Friday, January 05, 2018

PAGHANGA KAY SHARON

Gusto kong magpaka-showbiz ngayon sa pamamag-itan ng pagbibigay ng respeto sa isang kakaiba at kilalang artist.  Maaaring ito’y magtinging halaw mula sa babasahin ng isang tagapagbalita sa industriya ng pelikula ngunit ito ay sarili kong sulat upang ilahad kung gaano ko kagusto ang artista na ito (maging sa personal na buhay).  At pinili ko ang natatanging araw na ito sa kanyang ika-52 kaarawan.   Kung may isang artista na talagang hinangaan, sinundan at sinuportahan ko, ito ay si Sharon Cuneta lamang, ang tinatawag na Megastar ng Industriya ng Libangan ng Pilipinas.  Maaaring ang mga batang-milneyal ay hindi nasaksihan at nalalaman ang napakalaki at napakahalagang nagawa at naiambag ni Sharon sa industriya ng pinilakang tabing, telebisyon at musika ngunit kailangan nilang alalahanin at isaalang-alang na hindi tatawagin si Sharon ng Megastar ng basta-basta lang kung wala lang, at kailangang isipin na pagkatapos ng panahon ng pamamayagpag ni Sharon ay wala sa mga bago, bata at sikat na artista ngayon ang nalampasan o napantayan man ang magiging pamana at ang naging kasaysayan niya.

Isa akong tahimik na tagahanga na sinundan si Sharon nuong kanyang mga naunang pelikula.  Bagamat hindi ko talaga nasundan ang simula ng kanyang karera ay nagawa ko naman masundan kung paano siya naging siya nuong mga taon na hinangaan ko na siya na hindi lang basta batang artista kundi pati na rin ang kanyang personal na buhay at ugali na nakikita sa tuwing pagharap niya sa publiko.  Sumikat si Sharon nuong dekada-80 ngunit nagsimula talaga si Sharon nuong 1978 bilang isang batang mang-aawit.  Pero bago iyon, saglit na lumabas si Sharon sa pelikula ng kanyang tiyahing artista at lumabas din sa pambatang programa sa telebisyon.  Lingid sa kaalaman ng ibang tao, ang unang plaka ni Sharon ay ang “Tawag ng Pag-ibig” ngunit sikat na “Mr. D.J” ang bumulabog sa radyo at industriya ng musika.  Sapat upang tawagin siyang pinakasikat na batang mang-aawit, makatanggap ng gold award, maging bukam-bibig na pangalan sa bawat tahanan at tawaging “D.J.’s Pet, kasunod na inilunsad ang kanyang kauna-unahang album na iyun din ang titulo.  At ang mga sumnod na plaka at album ay pawang mga patok upang tawagin siyang Jukebox Princess.

