Monday, July 20, 2015

FRIED CHICKEN MARINATED

4-cuts chicken thighs
1 cup brown sugar
¼ cup soy sauce
Garlic and onion
Pepper to taste
1 dozen of onion leaves
¼ kilo cabbage (grated)
½ cup water

1.  In a bowl, mix the brown sugar and soy sauce.
2.  Marinate the chicken thighs for at least an hour.  Overnight is recommended.
3.  Sauté the minced garlic and onion.
4.  Add the chicken, fry for few minutes.  Set aside the mixture of sugar and soy sauce.
5.  Add the water and let it simmer until the chicken is done.
6.  Add the mixture of brown sugar and soy sauce.
7.  Since it has soy sauce, you can add more water according to your taste.
8.  Simmer until it thickens.
9.  In a platter, arrange the grated cabbage and carefully place the chicken on top.  Pour the sauce evenly.  Then garnish with cut onion leaves on the top.

And lastly, just eat right.

Wednesday, July 08, 2015

PAGPAPASALAMAT AT PAGDIRIWANG

Ano ang dapat ipagdiwang at paano dapat magdiwang at magpasalamat?  Dapat pa bang magdiwang-pagpapasalamat kung ikaw ay kumita, sinuwerte, o muling umabot ng isa pang taon?  Kung ikaw ay tinulungan ng isang tao, kung ang paghihirap mo ay ginantimpalaan, kung ang dasal mo ay natupad, paano ka magpasalamat.  Kung ikaw ay sumapit sa iyong kaarawan, nakatanggap ng komisyon, nanalo sa isang paligsahan, naumentuhan sa trabaho, dumating o magpapaalam – paano ka magpasalamat?  Aanyayahan mo ba ang mga kasama mo para sa isang salu-salong agahan, tanghalian o hapunan?  Bakit sa tuwina ay laging paghahanda ng pagkain ang paraan ng ating pagpapasalamat?  Ang pagsasalo-salo sa isang piging ay pagpapakita na ibinabahagi mo sa iyong kapwa ang kaunti mula sa sa iyong biyayang natanggap bilang pagpapasalamat.  Pagpapakita rin ito ng pagdiriwang na ikaw ay masaya sa nangyari ngunti ito na lang ba ang paraan ng pagpapasalamat at pagbabahagi?  Bukod sa paghahanda ng mga pagkain at inumin na pagsasalo-saluhan, sa papaanong paraan mo maipapakita ang iyong pagpapasalamat at ang pagdiriwang?  Huwag na natin bangiting sa isang taimtim na dasal lamang ay naisasagawa mo na ang pagpapasalamat dahil ito naman ay napaka-pangkaraniwang magandang sagot.  Mayroon pang paraan.  Kung talagang gusto mong ipadama ang iyong pagpapasalamat at magbahagi ng biyayang nakamit mo, mas maganda kung ipadama ang pagpapasamalat sa ibang tao kaysa sa ikaw at mga palagiang kasama mo rin lang naman ang magsasama-sama sa kasiyahan.  Sa halip, bakit hindi ka magbigay sa nangangailangan upang kahit papaano ay mayroonng isang tao ang nabago mo ang buhay  Kung makakapagbigay ka sa kawanggawa ay nakakapagbahagi ka ng tulong sa mas marami na mas higit na karapat-dapat na makadama ng kaligayahan.  Bakit hindi yung ibang tao naman ang bigyan mo ng kasiyahan at hindi yung kayo-kayo rin na araw-araw mong nakakasama sa tuwa at ligaya.   Pare-pareho naman kayo na nakakaranas ng masayang buhay at nakakakain ng sapat at masasarap na pagkain samantalang marami ang hindi mapalad na nasasayaran ng pagkain ang bibig at sikmura.  Sa paghahanda ng salo-salo, parang sariling kasiyahan na nagpapasaya sa iyo at sa mga katulad mong mahilig sa kasiyahan ang iyong ginagawa.  Marami ang naghihirap, sa iyong ibabahagi ay mas marami ang makikinabang na karapat-dapat kaysa sa mga mas nakakariwasa naman sa buhay.

Ano nga ba ang dapat ipagdiwang at paano dapat magdiwang at magpasalamat? Dapat pa bang magdiwang-pagpapasalamat kung ikaw ay kumita, sinuwerte, o muling umabot ng isa pang taon, pagpapasalamat sa biyayang natanggap?  Walang mali at masama sa mga ito dahil bilang isang ordinaryong tao na may damdaming-tao at nabubuhay sa mundo ng makalupa, bilang bahagi ng pakikisasama, pakikipagkapwa-tao ay hindi ito maiaalis ngunit depende sa kung gaano kadalas, kung gaano kalapit sa katotohanan at kung makatarungan.  Ang minsanan na pangyayari sa buhay ay maaaring isaalang-alang at maging katanggap-tanggap na ipagdiwang dala marahil ng iyong labis na kasiyahan sa nangyari sa iyo ngunit kung palagi itong ginagawa o kung ang bawat okasyon ay bibigyan ng pagdiriwang, hindi kaya kaluhuan at nagiging makalupa ka na lamang?   Kung alam mong limitado ang iyong kakayahan na magdiwang, kailangan mong harapin ang katotohanan at isipin kung bakit mo kailangan gawin ito para lamang maipakita mo ang iyong pagpapasalamat?   Mayroong ibang praktikal at simpleng paraan bukod sa paghahanda ng pagkain na kayo-kayo din naman ang nakikinabang at nasisiyahan.  Dapat nating alalahanin na sa araw-araw na buhay natin ay makakatulong tayo sa abot ng ating makakayanan at sa maliit na paraan.  Sa pamamag-itan ng pagtulong sa mga kaibigan nang walang kapalit, pagbibigay hindi lamang sa iyong pamilya kundi pati sa ibang tao lalong-lalo na duon sa mga hindi mo kakilala.  Ang pag-aalay ng iyong kakayahan at ang pamosong pagdarasal, ang mga ito pa lang ay paraan na ng pagbabahagi ng mga biyayang iyong natatanggap.

Ni Alex V. Villamayor
July 8, 2015

Sunday, July 05, 2015

NOSTALGIA (Malungkot na Pagbabalik-tanaw)

Sa edad ko ngayon, minsan nararamdaman ko yung lungkot na saktong nararamdaman ko nuong bata pa ako, yun bang walang-wala lang ay bigla kang malulungkotnang walang dahilan at mas gusto mo lamang ay panoorin ang mga naglalarong kapwa mo bata.  Nu’ng ang edad koay nasa8, 9, 10, 11 o 12 pa lamang, sa di malamang dahilan ay bigla na lamang nararamdaman ko ang lungkot.  Kung minsa’y may mga dahilan ngunit maliliit nga lamang tulad ng kapag katatapos pa lang ng ulan, iba kasi ang tingin ko sa paligid kapag natapos ang ulan, bagamat gusto ko ang umuulan dahil nalilinis nito ang kapaligiran.  O di kaya ay yung kagigising ko lamang dahil pinilit akong patulugin sa tanghali at nang magising ng mag-a alas-tres ay marami na ang naglalarong mga bata sa kalye.  Nanonood na lamang at naghihintay ng may magyayaya na sumali ako.  O di kaya ay Linggo nuon tapos bigla naisip kona may pasok na kinabukasan kaya malulungkot ako.  Lalo na kung hindi ka masaya sa eskwelahan, dobleng lungkot ang mararamdaman mo kapag sumasapit ang Linggo ng hapon.  May taon din na naaway (bully) ako, iyung sinusulatan na ang likod ko ay hindi pa rin ako nagagalit dahil ayaw ko ng away (naroon na rin ang takot) at para sa akin ay hindi malaking problema yun. Nuon pa ma’y mapag-isa na ako, dahil maramdamin na ako kapag tinutukso ng kaklase at ibang bata.  Hindi kona sinasabi ang mga ito sa aking mga magulang dahil ayoko na’ng pagusapan pa ang mga iyun.Gusto kong balikan ang mga ito, makita ang aking sariliat muling maramdaman kung paano ako nalungkot ng mga oras na iyun.

