Saturday, August 29, 2026

 REACTION ON VP IMPEACHMENT-PART 2

ARTICLE-I CONFIDENTIAL FUND


Unusual Doesn't Mean Illegal.

Ito ang kaunauanahang katwiran ng depensa sa pagbubukas ng article-1. Oo, iyung pag-encash o pagwiwithdraw in cash ng mula 125M-500M sa isang transaction lang ay unusual at totoo naman na hindi ibig sabihin agad ay illegal pero may gray area na duon kung bakit in cash. Nagtrabaho ako as bank teller (90's), 500K ang insured ng PDIC sa pera ng mga kliyente para sa kaligtasan ng bangko at ng kliyente. Kung ganun kalaking milyones, bakit hindi manager's check para mas ligtas? Bakit cash? Naruon ang gray area. Kasi mas madali kasing ubusin ang cash nang walang masusundang paper trail-kung may illegal kang ginagawa.


a. k. a. Mary Grace Piattos.

Ok lang akin iyang mga aliases na yan. Unusual man yan, nakakatawa, nakakaduda - alyas lang yan. Ang nature nga ay confidential fund kaya nauunawaan ko kung mayroon ganyan pangalan at hindi talaga makikita ang birth o death certificate nito dahil alias lang ito. At ok lang kahit hindi ipakita si Mary Grace Piattos (MGP), kasi ang pinaka-punto naman dito ay kung saan ginamit yung 70k na kinubra ni MGP kuno. Dito papasok ang joined circular (mga dapat gastusan ng confi fund) at diyan malalaman kung tama ba ang pag-gasta ng confi fund. Hindi ko na ilalaban ang issue kung bogus yang MGP na yan, ang gustong-gusto kong mapatanunayan ay tama bang ginastos sa gamot ang 70k dahil ayon sa joined circular ay hindi dapat gamitin sa gamot o sa bayad sa security guard ang confi fund dahil magkaiba ang confi funds at intel funds.


Walang Katibayan na May Isang Kusing Ay Napunta Kay VPS.

Dahil may mga kumubra daw, walang ibinulsa si VPS. Pirmado ng VP ang Accomplishment Report (AR) na nagpapatunay na ang confi fund ay may pinagkagastusan. Di kailangan napunta sa bulsa o sa bank account ang pera dahil pwedeng ibinayad yun para sa kapakinabangan ni VPS - yun nga lang kaduda-duda ang AR: yun ang pananagutan niya. At iyun ang pinakamalaki niyang kasalanan yung nagkamal siya ng milyones galing sa pera ng bayan - at pagtataksil yun sa tiwala ng 32M na sinasabi nila at sa mas nakararaming hindi siya ibinoto, hindi nakaboto, at hindi pa pwedeng bumoto.


Hindi VP Kundi Disbursing Officer Daw Ang May Pananagutan.

Ang DepEd at OVP ay si VPS, Siya ang pinuno, siya ang namamahala, siya ang may responsibilidad anuman ang mangyari sa mga ahensiyang ito. Dahil siya ang pinuno, na isang matapang na pinuno, walang maglalakas-loob na tauhan na mas matapang pa sa VP ang magdesisyong kunin ang napakalaking 125M o 500M piso. Galing nga sa confidential funds ang mga iyan kaya definitely ay ang pinuno ng DepEd at OVP ang may power sa mga perang iyan at siya ang dapat umako ng lahat. At sinabi na nga ng hostile witness (Gina Acosta) na si VPS ang nag-utos na ibigay ang pera kay Lachica.


Tree Planting.

Isa ito sa magandang naipunto ng prosecution: nung 2023 na may confi funds ang OVP, isa sa reason ng depensa ay ginamit daw sa tree planting. Ngayong 2026 na walang confidential funds ay may tree planting pa rin ang OVP. Pwede naman pala walang confi funds - dahil makakapag tanim pa rin naman kahit wala ng confi funds.


Takeaway: Ang article-l ay pagsuway sa rules. Mula sa pag-gamit ng mga alias para sa pag-gamit ng pera sa ibang purpose, ang lahat ay hindi sinunod sa tamang proseso. Systematic eh. luutos ng pinuno, kukunin ang milyon, gagastusin kung ano gusto, hindi paririsibuhan, gagamit ng alias - confi funds na: scam. May kaakibat na responsiblidad ang pagiging pinuno, mas malaking kapangyarihan ay mas malaking responsibilidad.