Sa pagsali natin sa social media para i-ibahagi ang ano man ang tungkol sa atin, gusto natin ipaalam sa ibang tao kung ano'ng meron o ano'ng balita sa atin, at malaking bagay ang makita ang mga reaksiyon o kung sino ang mga nakakita ng ating posts dahil naiparating natin ang ating mensahe sa ating post. Ano man ang ating intensiyon sa pag-post, kung para magyabang man o maglahad lang ng gusto natin, ay malaking bagay ang naibibigay ng mga reaksiyon ng mga nakakita dahil hindi nasasayang ang effort natin. Aminin natin, ang mga reaction tulad ng like, love, care, wow o kahit angry, ay inaabangan natin at masaya tayong nakikita kung sino-sino ang mga nag-reaksiyon.
Mahalaga ang kanilang reaksiyon kasi duon natin nalalaman na ipinaparamdam kasi ng mga nakakita kung ano sila sa atin. Gusto man o hindi nila gusto ang pag-like sa post natin pero sa sandaling nag-like sila ay ipinaparamdam lang nila na kasama mo sila, na "heto lang ako", "basta narito lang ako". Na para itong attendance check sa mga kaibigan mo kung sino-sino pa ba ang nariyan. "Present" ang makikita mong sagot nila sa sandaling mag-like sila sa post mo. Dagdag-saya na lamang ang mga nag-puso, nag-hug, at ang nagulat dahil sa sava.
Maliit na bagay pero napakalaking validation nito sa pagkakaibigan. Hindi naman sinasabi na sa bawat 10 posts niya ay mag-reaksiyon ka sa 10 lahat. Iparamdam mo lang na kahit kalahati ay nakakapit ka pa rin sa pagkakaibigan ninyo. Hindi naman niya kailangan asahan na lahat ay magre-react sa kanyang posts dahil iyung mga nakakasama niya sa trabaho at sa labas ng bahay ay may natural na silang pakikipag-kaibigan sa kanila na hindi na idinadaan sa social media. Walang problema duon sa mga lagi mo naman nakikita at nakakasama pero iyung mga hindi mo na nakakasama dahil magkalayo na kayo sa isat-isa, siguro kung may concern ka pa sa kanila, sana ay maglaan ka ng oras na pakitaan mo rin ng simpleng like para maiparamdam mo sa kanila na "huy, narito lang ako", "hindi pa rin ako nakakalimot" ang laki ng magagawa nun sa pagkakaibigan. Pinapasaya mo sila dahil yung effort nila na mag-post ay pinapansin mo
Kung sa ibang tao ay nagagawa mong ipakita ang iyong pakikipagkaibigan pero sa isang tao ay hindi, may kung ano ng nagaganap sa pakikipagkaibigan nila sa atin. Kung patuloy itong mangyayari, kung bumibilang ng maraming buwan ay baka nababale-wala, baka hindi mo na napapahalagahan, baka nasasamantala mo na, at baka initatapon mo na ang iyong kaibigan nang hindi mo namamalayan. Lalo na kung alam na alam mo naman na siya ay ipinaparamdam pa rin na siya ay nariyan lang para ituloy ang pagkakaibigan ninyo kahit hindi mo nasusuklian. Kapag ang bawat post ng iba ay binibigyan mo ng reaksiyon, ibig sabihin nun ay gusto mo silang pasayahin, pini-please mo sila, at napapa-good points ka sa kanila-bakit hindi mo iyun magawa sa isang kaibigan mo pa? Kaya isipin mo kung ano ang nararamdaman ng ibang kaibigan mo na hindi mo pinapansin ang kanilang posts. Prayoridad, siguro ay mas may prayoridad sila kaysa sa isa.
I
Ang simpleng pag-reaksiyon ng mga kaibigan natin sa ating mga ibinabahagi sa social media ay nagsasabi na "hindi ka nag-isa", na "kung naghahanap ka ng kaibigan ay ibilang mo ako". Hindi man yun nangangahulugang sasamahan nila tayo sa hirap at ginhawa pero hindi na yun mahalaga kundi ang kailangan lang natin ay iyung malaman natin na mayroon pa rin sa tabi-tabi na alam nilang tayo ay naririto pa rin. Ipinapakita lang nila na sa bawat pag-like nila sa iyong post ay nirerenew lang nila ang kanilang pakikipag-kaibigan sa iyo. Simpleng pagsasabi lang iyon na anoman ang ginawa mo, ok lang sa kanila yun. Kaya kung alam mong matagal-tagal na rin na hindi mo nagagawa sa kaibigan mo ang iparamdam sa kanya na nariyan ka lang, na pasayahanın siya, na magpag-good points sa kanya, magkusa ka ng hanapin siya at kahit iyung huling tatlong psots man lang ay malike mo. Magpapasalamat siya dahil nariyan pa rin ang pagpapanibagong pagkakaibigan niya sa atin.
No comments:
Post a Comment