Minsan ang bata, dala ang kalungkutan sa loob ng bahay, iyung kapag alam ng bata na sila ay salat sa yaman ay ramdam nila na kailangan na ang isang material sa paaralan ay wala pa siyang madadala.  Dumaan ako sa ganito, yung pinagdadala kami ng lagadera para mayroon kaming kanya-kanyang pandilig sa mga tanim pero napapalo ako ng guro namin dahil hindi ako ibinibili ng lagadera – syempre mas uunahin muna ang ibang gastusin na nauunawaan ko naman.  Hindi naman kami nakakariwasa sa buhay, kami yung masaya na kung mayroong bagong sapatos kapag pasukan, maipaghanda kapag birthday o yung nasusunod ang gusto kapag mayroong gustong laruan sa tindahan.  Nakaranas din ako ng pudpod na tsinelas at yung salawal na manipis na ang puwitan dahil sa sobrang gamit, naghahangad din kapag nakakita ng kapwa ko bata na may tsokolate na bigay ng tatay nilang umuwi galing sa ibang bansa.  Kahit sa ngayon ay nakikita ko pa rin ang sarili ko sa bakod ng aming kapit-bahay na nakasandal lang duon habang pinapanood ang mga nagdaraang mga tao.  Hindi ko na nga lang matandaan ang kulay ng aking suot na damit pero natatandaan ko pa ang pakiramdam ng isang batang nag-iisa.  May hatid lungkot din yung nakikita mo ang ibang ka-edad mong mga bata na mayroon silang sariling grupo (magpipinsan) na pakiramdam mo ay hindi ka bagay na makipaglaro sa kanila.

Pero kahit namay lungkot ang mga taon na iyun ay gusto ko pa rin silang balikan.  Ang masakit at mas nakalulungkot nga lamang kapag naaalaala ko ang mga ito ay hindi na maaaring balikan ang mga nangyari.Minsan lang nating pagdaraanan ang mga iyon, isang beses lang tayong magiging bata, kada taon ay nagbabago ang ating anyo hanggang kung ano ang ating histura ngayon.  Kung may paraan lang sana na makabalik sa nakaraan upang makita ulit ang mga eksaktong bagay na nakikita mo nuong bata ka pa.  Kapag dinadalaw ako ng nostalgia, nararamdaman ko pa rin yung kagustuhan na muling makita ang eksaktong lugar kung ano ang eksaktong hitsura nila nuon.  Yung dating pader na bakod na may mga tumutubong halaman at lumot, mga daanan na lupa lamang, mga pasikot-sikot sa looban ng may-bahay papunta sa ilog, mga lubak sa daan na kapag umulan ay may naipon na tubig na siyang pinaglulubluban ng mga bibe, pagpapaanod ng bangkang papel sa tubig sa kanal.  Ang mga ala-ala ng aking kabataan, ang ilan ay wala na at mga nagbago na, isipin ko pa lang ay nalulungkot na ako.  Ilan lamang ang mga ito sa mga nakaraan na gustong-gusto kong makita muli kahit sandali lamang, kahit yung dalhin lang ako at pagkakakita ay aalis na agad ako.  Ganun ko sila ka-gustong makita na lalong tumitindi kapag nagbabalik-tanaw ako dahil hindi na sila ulit mangyayari at hindi na maibabalik kahit kailan.

Ni Alex V. Villamayor

July 5, 2015

Friday, July 03, 2015

TUNA FLAKES IN FRIED BROWN RICE

In search of another healthy foods, here is another one that instantly became a personal favourite of mine: Tuna in Brown Rice.  It is a viand and rice in one menu, the green leaves is just for presentation, here are the complete direction:

150 grams tuna flakes
1 cup of brown rice (or any other regular rice)
1 small carrot
1 small green bell pepper
5 cloves of garlic and small onion
Lettuce (Pechay Baguio is option)
Salt and pepper to taste
Oil

1.  Cook the brown rice, then set aside to cool down.  You need to slightly mash it.
2.  Get the large leaves of the lettuce, rinse and dry.
3.  Press / or flat the long white part of it (in the middle).  This is to make the leaf soft and not easily break during the rolling.  Set aside.
4.  Using the oil in the canned tuna, sauté the minced garlic and onion.
5.  Add the tuna flakes, stir.
6.  Add the carrot (linear cut and thinly). Stir.
7.  Add the green bell pepper (linear and thinly).  Stir.
8.  Put some salt and pepper to taste.
9.  Add the mashed brown rice.  Stir.
10. Remove from stove to cool down.
11. On each leaf (depends on size), put 3 tablespoon of rice and tuna and carefully roll.
12. Serve while hot.

And lastly, just eat right.