pangangailangan. Maraming salamat po sa inyong pagdalaw sa aking blog).
(Ang artikulong ito ay halaw mula sa isang talumpati para sa pagtatapos ng klase ng mga mag-aaral sa elementarya. Sa kadahilanang hindi ko agad nasasagot ang mga komento, tanong at ilang papuri, ipinagpapauna ko na po na maaari niyo po gamitin ang artikulong ito sa inyong pangangailangan. Maraming salamat po sa inyong pagdalaw sa aking blog).
Naririto tayong lahat at
nagtipon-tipon ngayong araw na ito upang ipagdiwang ang isang malaking pangyayari
sa ating buhay bilang isang mag-aaral. Ito ang araw na ating
pinakahihintay… ang katuparan ng ating masidhing pangarap na matapos ang ating
puspusang pagpupunyagi sa pag-aaral. Mga hirap na ating naranasan upang
matapos natin ang anim na taon sa piling ng ating mga kaibigan, kapwa-mag-aaral
at mga guro.
Ito ang araw ng katuparan. ito ang araw na ating pinakahihintay, ang
pinakaaasam-asam nating lahat… ang magawaran ng kaukulang pagkilala ang
ating pagtitiis, paghihirap at pagsusumikap. Ito ang tamang araw upang
ipagdiwang natin ang matagumpay na maisakatuparan ang pagsusunog ng ating kilay
alang-alang sa ating kinabukasan. Ang tagumpay ay hindi lang para sa mga
natatanging mag-aaral. Hindi lamang sa
akin ang karangalan na makapagtapos nang may natatanging pagkilala, kundi ang
karangalan ay para sa ating lahat.
Una na nating pasalamatan ang
ating mahal na Paaralan na naging ikalawang tahanan nating lahat. Sa loob ng mahabang anim na taon, naririto
tayo upang hubugin ng ating mga dakilang guro ang ating pag-iisip, ang ating
puso at ang ating pananamplataya, upang sa darating na panahon ay maging isang
kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bayan sa isang tuwid na daan.
Pinanday ang ating pagkatao sa loob ng tamang panahon at sa angking-talino ng
mga tumayong ikalawang-magulang natin. Sa pamamag-itan ng tamang
pag-gabay ay matagumpay nating naisakatuparan ang nais na igawad sa atin ng
ating mga guro. Walang katapusang
pasasalamat sa aming mga guro sa kanilang dakilang tungkulin sa mga mag-aaral.
Ang araw na ito ay ang katuparan
ng pagtupad natin sa pangarap ng ating mga magulang. Ang pangarap nilang mabigyan ng tamang
edukasyon ang kanilang mga anak.
Mapapalad tayo at iginawad sa atin ng ating mga magulang ang ating
karapatang makatanggap ng tamang edukasyon at mainit nating natanggap ang
kanilang walang-sawang suporta sa ating pag-aaral. Mga magulang at guro na magkatuwang na
humubog at gumabay sa ating wastong asal.
Sa kanilang mahabang panahon na ginugol, kaalamang itinuro at pagtuklas
sa ating talino na kanilang nilinang, nakarating tayo sa espesyal na raw na
ito. Ang lahat ng ito, na ating
tinatamasa ngayon ay isang malaking tagumpay sa lahat ng mga taong naghirap
para sa atin upang marating natin ang araw na ito.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang
lahat, hindi ito ang wakas. Ang bahaging
ito ng ating buhay-mag-aaral ay pasakalye pa lamang ng ating mas malaking
buhay. Inihanda lamang tayo ng ating mga
guro at magulang upang maging matibay, malakas at matatag tayo sa mga darating na
pagsubok at hamon sa ating buhay – maging ito man ay tungkol sa pag-aaral o
personal na pakikibaka. Papunta pa
lamang tayo sa isang mas mabigat na pakikipagsapalaran. Ngunit dahil sa tulong ng mga taong naghirap
para makapagtapos tayo ng pag-aaral ay taas-noo at buong-tiwala nating
haharapin ang anumang pagsubok. Ang
edukasyon ay ang sandata na ibinigay sa atin upang mapagtagumpayan natin ang
mga darating na hamon ng buhay.
Para sa malaking bahagi ng aming
tagumpay, maraming salamat sa aming mga magulang na naririto ngayon upang
saksihan ang paunang-tagumpay ng kanilang mga anak. Kaya sampu ng aking mga kapwa-mag-aaral na
magsisipagtapos, nais po namin kayong pagpugayan sa inyong kadakilaan. At higit kangino man, ang taos-pusong
pasalamat natin sa Poong-Maykapal, na
siyang may bigay sa atin ng ating kalakasan at karunungan. Kung wala Siya ay wala ang lahat ng ito.
