ARTICLE-IV THREAT
Conditional Threat Daw.
Wala sa kung may kondisyon ang pagbabanta sa buhay ng tao para hindi sabihin na mali at bawal. May kondisyon man yan o hindi man nangyari ang kondisyon, kung nagbanta ka ay mananatili itong pagbabanta. Kung ikaw ay nagbanta at may kakayahan ka dahil makapangyarihan ka at ang pamilya mo ay kilala sa pat@yan - may posibilidad yun na mangyari vs. banta ng teacher sa social media na magbibigay ng 50M kapag may pum@t@ay kay FPRRD - walang katotohanan yun dahil malamang sa malamang wala iyon 50M. Alalaahanin natin, ang article IV ay hindi para patunayan kung nagbanta ba ang VP, kundi para patunayang ang pagbabanta at pagmumura ay hindi na akma sa kilos ng VP para maglingkod at iyon ay isang pagtataksil sa pagtitiwala ng mga tao.
32M Votes.
"Ang VP ay ibinoto ng napakaraming Filipino, kahit pagsama-samahin pa ang boto ng ilan dito". Irrelevant. Unrelated. Kahit ba naka-32 M votes siya, hindi ibig sabihin nun ay pwede na siya magkamali o pabayaan ang trabaho niya. The more na ipilit ang 32M votes na iyan ay mas lalo pa nga dapat itong usigin dahil marami siyang niloko na mga tao. Ibig sabihin nun ay 32M ang na-betrayed na public trust. Kahit landslide na ibinoto pa siya ng 100% ng lahat ng botante at ang kalaban niya ay zero - puwede na ba siyang magpapapatay at magmura?
80% Bar Score.
Mataas daw ang score sa bar exam ng VP at isang attempt lang nag-bar. Another immaterial at irrelevant na argumenti ito kaya hindi ko ito kakagatin na katwiran. Kahit topnotcher pa o kahit perfect 100% pa yan sa bar exam, hindi ito kaylanman dapat maging excuse para mag-above the law ka. 80% lang yan para sabihing baka mas mataas pa sa ibang mga naroroon, at lalong 80% nga lang yan nagagawa na niya ang ganyang pagbabanta, paano pa kung naka-100% pa yan? Ano pa ang kaya niyang gawin bukod sa pagbabanta at pagmumura?
Bugsong Damdamin.
Nagawa daw ang pagbabanta during the conference dahil sa bugso ng damdamin dahil "papat@yin daw pamilya nila". lyang bugso ng damdamin na yan wala yan - hindi ko tatanggapin kasi kumausap na siya ng p@p@t@y bago pa siya magmura, magwala at magbanta nuong press conference niya - ganun ba ang bugso ng damdamin? Ibig sabihin ay ginawa na niya iyung pagkuha ng hitman at pagplano na huwag titigil ang hitman hanggang hindi napapat@ay bago pa man magkaroon ng conference - nasaan ang bugso dun nung oras ng conference?
Freedom of Expression Daw.
Gamit na gamit ang excuse na ito, pero heto ang paulit-ulit na sagot diyan - hindi absolute ang freedom: kapag ito ay nakakaperwisyo at nakakapanakit ng ibang tao - hindi ito dapat tanggaping kalayaang magpahayag. Ang malayang pagsasalita ay natatapos, nawawala, at inaalis kapag ang karapatan ng ibang tao ay nagsisimulang masagasaan, matapakan, at walang-hiyain. Ang pagbabanta at pagmumura ay hindi kaylan man dapat maging kalayaan ng pagpapahayag. Ang pagbabanta ng VP ay hindi depensa tulad ng sinasabi nilang sagot ito sa "Oplan Romanov" dahil unang-una ay ang pamilyang VP ang unang nagbanta ng "Oplan Romanov" sa buhay ng Pangulo.
Ang article-IV ay tungkol sa pagkitil ng buhay ng tao. "Huwag kang papat@y"-isa ito sa mga kautusan ng mga relihiyon na kailangan nating gawin. Ang pag-pat@y, lalo na kung pinagplanuhan, ay mali, masama, at kasalanan. Kung iyung mga aksidenteng nakapat@y nga dahil sa pagtatangol sa sarili ay binibigyan pa rin ng kaparusahan, ano pa ang sinadiyang pagpat@y? Kung ang pagpat@yay iyong ipinagtatanggol anong klase ka pang tao?