Sa
pananampalataya ko, naniniwala ako sa Diyos hindi dahil itinuro ito sa akin o hindi
dahil pinilit ako kundi dahil naramdaman ito ng aking puso, isip at budhi na
napatunayan ko ito sa sarili ko ng maraming pagkakataon. Sa paniniwala kong ito na aking natutunan sa
sarili, hindi ko kailangan sundin ang mga nakaugalian, tradisyon o paniniwala
na wala sa mga kautusan ng Diyos.
Maaaring maganda sila ngunit para sa akin ay hindi dapat gawin dahil
wala sila sa kautusan tulad ng pagdarasal ng rosaryo, paglikha ng mga rebulto,
pagangangalaga sa mga ito, pag-aalay sa mga patron, pag-gawa ng mga ritwal sa
ibat-ibang santo at pagpapatingkad sa mga kapistahan.
Ang
mga kapistahan ay pag-gunita, pagpaala-ala, pagkilala sa kabutihan, aral at kahalagahan ng pangyayari
at personalidad. Sa ibat-ibang
kapistahan sa ating bayan, hindi ako
nakiki selebrasyon upang sambahin kundi kinikilala at hinahangaan nirerespeto
ko lang ang kamartiran ay buhay na ipinakita ng mga santo at santa na ito. Tanggap kong nariyan ang imahen nila para
mailarawan ang kabanalan nila pero hindi ko sila dinadasalan at
hinahagkan. Mulat ako sa aking mga
nakikita na sa ginagawang pag-gastos upang ayusan, damitan at pasanin. Ako bilang Kristiyano ay hindi iyung
hihilingin ko sa patron ng mga bagay-bagay kung nais kong humiling ng ganuong
bagay. Sa Diyos lamang dapat ipagdasal ang
mga nais nating makamtan. Ang Mahal na Araw
ang isa sa mga pinapahalagahan dahil nagpapaala ala ito sa mga tao na dapat ay
magpakabuti tayo. Hindi ito pagkamatay
ng Diyos taon-taon. Napakababaw na pananaw nito mula sa mga tumituligsa sa
Mahal na Araw. Ito ay pagkilala sa
kamatayan ng Diyos na Siya ay nagkatawang
tao. Katulad din ng Pasko bilang pagkilala
pagdating ng Diyos sa lupa at sa pagsilang ng Diyos na nagkatawang lupa. Hindi
isang selebrasyon lang ng pagsasaya, hindi ito luho at hindi ito pagdakila sa
natatanging tao kundi ito ay para sa Diyos.
Tuwing
Semana Santa, maraming tao ang nagsasabi na sila ay nagtitika at nangingilin pero
ang totoo ay parang hanggang sa salita na lamang. Sinasabi nilang “hindi ako kakain ng karne” o
“hindi ako magpapakaligaya” pero nakikita o naririnig mo sila na naglilibang sa
pakikinig ng kanta sa radyo na nadidinig pa man din ng mga katabi o
nakakapagkwentuhan pa rin ng may malulutong na tawanan , busog pa rin sa mga
nilutong masarap na pagkain. Ilang araw
lang naman o minsan isang araw na nga lang, hindi pa ba makakapgsakripisyo na
maging tahimik, magpakabait sa loob ng isang araw lang? Ang sa akin lang, tinatanggap ko ang
modernisasyon ng social media kahit sa panahon ng Mahal na Araw ngunit sana ay
magkaroon na ng sariling pagpipigil sa sarili ang mga tao. Pwede na maglagay ka ng mga bagay tungkol sa
Mahal na Araw tulad ng mga aral, larawan, kwento pero ang nabili mong gamit,
ang opinyong-politika ay baka maaaring isang-tabi muna at pagkatapos na lang ng
Mahal na Araw. Hindi ba maaaring kahit
isang araw lang ay manahimik tayo? Isang
araw ay huwag tayong makinig ng musika, isang araw ay huwag muna tayo maglaro
ng computer, isang araw ay huwag muna tayong mag-ingay. Sa modernong panahon ngayon ay mahirap ngunit
makakaya ito dahill isang araw lang naman.
Bagkus mag-isip tayo kung anu-ano ang mga kasalanan natin. Magmasid tayo kung ano ang mga mali sa
paligid natin.
Matagal-tagal
ko ring hindi nasasaksihan ang Mahal na Araw sa aming bayan dahil sa
pagtratrabaho ko sa ibang bansa. Sa
nakaraang semana santa, ramdan na ramdam ko ang malaking ipinagbago sa
pag-gunita sa Mahal na Araw sanhi ng makabagong buhay at pananaw. Sa ngalan ng sinasabi nilang modernisasyon ay
hindi baleng mabawasan ang kasagraduhgan sa pagdiriwang ng okasyom, tradisyon
at kaugalian? Dahil ba sa modernisasyon
ay tama na ang magsuot ng may nakikitang parte ng katawan o naaaninagan ang
kurba ng katawan kahit nasa simbahan at sa prusisyon? Hinihintay ko ang kabi-kabilang pabasa at
pa-rosaryo encantada Lunes Santo pa lamang ngunit Huwebes Santo ko na lang ito
narinig at madalang pa. Hinihintay ko
ang maraming penitensiya na magdaraan sa kalsada namin siumula Miyerkules santo
ngunit isa lang ang nakita ko nuong Biyernes Santo. Sa prosisyon ay mangilan-ngilan na lamang ang
may hawak na kandila. Bukod sa putol-putol ay nawala na ang linya sa
magkabilang gilid bagkus ang kumpo-kumpol sa gitna.
No comments:
Post a Comment