Nuong 1981, sinubukan ni Sharon ang mag-artista, isang mahirap na desisyon na kritikal sa showbiz dahil hindi garantiya na kapag sikat na mang-aawit ay magiging sikat na artista rin.  Subalit sinira ni Sharon ang kasabihang ito nang matagumpay siyang inilunsad sa kauna-unahan niyang pelikuang “Dear Hear” na agad-agad ay isang blockbuster.  Kahit ang mga sumunod na pelikula ay pawang patok upang tawagin siyang pinakasikat na teen star.  Tumanggap si Sharon ng mga concerts at ang kanyang kasikatan ay madaling nakapuno ng mga malalaking lugar tulad ng Araneta Coliseum.  Sabay na ginagawa ang pag-awit at pag-aartista, nagawa rin ni Sharon na magkaroon pa ng mga show sa telebisyon tulad ng “C.U.T.E.”, “Okay, Sha” at ang pagho-host ng isang solong musical variety show na kanyang forte sa pamamag-itan ng “The Sharon Cuneta Show”.  Nagpakita siya ng katalinuhan sa pagsasalita sa pamamag-itan ng kanyang matatas na pagsasalita, may-saysay, magandang kausap, maurnong maktpag-usap kahit kangino at nahahawakan niya ang usapan.  Mula sa mga ginagampanang anak-mayaman, ginampanan niya ang mga mula sa naghirap na nagtagumpay, mga drama at nahinog siya sa pagiging magaling na artista na di kalaunan ay nanalo siya ng Best Actress awards sa ibat-ibang award0giving bodies.  May pinatunayan ulit si Sharon sa kasabihang ang award ay nagiging malas ngunit si Sharon, napanatili niya ang kanyang kasikatan.  Tinanghal siyang “Box Office Queen” sa loob ng maraming taon, kalaunan ay iniluklok siya sa Hall of Fame, nanalo ng mga parangal sa pagkanta, nagtanghal sa loob at labas ng bansa.  Dito naging metatag ang kanyang katayuan at repustastyon sa industriya.  Ang sabi ay hindi mo maaring makuha pareho ang tagumpay sa karera at sa pag-aasawa ngunit hindi si Sharon nang muli niyang basagin ang kasabiang ito ito dahil lalo pa siyang sumikat nang siya ay ikinasal nuong September 23, 1984 sa Manila Cathedral.
Nuon dekada-90, si Sharon ang pinaka-epektibo, pinakamarami, pinakamahal at pinakamaraming patalastas.  Siya ang pinaka-sikat, nangunguna at may pinaka-mataas na bayad sa artista sa kanyang henerasyon.  Ito ang walang duda na nag-selyo sa kanyang pinaka-eksklosibo, iginagalang at natatanging estado bilang Megastar ng Pilipinas.  Si Sharon ay record-breaker, kaya niyang talunin sa takilya ang mga pelikulang nilagyan ng maraming sikat na artista mapa-lokal o dayuhan man na pelikula.  Siya lamang ang artistang babae na nakikipagsabayan sa pelikula ng Hari ng Pelikulang Pilipino.  Ang kanyang sobrang kasikatan ay mandi’y isinulat sa liriko ng kanta.  Ang kanyang pelikulang “Madrasta” ay nagluklok at nagbigay sa kanya ng mailap na Grand Slam Queen Best Actress.  Naging pangarap siya maging leading lady ng bawat artista at ang mga action stars ay sinasabing hindi kumpleto ang kanilang karera kung hindi nila naging leading lady si Sharon.  Si Sharon ang malinaw na reyna dahil pinangunahan niya ang showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga patok sa talikya, mataas na rating sa telebisyon, kaliwat-kanang patalastas at mga shows sa ibat-ibang lugar.  Naabot niya ang kanyang pinakarurok ng pagiging artista nuong dekada 80 at 90 at mayroon man siyang mga kabiguan ngunit sa pangkalahatan, siya ay nagkaroong ng pinakamaganda at magaling na mga araw, taon at panahon sa industriya ang showbiz.
Sa ngayon, si Sharon ay mayroong kabuuang 53 pelikula na siya ang pangunahing artista.  Siya ang artista na hindi na kailangang ilagay sa maraming artista upang maisigurado ang benta sa takilya.  Mayroon siyang mga paglabas sa ilang pelikula bilang pagtulong sa ibang artista.  Sabihin na natin ang inflation at ang pagdami ng populasyon ay tumaas na mula nuong kasikatan ni Sharon hangang ngayon milenyo, ang naitalang kita ng pelikula ni Sharon ay maari pa ring masabing pinaka-mataas na kita ng pelikula sa lahat ng panahon.  Ang pinakamalaking reputasyon ni Sharon ay ang kanyang matinding kasikatan sa kasaysayan ng showbiz sa Pilipinas na hinangaan ng masa.  Ang kanyang legacy bilang reyna ng pelikula nuong 80 ay mananatiling hindi mapapantayan.  Kulang ang pahinang ito upang isulat at ipaliwanag ang kanyang tagumpay sa bawat pasukin niyang larangan.  Sa ngayon, si Sharon ay isang imahe.  Siya ay isang premyadong artista, mang-aawit at TV host sa kasaysayan ngindustriya ng libangan.


