Kadalasan, kapag nakakarinig ako mula
sa isang kakilalang tao na dumadaing ng karamdaman sa kanyang katawan ay gusto
kong sisihin ang mismong may katawan dahil siya na rin mismo ang may kagagawan
ng kung anuman ang kanyang nararamdaman.
Dahil aminin man natin o hindi, ang mga karamdaman na nakukuha natin ay
bunga lamang ng kung ano ang ating ginagawa sa sarili natin. Alam na alam nating lahat na ang
pagsisigarilyo at pag-inom ng alak ay masama sa ating katawan. Paulit-ulit nating naririnig ang mga
paala-ala na ang mga pagkaing mamantika at matatamis ay hindi maganda sa ating
kalusugan. Ngunit marami pa rin ang
hindi natututo sa mga katotohanang ito.
Nasa kinakain, nakukuha natin mula sa klase ng pagkain at ugali sa pagkain ang mga karamdaman na dumadapo sa ating katawan. Kung ano ang iyong mga kinakain, makikita ang mga iyon sa iyong hitsura, katawan at kalusugan. Huwag nating panghawakan ang katwiran na “huwag mong tipirin ang sarili mo sa pagkain” dahil ang tanong, “tama ba ang ginagastos mong pera sa pagkain?” Hindi mo nga tinitipid ang sarili mo sa pagkain pero ang totoo ay umiiral na lang sa iyo ang kalakasan o kahiligan mo sa pagkain. Hindi sa pagtitipid kung bakit kaunti ang iyong dapat kainin kundi iyun kasi ang tama lang sa katawan mo. Kung hindi ka lumalaktaw sa pagkain ng tatlong beses isang araw – hindi ka nagtitipid kundi dinidisiplina mo lamang ang iyong pagkain na siyang mahalaga.
Mahirap magpapayat at magbawas ng timbang dahil hindi lamang kailangan na pursigido ka kundi kailangan din dito ang totoong sakripisyo at tamang pagsisikap. Sa pakikisalamuha ko sa ibat-ibang tao, halos lahat sila ay sobra sa tamang timbang na gustong magbawas ng bigat. At nagsasabi sila na ginagawa nila ang mga paraan ngunit napakahirap, napakaliit o wala ang kinakalabasan. Ngunit kung papansinin ko ay hindi naman talaga sila nagsasakripisyo dahil hindi pa rin sila umiiwas sa mga maling pagkain. Oo nga at madalas sila sa paglalaro ng isports o magpapawis sa paglalakad ngunit dapat ay sabayan nila iyon ng tamang pagkain. Nagiging punto na lamang kasi nila na nawawala naman sa pagpapapawis ang nakakain nilang taba, paano mawawala yung mga naka-imbak na taba kung ang sinusunog lang ng pagpapawis nila ay yung kinakain nila ngayon? Ang nangyayari, nakadalawang karamdaman na sila sa isang taon samantalang ako ay wala pa.
Ang totoong diyeta ay ang mabisang paraan sa pagbabawas ng timbang. Kung maisasapuso lamang ito ay malalaman ng may katawan na hindi mahirap. Sa unang ilang araw, linggo o isang buwan ay mahirap, ngunit sa mga susunod ay hindi na kasing-hirap dahil nahihirati na ang iyong katawan sa ugaling nabuo mo na sa iyong sarili – nasasanay ka na kasi sa sistema ng iyong pagkain. Isipin mo na lang na ang diyeta ay hindi pag-iwas sa pagkain kundi paglimita lamang sa pagkain. Huwag tumingin sa pangalan ng pagkain kundi tingnan mo ang uri ng pagkain. Hindi sinabing minsan lang ang iprinitong isda, itlog, manok o sinabawang baka. Ang sinabi ay minsan lang ang pagkain ng mga mamantikang pagkain, dahil ang nangyari ay hindi minsan kundi araw-araw sa buong linggo kang kumain ng mamantikang pagkain.
Hindi dahil nakakaramdam ka ng gutom ay gutom ka talaga, minsan ay hinahanap na lamang ng katawan mo ang may kinakain dahil naging bisyo na ng katawan mo ang may kinakain. Basta’t alam mo sa sarili mo na kumakain ka sa tamang oras ay hindi ka malilipasan ng gutom. Hindi dahil parehong may dayabetes ang iyong mga magulang ay ligtas kana sa sakit na ito kaya walang limitasyon ang pagkain mo ng lahat ng matamis – maling-mali ka ng pag-aakala dahil maisasama ka sa ikalawang uri ng dayabetes. Kaya kung alam mo sa sarili mong hindi ka naman nag-iingat sa pagkain, wala kang karapatang magreklamo kung bakit ka nagkakasakit. Kung sabagay, ang may-katawan lang naman ang makakaranas ng sakit at hirap ng katawan at siyang haharap sa gastos at abala, ngunit kung isasalang-alang mo ang hirap at pag-aala-ala ng ibang tao para sa iyo, siguro ay maaantig ang puso mo na isagawa at isabuhay ang magkaroon ng malusog na pangangatawan.

NASA
KINAKAIN
Ni Alex
Villamayor
August 30, 2012
Khobar, KSA
No comments:
Post a Comment