Bilang isang manggagawang Pilipino na nagtratrabaho
sa ibang bansa (OFW), nakakatuwang isipin na kami ay pinaparangalan at
itinuturi na mga Bagong Bayani dahil sa aming sakripisyo at naitutulong sa pagpapatagag
ng ekonomiya ng ating bayan. Nakaka-pagmalaking
isipin ang katawagang ito dahil para maging bayani ay nangangahulugan ng kadakilaan
at kagalingan ng iyong naibibigay sa kapwa.
Malalim, mahalaga, at dakila ang kahulugan ng pagiging isang OFW dahil ito ay nangangahulugan ng hindi matutumbasang paghihirap ng loob na mapalayo sa mga mahal sa buhay at hindi matatawarang paglalagay ng sarili sa panganib sa kultura ng ibang bansa maisakatuparan lamang ang magandang kinabukasan ng kanyang pamilya. Lakas ng loob, tibay ng damdamin, at malinaw na pag-iisip ang kailangan upang kayanin ang mabibigat na hamon nang malayo sa pamilya.
Maraming malalaking katangian upang karapat-dapat na tawaging bayani ang OFW. Sino ang kayang harapin ang matinding kalungkutan sa pag-iisa nang walang karamay na kamag-anak sa panahon ng suliranin at karamdaman? Sino kayang mag-tiis ng pagkainip sa paghihintay kung kalian matatapos ang pagsasakripisyo? Sino ang kayang labanan ang nakakabaliw na pagkabalisa sa pag-iisip sa kalagayan ng mga mahal nila sa buhay? At nakapagtitiis na maibigay ang lahat sa pamilya kahit walang maiwan para sa kanya?
Ilan lang ang mga ito sa malalaking sakripisyo ng isang OFW. Nakakalungkot lang malaman na may mga OFW sa ibat-ibang bansa ang umaangkin ng mga sakripisyong ito upang makakuha lang ng awa, pang-unawa at paghanga na kailangang ibigay sa kanila. Sinasamantala nila ang kahulugan ng isang OFW upang gawing dahilan sa kanilang pagkukulang at pagkakamali. At pinangangalandakang sila ay OFW upang ipamukha sa iba ang lahat ng katangian at kabayanihan ng OFW na gusto niyang angkinin. Sila ang mga huwad na OFW.
Kung ibabase sa kahulugan ng OFW, sila ang mga tinimbang gunit kulang. Sila yung mga taong nagsasabing hirap na hirap sila sa pagtratrabaho sa ibang bansa, nagtitiis upang makapagpadala ng pera ngunit kung susuriin ay hindi naman kasi sila nag-aayos sa buhay kaya naghihirap. Dahil sila yung nagpapakaluho sa mga makabagong gamit, nag-bibisyo tulad ng alak at sugal, nagbubuhay binata o dalaga kahit may asawa at anak. Paano nila ngayon naaatim na sabihing bagong bayani sila? At may lakas pa ng loob na kalampagin ang gobyerno kapag hindi maramdaman ang pag-unlad ng bansa.
May isa akong kasamahan na nang minsang dumaing ng kagipitan sa pera ang kanyang asawa ay ipinamukha ditto ang kahirapang kumita ng pera sa ibang bansa at inisa-isang sabihin ang mga gastusin niya, ngunit hindi naman binanggit ang gastos niya sa pag-iinom, paglalaboy, at pagpostura. Hirap na hirap na daw siya sa pagtratrabaho gayong alam ko naman na wala pa siyang isang taon sa trabaho, paano na kaya kung umabot man lang siya ng mahigit dalawang taon? Hindi ko siya nakikitaan ng kahirapan dahil palagi siya sa kasiyahan, luho at pagbubuhay nang parang isang binata. At siya pa ang may lakas ng loob na magbanta ng masasakit na salita na isusumbat daw niya sa sino mang magtatanong sa kanyang pagpapakahirap sa pagtratrabaho sa ibang bansa. Kung ganuon na hindi naman pinupulot ang pera sa ibang bansa, sana ay mag-ayos siya sa buhay at kumilos ng kung ano ang dapat niyang ikilos kung bakit siya nagpunta sa ibang bansa.

HUWAD
NA OFW
Ni Alex V.
Villamayor
June 10, 2013
No comments:
Post a Comment