At bilang pagtatapos sa aking
talumpati, nais kong hikayatin ang aking mga kapwa magsisipagtapos na gamitin
natin ang tinamasang karunungan sa ating pag-aaral. Isa-puso natin ang lahat ng ating mga
natutunan sa paaralang ito. Mula sa mga
libro na ating pinag-aralan, mga kaalamang ibinahagi ng ating mga guro at
kaalamang pang-relihiyon na ating natutunan, gamitin natin sa kabutihan ang mga
ito upang mapanatili natin ang tuwid na daan tungo sa tagumpay ng ating
bayan. Mayroon tayong mahalagang papel
na gagampanan para sa ating bayan.
Bagamat nasa murang isipan pa lamang ay huwag tayong magsawalang-bahala
dahil sa darating na panahon ay tayo ang mamamahala ng ating bayan. Kung kaya ngayon pa lamang ay maging isang
mamamayan tayo na makatao at maka-Diyos upang makamtan natin ang kaginhawahan
sa dulo ng tuwid na daan.
Isang mainit na pagbati para sa
pagtatapos nating lahat. Nawa’y magtagumpay
ang bawat isa sa atin sa ating buhay, pag-aaral, gawain at higit sa lahat sa
mata ng Diyos.
Maraming-maraming salamat at magandang
umaga sa inyong lahat.
(Sa kadahilanang hindi ko agad nasasagot ang mga komento, tanong at ilang papuri, ipinagpapauna ko na po na maaari niyo po gamitin ang artikulong ito sa inyong pangangailangan. Maraming salamat po sa inyong pagdalaw sa aking blog)
35 comments:
nice one,sir..sana madagdagan pa po ang inyong mga writings..
Thank you sa Anonumous. sorry sa mga sablay. my writings are mostly written on the spot. Sometimes I do not do the review and corrections.
salamat po dito sir. malaking tulong po ito para sa requirement namin sa Filipino 3 . God Bless po and sana marami pa po kayong maisulat :)
Ang araw ng pagtatapos ay ang araw kung saan binibigynag parangal ang mga estudyanteng maluwalhating nakapagtapos sa pag-aaral. Ito ay pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa loob ng ilang taon ng pagsisikap at pagbubunyi. Ito ay masaya dahil sa wakas makikita na rin ang bunga ng ilang taong paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral. Ang araw na ito ay simula ng panibagong kabanata sa buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan. Kaya bilang isang mag-aaral, magiging isang napakagandang karanasan para sa akin ang makapagtapos sa elementarya. Ito ay isang karanasang hindinh hindi ko malilimutan. Maipagmamalaki na ako ng aking mga magulang> Iyan lamang ang aking opinyon sa Araw ng Pagtatapos.
aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
its a very inspiring speech congrats more write ups!!!
thanks to all who spent time to read and gave comments. in my own little way, nakakabigay ako ng kaunting kasiyahan sa iba. God bless.
inspiring message, thanks for sharing your thought.hoping u can share more to others.
hello readers. sorry for late response. Pwede po ninyong gamitin ito. please take note lang po na nagamit na po ito sa speech ng valedictorian.
Nice
Thank you Katrina
thank you for sharing you thoughts. a very inspiring words,..... marami po kayong natutulungan... napakaganda po ng laman nang mensahe ninyo.. keep up the good work sir..
Thank you so much Sir for your inspiring and meaningful message.. i love it... It comes from the heart and i really feels it...hoping that you can share more ideas to others. keep up the good work sir...
Okay lang po ba itong makuha as reference na speech ?
Okay lang po ba itong makuha as reference na speech ?
Pwede ko po bang magamit ang speech ninyo para sa graduation naming?
Thank you so much sir, it's a big help for our students and teachers as well. Mabuhay po kayo.
Sorry for late response. Wala pong problema sa mga nagtatanong kung pwedeng i-copy, gawing reference itong articel na ito.
Sir pwede ko po bang kopyahin ito para sa aking proyekto
Pwede ko po ba itongkunin para sa aking proyekto sa filipino?
Tagos sa puso....galing..
Thank you po sir sa talumpati nakakuha po ako ng ideya para sa nalalapit na pagtatapos namin sa elementarya request ko lang po na spoken naman po para sa mga mag aaral na makakahiwahiwalay na ngayong bakasyon
sir okey lng po bang magamit ang speech ninyo sa graduation nmin salamat po
Wow this is great pwede ko po bang gawing speech to para sa nalalapit po naming pag tatapos sa elementarya?
thank you po for sharing
Inspiring messages.
Thank you for sharing this inspiring speech. May I request to use this speech para sa upcoming graduation. Thank you in advance po. 😊
Salamat sa pag-bisita. Sorry sa very late na reply.
Salamat sa pag-bisita. Sorry sa late reply.
Salamat sa pag-bisita. Sorry sa late reply.
Salamat sa pag-bisita. Sorry sa late reply.
Salamat sa pag-bisita. Sorry sa late reply.
Thank you po ..... At may merong akong magagamit ...... Salamat po sir ....
Salamat
Salamat po sir
Post a Comment