Hinalikan ng Presidente sa labi ang isang babaeng may-asawa
na sa harap ng maraming tao.
• REAKSIYON KO: maaaring nakatutuwa ang eksena pero hindi
tama.
• Reaction ng marami: unbecoming para sa isang Presidente, pambabastos na naman sa isang babae, harassment, hindi magandang tingnan.
• Reaction ng maka-Duterte: parang halik lang eh, inggit lang kayo
• Reaction ng palasyo: walang malisya, walang masama dahil tanggap iyun sa kulturang Pilipino.
• Reaction ng Pangulo: it was just for fun, for entertainment, gimik lang.
• REAKSIYON KO: Hindi ito inggit o “halik lang naman yun”. Asal ang pinag-uusapan dito. Kagandahang asal (GMRC) ang nakataya dito.
Kailan itinuro sa iskwelahan na tanggap ang paghahalikan sa harap ng maraming tao ang isang may asawang babae sa isang lalaking wala siyang kaugnayang-kasal? Kaya paano ito nating tanggap sa kulturang-Pilipino?
Hindi dapat for entertainment eh. Ang Pangulo ay pinuno, hindi entertainer. Hindi dapat ipakita ng isang Pangulo ang humingi siya ng halik dahil unang una ay Pangulo siya, dun pa lang ay napakalakas na niya kaya sino ba ang hindi makaka-hindi? Hindi na dapat niyang ginawa ito sa una pa lamang.
• Reaction ulit ng palasyo: nagpaalam ang Pangulo. Karangalan ng babae at minsan lang sa buhay ang karanasan na iyun. Gusto ng babae ang halik
• REAKSIYON KO: Hindi sa nagpaalam. Kahit nagpaalam siya, kahit gusto ng babae, hindi na niya dapat itinuloy pero hinalikan pa rin niya kahit nalamang may asawa na at sa labi pa.. Higit sa pahintulot, pressured ang babae dahil sa nagsisigawan sa tuwa na mga manonood, dahil atubili siyang mapahiya ang Pangulo kung hihindi siya, dahil hayan ang pinakamakapangyarihang tao kaya sino ang makaka-hindi sa pangulo?
Karangalan? Maaaring sa isang DDS. Pero hindi siya ang kumakatawan sa lahat ng kababaihan para masabing tama lang yun at karangalan ang mahalikan sa labi ng Presidente na sa maraming beses ay nagpakita ng pambabastos sa mga kababaihan.
• Reaction ng isang Senador (Gatchalian): ihinalintulad ang halik ni DU30 sa mga artista dahil may mga artista na may asawa pero nakikipaghalikan sa pelikula o TV, kaya kung gagawing trabaho lang at may unawaan ay siguro pwedeng gawin yun.
• Reaction ng isang artista: ang mga artista ay gumaganap ng isang karakter. Minsan pwede silang umayaw kung hindi nila gusto dahil kani-kanilang values at interpretasyon. Di porke sinabi ng director at script na talon ay tatalon na. Bilang artista ay may tungkulin sila sa manonood, sa producer at sa pag-arte. Pero ibang usapan na kapag public official kaya huwag dapat ihambing ang ganuong argumento.
• Reaction ni RJ Thinking Pinoy Nieto: nag-post ng picture ng Canadian PM na hinalikan ang isang bride at isinulat na kung si Justin Trudeau ba at hindi si DU30 ang gumawa ay ok na?
• Reaction ng iba: hindi ipinaliwanag ni Nieto kung ano ang istorya ng litrato. Ang tagpo ay kuha sa isang private setting nang ang pamilya ng bride ay nagrequest sa PM para magpalitrato at nire-quest kung pwedeng i-kiss sa cheek ang bride.
• Reaction ng pro-DU30 blogger na si Sass. Ang mga opposition ang naglalagay sa babae na biktima gayung inamin ng OFW na wala iyung malisya.
• Reaction ng iba: Sa kanya ay wala, pero sa humalik ay meron! meron! meron.
• Reaction ni Mocha: Si Ninoy ay may halik din naman sa babae. Pareho lang daw naman iyun kaya bakit marami ang bumabatikos kay PDU30 niya?
• REAKSIYON KO: si Ninoy ay hinalikan, si Presidente DU30 ay nanghalik.
• Reaction ni Kris: Ang mga halik na iyon ay ang ipinagkait sa kanyang ina at sa kanya kaya sinariwa ni Mocha ang sakit nang hindi man lang nahalikan sa huling pagkakataon. At hindi dapat idawit ang mga patay na hindi maipagtatanggol ang sarili.
• Reaction ni Mocha: Hindi iyon (video) tungkol kay Kris. Iyon ay tungkol sa paglalagay ng malisya sa halik ng dalawang pinuno.
• REAKSIYON KO. Paanong sasabihing hindi ito para kay Kris? Kung mayroong unang-unang dapat magsalita tungkol sa pagdawit kay Ninoy sa controversial kiss ni DU30 ay walang iba kundi ang daddy’s girl na binusog sa nag-uumapaw na pagmamahal. Paanong hindi sasagot si Kris kung hindi na makakasagot ang patay na binabastos?
• Reaction ni Thinking Mind: bakit kapag binabatikos ang mga magulang ni Bongbong, Imee at Irene ay ok lang? Kapag kay Kris hindi pwede?
• Reaction ng Marcos Loyalists at mga Turds: Bakit ang mga anak ni Marcos ay hindi nagagalit sa mga bumabatikos sa kanilang ama? Ilang taon o dekada winalanghiya ng mga maka-Aquino ang tatay nina Imee, Bongbong at Irene, ngayon bakit sasabihing kapag krini-criticize ang tatay niya (Kris) ay magagalit siya?
• Reaction ng mga pro-Aquino: Sa maraming beses na binalahura ni Mocha ang mga Aquino ay ngayon lang nagsalita si Kris patungkol kay Mocha dahil sumobra na - masama pa ba yun kung pumalag na si kris? Sa unang bahagi ng video ay sinabi ni Kris na “ipinangako ko sa sarili ko na hindi kita papatulan. Pero you crossed the line”
• Reaction ng mga anti-Marcos: Hindi sila (anak ni Marcos) nanahimik. Hindi ba’t nuon pa sa mga lumang interview nila ay binabatan na nila ang mga nag-aakusa sa kanilang ama na dictator at binabatan nila ang mga nagbalik ng demokrasya, nag-EDSA-1 at pilit sinasabing walang ninakaw ang pamilya nila at maganda ang martial law?
• Reaction ng mga Dilawan: bakit naman magre-react ang mga anak ni Marcos sa pagnanakaw, dikdaturya at patayan eh totoo naman? Tama naman daw ang mga akusasyon kaya paano nila ipangtatangol?
• Reaction ng iba: Ang depensa nila ay bata pa sila nuon. Mahirap depensahan ang mga ebidensiya
• Reaction ni Panelo: parang kiss lang yun sa isang apo.
• Reaction ng iba: kiss ng lolo sa lips ang kanyang apo? Ipaki-kiss kaya niya sa lips ang apo niya kay DU30.
• Reaction ng isang diyaryo: yung halik ay hindi tama - tapos ang kwento. Huwag na mag-justify.
• Reaction ng eksperto sa batas: Mayroong Republic Act No. 6713: Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na nagsasabing ang isang –public official” ay dapat pahalagahan/igalang sa lahat ng oras ang mga karapatan ng iba, at dapat pigilin ang paggawa ng mga gawa na salungat sa batas, mabuting asal, magandang kaugalian, pampublikong patakaran, pampublikong kaayusan, kaligtasan sa publiko at pampublikong interes.

No comments:
Post a Comment