Saturday, September 29, 2018

ANG MGA AQUINO-COJUANGCO SA HACIENDA LUISITA


Hacienda Luisita Massacre ang pinaka-malaking batik at kapulaan sa pamilya nina Ninoy Aquino at Cory Cojuangco-Aquino at mga anak nila at maging sa buong Liberal Party.  Wala silang direktang partisipasyon dito pero wala silang magagawa sa mga bumabatikos sa kanila dahil nakadikit ang pangalan nila sa hacienda.  At pagdating sa usaping ito, panig ako sa mga manggagawa ng hacienda.  Nagkaroon naman talaga ng pang-aabuso sa mga magsasaka mula sa ilang taon ng pagpapakahirap sa pagbubungkal sa lupa hanggang nuong nangyari ang massacre.  Pero sino ang may pananagutan?

Madalas idikit ang pangalan nina Pang. Noynoy, Kris at pamilya nila sa Hacienda Luisita pero sino ba ang may-ari nito?  Ang mga patriarka ng Cojuangco ang nagpapatakbo ng hacienda at hindi ang mag-anak nina Cory.  Co-owner nga sila pero hindi sila ang major stakeholder ng Hacienda Luisita.  Nang maging pangulo si Cory ay ipinamana na niya ang kanyang share sa Hacienda Luisita, na ang 30% pa nga nito ay ibinigay niya sa mga magsasaka (nang maging presidente si Noynoy ay ipinasa rin niya ang kanyang share).  Oo nakikinabang sila sa kasaganahan nito.  Karapatan nila yun dahil kabahagi sila pero ang punong may-ari ng nagpapatakbo nito ay ang tiyuhin at tiyahin nina Noynoy, Kris et al... Walang malakas na boses si Noynoy sa Hacienda Luisita, ni hindi nga siya miembro ng board.  Ang nangyaring kaguluhan dito ay usaping civil at legal na ginawang politikal ng mga loyalista ni Marcos at mga panatiko ni Duterte.  Walang kinalalaman at kaugnayan ang Hacienda Luisita Massacre sa karerang-politikal ng mga Aquino-Cojuangco.

Nangyari ang massacre nung panahon ni dating Pang. Gloria Macapagal-Aroyo at nasa gabinete niya ang DDS na sina Pantaleon Alvarez at Bobi Tiglao pero dahil idinidikit ito sa politika ay ang pamilya ni Cory ang pangunahing tinutuligsa ng mga kalaban nila.  Kaso hindi nga sila ang nagpapatakbo ng hacienda.  Ang Hacienda Luisita ay nagkaroon ng maling-pamamahala ng mga kamag-anak ni Cory.  Kung humantong sa massacre ang pangyayari, nasa sa namamahala ang pananagutan.  Nag-inbestiga ang Commission on Human Rights nung panahon na yun at nalaman nila na may mga pang-aabuso na naganap.  2012 ay naibigay na sa mga magsasaka ang mga lupa base sa decision ng Korte Suprema, sa tulong yan ng CHR.

Sa mga pagbatikos, laging magkasunod na tinutuligsa ang mga nangyaring Mendiola Massacre at Hacienda Luisita Massacre dahil parehong mga magsasaka ang biktima dito.  Presidente na nuon si Cory nang maganap ang Mendiola Massacre nung January 1987.  Dahil  wala pang CHR nung panahon na yun ay binuo niya ang isang komisyon para mag-imbestiga.  Nuong February 1987 ay may mga kaso ng isinampa sa mga naging abusadong mga pulis.  Nangyari ang Hacienda Luisita Massacre nuong November 2004.  Nagimbestiga ang CHR at nakasuhan na ang mga pang-aabuso na naganap.

Kung mayroong pagkakamali o pagkukulang ang pamilya Aquino-Cojuangco, iyun ay ang usapin sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform dahil hindi yun natugunan ng dalawang naging president mula sa pamilya nila.  Sa ngayon, kahit papaano ay natutugunan na ang mga dapat gawin sa usapin ng CARP.  Nuong July 22, 2016 ay naipamahagi na sa mga magsasaka ang 4,099 hektarya pero ang bahagi sa naibentang lupain ay hindi pa naibibigay sa mga magsasaka.  Nuong July 4, 2018, ang Hacienda Luisita ay ganap ng nasunod ang pamamahagi ng benta ng bahagi sa mga magsasaka.  Duon nagkulang ang mga Aquino-Cojuangco.  Pero ang usaping kriminal, sibil, at legal ng massacre ay hindi sila dapat idinadawit ng mga kalaban sa politika.  Hindi dapat isisi kina Cory, Noynoy, Kris at pamilya nila ang nangyaring kamalian sa Hacienda Luisita dahil hindi sila ang direktang may kontrol dito.

Ninoy Aquino, Corazon Conjuanco, Hacienda Lusita. Marcos Progapanda, Dutertards, DDS, Philippines Democracy Federalism.

No comments: