Saturday, June 29, 2013

MGA AYOKONG KILOS

Hindi tayo nagkakapareho ng mga gusto at disgusto sa buhay, malaki man o maliit na bagay lamang.  Maaring para sa iba ay kalabisan ang aking nararamdaman ngunit sa aking palagay, sa pangkalahatang-pagpapalagay ay hindi ako nalalayo sa karamihan.  Ang ilan sa mga sumusunod ay ang mga maliliit at simpleng bagay lamang na hindi ko ginagawa at ayaw kong ginagawa ng ibang tao.


Minumumog ang iniinom.  May mga tao na kapag uminom pagkatapos kumain ay minumumog ang tubig bago lululunin.  Hindi ko alam kung bakit sila ganuon ngunit narurumihan ako sa ganung gawi kahit na sabihing galling din naman sa sarili ang naiinom ng tao.  Dahil parang ininiinom mo lahat ang pinaghalo-halong sariling laway at mga tira-tirang pagkain.



Maingay ngumuya.  Ito ang ayokong-ayokong maririnig sa isang taong kumakain.  Ang totoo ay nakakairitang makarinig ng tunog ng nginunguyang pagkain na saktong-sakto sa tunog ng kumakain na baboy.  Nakakawalan ng gana dahil nakakapandiri ang maisip mong naghahalo ang laway at ang mga nadudrog na pagkain sa loob ng bibig ng taong kumakain.



Dumudura or sumisinga ng walang pangimi.  Iyung kapag naglalakad at kapag naisipang kailangan niyang gawin ang mga ito ay basta na lamang gagawin.  Ang mga ito ay personal na dumi ng isang tao na hindi dapat makita ng ibang tao.  Kung talagang hindi maiiwasan, anu ba yung gawan man lamang sana ng paraan na huwag ipakita sa sinoman ang kanyang ginagawa.



Nagmumura.  Sa paminsan-minsan na pagkakataon tulad ng biglang bugso ng masidhing damdamin ay natatanggap ko ang makarinig ng pagmumura.  Ngunit kung ang pagsasalita nito ay kinaugalian na lamang ay nakakadismayado sa akin.  May mga tao na bukang-bibig na lamang ang pagmumura.  Sa kanyang pagsagot, mga kwento ay hindi nawawala ang pagmumura na lubhang nakakababa ng kanyang pagkatao. 



Maingay kumilos. Iyung maingay sa lahat ng bagay tulad sa pagsasalita, paglalakad, magtrabaho at pakikinig ng musika at panonood ng pelikula.  Kahit sa pagbukas-sara ng pinto, paglilinis ng mga gamit ay hindi maaaring may mga tunog ng kumakalabog na gamit sa pagkilos.  Bawat tao



Nagtatapon ng basura kung saan-saan.  Katamaran at kasalaulaan ang nakikita kong dahilan na ugali ng isang tao na nagtatapon ng kanyang kalat kung saan-saan, maliit, kaunti, o malinis man na bagay.  Kapag pinagsama-sama mo ang mga taong ganito, yung maliliit na bagay na itinapon nila ang nagpaparumi sa kapaligiran, magtatataka ka pa ba kung bakit nagbabaha at matindi ang polusiyon?  Ang totoo ay kakaunti lang kasi ang may malasakit sa kapaligiran kumpara sa mga taong nagtatapon ng kalat kung saan-saan.



Nag-aaksaya ng tubig at kuryente.  Mula sa hinahayaang nakabukas ang gripo habang may ginagawa at natatapon lahat ang tubig, hanggang sa iniiwang bukas na gripo upang malamang nagkaroon na ng tubig kapag nawawalan, nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa mga pagkakataong ganito.  Ganuon din sa pagiiwan ng mga de kuryenteng kasangkapan kahit walang gumagamit, na parang walang responsibilidad at hindi iniintindi ang mga bagay na pag-aaksaya ng pera, gamit at oras.



Ilang maliliit na mga bagay lamang ang mga ito na sa palagay ko ay hindi naman kaartehan sa aking panig.  Hindi ito malaking usapin dahil nagagawa ko pa rin pakisamahan sa aking pang-araw-araw na buhay ang mga taong may ganitong mga kilos ngunit hindi ko pa rin ito tanggap bilang mga tamang kilos.





MGA AYOKONG KILOS

Ni Alex V. Villamayor

April 6, 2013.

Tuesday, June 11, 2013

HUWAD NA OFW

Bilang isang manggagawang Pilipino na nagtratrabaho sa ibang bansa (OFW), nakakatuwang isipin na kami ay pinaparangalan at itinuturi na mga Bagong Bayani dahil sa aming sakripisyo at naitutulong sa pagpapatagag ng ekonomiya ng ating bayan.  Nakaka-pagmalaking isipin ang katawagang ito dahil para maging bayani ay nangangahulugan ng kadakilaan at kagalingan ng iyong naibibigay sa kapwa.

Malalim, mahalaga, at dakila ang kahulugan ng pagiging isang OFW dahil ito ay  nangangahulugan ng hindi matutumbasang paghihirap ng loob na mapalayo sa mga mahal sa buhay at  hindi matatawarang paglalagay ng sarili sa panganib sa kultura ng ibang bansa maisakatuparan lamang ang magandang kinabukasan ng kanyang pamilya.  Lakas ng loob, tibay ng damdamin, at malinaw na pag-iisip ang kailangan upang kayanin ang mabibigat na hamon nang malayo sa pamilya.

