Masarap
makatanggap ng mga regalo, pakimkim, at pamigay kung ang mga iyon ay laan
talaga para sa iyo. Masarap makatanggap
ng kung anumang magandang bagay na gusto mo na alam na alam mong hindi mo
inaasahan. Yung kusang ibinigay sa iyo
nang wala kang ginawang paghingi, pagpaparinig o pagpaparamdam. Naruon kasi ang totoong kahulugan ng
sopresa.Naruon ang totoong layunin na
inalala at sinadya ka ng nagbigay. Para
talaga sa iyo ang bagay na ibinigay na kusang-loob na bigyan ka at hindi yung
tumalima lamang dahil nahihiya o mas ang masama ay napipilitan lamang.May mga
tao kasi na hindi makapaghintay na magsabi na bigyan sila ng kung anu man ang
gustong hingin, nagsasalita ng kung anu ang gusto nilang matanggap o magkaroon,
maliit o mumurahing bagay man. Iyung
ipapaalam sa kung paano mang paraan na mabigyan sila ng mga pasalubong ng mga
dumadating na kakilala, maabutan sila ng mga namimigay ng pamigay, at
makatanggap sila ng regalo kung anuman ang okasyon. Kung minsan na hindi sila nabigyan ay
lumalapit talaga sila upang magbiro na mabigyan sila. O kung kaya naman ay nagsasabi na bigyan siya
bago pa man dumating ang araw ng pagbibigay.
Huwag
nating pangunahan ang mga ito, huwag nating gawing sapilitan ang pagtanggap
natin ng regalo, pasalubong o pamigay.Minsan kasi akala natin ay ayos lamang na
gawin ang mga ito nang madalas dahil hindi naman tayo pinahihindian, o kaya ay
malapit na kaibigan naman ang ating hinihingan, o kaya naman ay angidinadahilan
natin ay paglalambing lamang na maliit na bagay lang naman na hindi kalakihang
abala.Pero iba pa rin ang bukal sa loob na bigay.Mas maganda ang
kusang-loob. Kapag pinapangunahan natin
na ipaalam ang ating gusto ay maaaring hindi na lamang sila makatanggi. Kapag napilitan kasi, minsan ay hindi na
lamang makapagsabi ng hindi dahil nahihiya o kaya ay nasusukol na lamang. At ano ang halaga ng isang bigay kung hindi
naman galing sa puso? Sabihin man natin
na kusang-loob naman na sila ay magbibigay at hindi sa napipilitan lamang kahit
pinanguhan natin, pero aminin natin na mas makahulugan at maganda pa rin yung
pinag-ukulan ka ng pansin na bigyan.Dahil kusang loob man, ay lumalabas na
hindi ka naman talaga bibigyan kung hindi mo rin lamang naman ipinaalaala,
sinabi o hiningi.
Liban
na lamang kung nakalimutan talaga subalit kung hindi, iba pa rin yung talagang
binigyan ka nang may pagpaplano ng nagbigay.
Oo sinasabi natin minsan dahil maaring nakakalimutan, pero hindi ba mas
maganda pa rin isipin na kung talagang bibigyan ka ay hindi ka niya malilimutan?At
kung sakaling nakalimutan nga ay magandang huwag ng sabihin dahil ang totoo
naman ay inalala ka niya dangan lamang ay nakalimutan? Ang sapilitang regalo ay kahit kailan hindi
makahulugan. Maghintay tayo na kusa
tayong mabigyan. Mayroon langtalaga na
mahilig manghingi hindi dahil kapos sila o nangangailangan kundi gusto lamang
nila na mabigyan sila dahil masaya sila kapag nabibigyan. Paano maipagmamalaki na marami ka ngang
naiipong subenir mula sa mga kaibigan kung ang mga ito naman ay kung tutuusi’y
wala dapat sa iyo? Upang masabi lamang
na marami ang nagbibigay sa iyo dahil sa ikaw ay malapit sa maraming tao,
balewala ang mga ito sa totoong kahulugan ng palakaibigan.
Sa
salitang balbal ay tinatawag silang harbatera o harbatero at mga mahilig
mang-arbor. Ang iba ay sadyang mahilig
lamang magkaroon ng kahit maliliit na
bagay na bigay mula sa kapwa. Ngunit
hindilang naman ito tungkol sa pagiging maliliit na bagay lamangupang
magsilbing alaala kundi ito ay ugali na sumasalamin sa ating pagkatao. Ang kawalan ng kahihiyan na ugali ng isang
tao ay nagiging kamalian at kairitahan sa madalas na pagkakataon na ginagawa. Bakit kailangang pangunahan, bakit hindi na
lamang maghintay na maabutan upang malaman kung ikaw ay talagang gustong
bigyan?
Ni Alex V.
Villamayor
March 24, 2015