Lahat ng magagandang isinulat dito tungkol sa karera ni Sharon ay kasing ganda ng aking pagkakakilala sa kanyang ugali.  Maaring hindi ko siya kakilala o kahit na di ko man lang nakikita sa totoong buhay pero anuman ang mga nakikita ko ay ang pangunahing dahilan ng aking paghanga kay Sharon.  Hindi ito isang panatismo dahil kaya kong punahin ang taong ito at pangangatawan ko iyon pero mas nananaig pa rin sa akin ang mga magaganda niyang katangian.  Si Sharon ay ipinanganak na mayaman, lumaki sa kaginhawahan sa isang pribadong barangay sa Makati, nag-aral sa isang isang eksklosibong paaralang Katoliko sa Pasig, paboritong anak ng isang Alkalde subalit ang lahat ng ito ay hindi naging dahilan upang maging isang matapobreng mayamang bata.  Sa kabila ng nagmula sa mayamang pamilya, nanaig ang karisma ni Sharon sa masang-Pilipino dahil sa pagiging mapagkumbaba at totoong tao niya.  Para sa akin hindi siya naging ipokrita, mapagpanggap at maarte tulad ng ipinipukol sa kanya ng kritiko.  Kailangang maging kaparehas ka para malaman o maramdaman mo, at dahil dito alam ko na hindi siya ganuong tao.  Ang kanyang pinong-kilos ay isang huwaran sa mga tao at ito ang aking tinitingala sa isang artista.  Ang kanyang pagmamahal sa trabaho, tagahanga at ang pagiging mabuting anak at artista ang ikinagusto ko sa kanya sa kahit sinong artista.  Mula siya sa isang mayaman pero anuman ang mayroon siya ngayon, saan man siya nakarating ay pinaghirapan niya ito ng todo hanggang sa huling sentimo.  Ang kanyang dedikasyon at pagsisikap upang marating ang kanyang bituin ay walang katulad at dahil dito siya ay nararapat na hangaan at totoong karapatdapat na igalang.  Maraming mga bago at batang artista ang darating at aalis subalit ang industriya ng pelikulang Pilipino ay hindi magkakaroon ng bagong Sharon na kasing tulad at kasing galing ni Sharon dahil iisa lang ang Sharon Cuneta sa kasaysayan ng industriya ng panlibangang Pilipino.

1 comment:

Anonymous said...

@______________________ Wala ng dapat patunayan ang isang Sharon Cuneta nakuha niya na lahat ng awards sa major award-giving bodies (PMPC Star Awards, Film Academy of the Philippines now Luna Awards, FAMAS Awards at Gawad Urian), may International Best Actress din from Brussels International Film Festival, nanalo na din sa Manila Film Festival nung 2002, at Metro Manila Film Festival nung 2009, at iba pang Best Actress awards from Gawad Pasado, Box Office Entertainment Awards, Gawad Genio Awards, KOMOPEB, Movie Magazine Awards, People's Choice Awards, GEMS, etc., di lang yan ang mga awards niya, 9 times Box Office Queen Awardee dahil sa lakas ng mga movies niya, may mga awards din siya sa Singing from Awit Awards, Aliw Awards, MYX atbp., Diamond Record Award for her Isn't It Romantic album, and numerous Gold Record Awards and Platinum Awards from her various albums, may awards din siya for being a TV host from Star Awards, Golden Screen Awards, KBP Golden Dove Awards, Catholic Mass Media Awards, Asian TV Awards, etc., Liefetime Achievement Awards for FILM and MUSIC...Specia awards from Eddys, Walk of Fame Awardee (1st batch) Anak TV, TOYM Awardee, Ulirang Ina Awardee, Hallmark Channel awards, etc. Di tulad ng ibang artista na sa acting lang may awards, si Sharon ay nag-excel sa lahat Singing, Acting, TV Hosting, at isa siyang Multi Media Artist, so kung awards lang din ang pag-uusapan di pahuhuli ang Megastar ng Philippine Cinema.

At dami ding titles na binigay sa kanya..Jukebox Princess, Ms. RP Movies, Love team of the year, Queen of Movie Theme Songs, Commercial Queen, FAMAS Bida sa Takilya, One of 100 Most Beautiful Women from pep.ph, One of the 15 Filipino Best Actresses of All Time
at Philippines' Megastar.

Hindi maitatanggi na She's one of the most awarded artist among the others...pero hindi niya pinagyayabang yun! Ibigay na yan sa mga matatakaw sa awards para lang masabing most awarded at pinakamagaling!!! and lastly wala ng dapat patunayan ang isang Sharon Cuneta👊🏻😜