Maraming malalaking katangian upang karapat-dapat na tawaging bayani ang OFW.  Sino ang kayang harapin ang matinding kalungkutan sa pag-iisa nang walang karamay na kamag-anak sa panahon ng suliranin at karamdaman?  Sino kayang mag-tiis ng pagkainip sa paghihintay kung kalian matatapos ang pagsasakripisyo?  Sino  ang kayang labanan ang nakakabaliw na pagkabalisa sa pag-iisip sa kalagayan ng mga mahal nila sa buhay?  At nakapagtitiis na maibigay ang lahat sa pamilya kahit walang maiwan para sa kanya?

Ilan lang ang mga ito sa malalaking sakripisyo ng isang OFW.    Nakakalungkot lang malaman na may mga OFW sa ibat-ibang bansa ang umaangkin ng mga sakripisyong ito upang makakuha lang ng awa, pang-unawa at paghanga na kailangang ibigay sa kanila.  Sinasamantala nila ang kahulugan ng isang OFW upang gawing dahilan sa kanilang pagkukulang at pagkakamali.  At pinangangalandakang sila ay  OFW upang ipamukha sa iba ang lahat ng katangian at kabayanihan ng OFW na gusto niyang angkinin.  Sila ang mga huwad na OFW.

Kung ibabase sa kahulugan ng OFW, sila ang mga tinimbang gunit kulang.  Sila yung mga taong nagsasabing hirap na hirap sila sa pagtratrabaho sa ibang bansa, nagtitiis upang makapagpadala ng pera ngunit kung susuriin ay hindi naman kasi sila nag-aayos sa buhay kaya naghihirap.  Dahil sila yung nagpapakaluho sa mga makabagong gamit, nag-bibisyo tulad ng alak at sugal, nagbubuhay binata o dalaga kahit may asawa at anak.  Paano nila ngayon naaatim na sabihing bagong bayani sila?  At may lakas pa ng loob na kalampagin ang gobyerno kapag hindi maramdaman ang pag-unlad ng bansa.

May isa akong kasamahan na nang minsang dumaing ng kagipitan sa pera ang kanyang asawa ay ipinamukha ditto ang kahirapang kumita ng pera sa ibang bansa at inisa-isang sabihin ang mga gastusin niya, ngunit hindi naman binanggit ang gastos niya sa pag-iinom, paglalaboy, at pagpostura.  Hirap na hirap na daw siya sa pagtratrabaho gayong alam ko naman na wala pa siyang isang taon sa trabaho, paano na kaya kung umabot man lang siya ng mahigit dalawang taon?  Hindi ko siya nakikitaan ng kahirapan dahil palagi siya sa kasiyahan, luho at pagbubuhay nang parang isang binata.  At siya pa ang may lakas ng loob na magbanta ng masasakit na salita na isusumbat daw niya sa sino mang magtatanong sa kanyang pagpapakahirap sa pagtratrabaho sa ibang bansa.  Kung ganuon na hindi naman pinupulot ang pera sa ibang bansa, sana ay mag-ayos siya sa buhay at kumilos ng kung ano ang dapat niyang ikilos kung bakit siya nagpunta sa ibang bansa.


HUWAD NA OFW
Ni Alex V. Villamayor
June 10, 2013

Friday, June 07, 2013

ABOUT BATTERING THE WIFE

It is saddening to know that there are real stories about battered wife or just even those who are in one point of their relationship have harmed by her husband.  Why are there some men who can lay hand on their spouseHow can they land their bare hands to harm their wife?  What kind of a man can batter the weaker sex who cannot defend herself against the stronger man?  Asking these questions, I will blame the answer due to husband’s effrontery and his paltry brains that is smaller than the glans of his penis.

A husband who is inflicting physical aggregation on his wife is a damnable man.  If he can able to slap, maul, punch, kick, shove, bite, throw objects, and hair-pull his own wife, then this man has no real courage and strength.  In hurting his wife following to their misunderstanding, differences and disagreement, it just speaks his stupid masculinity who cannot depend himself through rationalization.  And it is the mere reason of using his strength and violence that he knows his edge.

For men who once assaulted their spouses, it is an alarming behavior in their personality that they should strive to get rid of.  Otherwise, they will be devoured with the evil that dwelled in their heart that he triggered when he battered his wife on the first time.  Battering his better half makes him less a man that he should be ashamed of his children.  Womanizing, gambling, and wine are the vexing habit of an engaged man and the physical aggregation is the plethora of all of these.

If the woman was assaulted by her husband on first incident, she should then put an ultimate warning to not happen again the first assault.  Because most likely, it will be repeated again if you will not emphasize the consequences that he will deal with.  When the woman submitted herself to the man she married, her fate is depended on her husband.  Physical, verbal, mental, emotional, sexual, and economic batter are painful and bitter experiences in women’s marital fate.  Any woman who is in this situation should wake up, walk away, and stand to build her dignity.

If a wife have sinned that for her husband has no forgiveness, then it is better for the man to return his spouse to its immediate family rather than committing his own offense.  Beating is sign of immaturity that was not taught and guided by person who raised him.  Parenting plays an important role in man’s growth.  If his own father or mother had pampered him wrongly and raised him with anything he wanted which get him old believed that his will should be followed, then this husband will act like a fuming toddler.  If the man has grown up in a quarreling family and chaotic slum-like environment, then most often than  not he’ll be ended up as a mean head of his territory.

When hearing news about came-out battered wives, I can’t help the feeling of dismay and ire over their abusive husbands.  No matter how honorable, well-known, prominent or good a man, I lost my respect to any man whom I learned battering his wife.  Man should never slap his wife not even once.  I am not a violent person and it really breaks my heart to see woman in so much pain as battered wife.  The feeling of seeing a wife’s fate due to her husband’s cruelty gets into my nerve that I do not want to happen in anyone in my own family.




ABOUT BATTERING THE WIFE

By Alex V. Villamayor

June 7, 2013

Thuqbah, KSA