Saturday, November 30, 2019

BEING GOLDEN


I am starting to appreciate my age now more than ever before.  Little by little, I am feeling almost complete, fairly contented and more importantly thankful.  To be golden is a feeling of realizing the almost there success of your long journey, hard works and waiting.  I am just a late bloomer but pretty soon, I can live my life to the fullest, making the most of what I have and never settling for less than the life I am capable of living.

Not so long ago, I was always reluctant when it comes to age topic.  Age is one of the subject matters I didn’t want to talk about and engage in conversations because of many life insecurities.  I didn’t like to disclose my real age in fact I’d rather hide it or even denied it in some instances because I was shy.  Society pushed me to do it because I did not able to meet their harsh standard gauge of being successful.  Our society dictates us the meaning of success is when you able to get married and have family.  And I feel failed.  I chose not to attend in reunion and birthday parties and celebrations because of embarrassment.  How many times I felt embarrassed when asked why I am still single, and it always followed of the stigma of being single at old age that our society has implicated to most of us.

“I am failure”.  I hate to talk my age because I felt I am failure when reaching the certain ages yet I cannot call myself accomplished.  I felt dismayed of what said life begins at forty yet I haven’t starting my own family or I haven’t achieved a successful career.  I am at my mid-life yet I haven’t settled my future, secured livelihood for myself, and cannot able to own the so called dreamed house.  I have reached this age yet I’m still the poor man needs to work hard.  These made me sad.

I went through a dark moment of anxiety disorder recently but after surviving, I have realized I am still blessed despite my age.  I have realized I don’t have so much to worry about.  If there is one sure, it is the fear of that inevitable passing away but being golden age is privilege that not everyone can have.  I looked myself at mirror and tried to get the lessons of the blessings that I should be thank for and I should say myself I have to be proud fifty’s.  Why, because there are many things that should make me happy and contented.

I am thankful that being at fifty’s, I am one of the few who have no usual complaint of illness to feel sorry.  I am enjoying my health without aid of medical maintenance.  I can go up stair in high buildings as when I used to when I was younger.  Then I thought of the things that I should proud.  Yes, I have to feel proud of myself that despite alone, I was able to get my little achievements just all by myself.  Whatever I have now, I courageously, strongly, diligently and tirelessly got them without help from partner in life or family’s inheritance.  It was from nothing and I able to provide myself.  These are the blessings I have to be proud and thank for.

Turning 50 is definitely a milestone worth celebrating.  In my fifty years, life has been full of stories, lessons, and rewards.  There are ups and downs, there is no perfect life anyway but life is good.  And I should still be thankful to say I did some of what I wanted to do most like going to my favorite places, write and blog, work overseas, learned healthy living, meet friends and give back from what a little I have.  These are my gold and I treasure them.  I feel I am one of those who can embrace it sincerely.  It is just a number, what matter most are the acceptance, happiness, and contentment you feel in your life.  Whether or not the stigma of being single at old age is true, I don’t mind as long as I can be of help and contented to make my life happy and thankful.

Friday, November 29, 2019

SARILING PAGSUSURI: MABUTING TAO


Madali sa atin ang mag-linis ng dungis ng ating kapwa ngunit malimit ay hindi natin nakikita na mismong tayo pala ang may uling rin sa sariling mukha.  Huwag kang humusga upang hindi ka mahusgahan.  Bago ka pumuna sa mga kamalian ng iba, tingnan mo munang mabuti ang iyong sarili.  Mahirap punahin ang sarili dahil kadalasan ay hindi nakikita ng sarili ang kanyang mga kapintasan.  Ngunit kung iisipin nating mabuti, yaman din lang na tayo naman ang nakakaalam ng ating niloloob ay bakit hindi natin buksan ang ating isip upang makilala natin ang ating totoong sarili dahil may mga maliliit na bagay na kung ating iisipin ay makapagsasabi sa ating sarili kahit papaano kung tayo ay mabuting makipagkapwa-tao.

Sa layuning malaman kung tayo ay mabuti pa o masana na ba na kailangan ng baguhin ay maingat na ginawa ang mga katanungang nasa ibaba ngunit hindi ibinilang dito ang tungkol sa mga mabibigat at karumal-dumal na kasalanan dahil ang mga ito ay ibang antas at may ibang legal na sukatan (bagamat hindi natin agad masasabing masama ang tao na nahatulan lalo na kung ito ay unag beses lang nagawa ng tao).  Sa halip, ang ginawang mga katanungan dito ay upang masukat kung tayo ay lumalampas na sa itinakdang kaganadahang asal ng ating lupunan (etiketa) na nagsasabing ang tao ay mabuti o masama.  Katulad nuong tayo ay nag-aaral pa, ang ating wastong ugali at kagandahang-asal (GMRC) ay sinusukat.

Mahirap itong ginawa dahil komplikado at konektado ang mga ginagawa ng tao sa kanyang iba pang ginawa kaya mahirap husgahan base lamang sa isang bagay dahil ang isang bagay ay maaaring napakaraming kahulugan mabuti man o masama.  Pero sa mga sasabihin ng iyong kunsensiya, mahirap man purihin o pintasan ang sarili ay mapaglilinayan mo ang mga sagot sa bawat tanong.  Isipin mong mabuti ang iyong sarili sa bawat tanong upang masagutan mo nang may katotohanan.  Subukang gawing sa personal na sitwasyon ang mga tanong (huwag sa trabaho) upang maging pang-buong pagkatao mo ang iyong makikilatis.

1.Sa unang pakiramdam mo, may problema ba sa iyo ang isama ka sa maraming tao?
Lagi     Madalas           Minsan             Wala

2.Kapag may nanghihingi sa iyo ng pabor na sa palagay mo ay walang masama at kaya mo naman, pinagbibigyan mo ba?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

3.Sa edad mong nasa hustong-gulang, may nakaaway ka bang kapit-bahay, kasamahan sa trabaho o kakilala?
Oo       Wala

4.May nalaman ka ba/nagsabi ba sa iyo na may mga taong nagagalit sa iyo?
Oo       Wala

5.Sa sukatang isang taon, ilan ang iyong nakaaway o nakasamaan ng loob tungkol sa ugali mo?
0       1 – 2       3          Higit sa 4

6.Kung ikaw ay hiwalay sa asawa o sa kasintahan, ikaw ba ang dahilan ng inyong paghihiwalay?
Oo       Hindi

7.Ikaw ba ay nadawit na sa usaping hindi pagkakaunawaan?
Oo       Hindi

8.Kapag nalaman mong may umaway sa taong malapit sa iyo, gusto mo bang awayin o galit ka na rin sa taong nang-away?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

9.Kapag may nakita kang naghihirap o nasasaktan o inaapi na tao na hindi mo kakilala, nakakaramdam ka ba rin ng hirap o sakit o awa?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

10.Tumutulong ka ba agad kapag may humihingi sa iyo ng tulong na ramdam mong totoong nangangailangan at alam mong kaya mo naman ibigay?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

11.Nalulungkot ka ba kapag nakakita ka sa kalsada ng nasagasaang aso, pusa o ibon?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

12.Gusto mong maging maganda sa mata ng mga tao kaya kapag may kaunting pagkakamali ka ay hindi mo ito sasabihin.
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

13.Nakatulong o tumutulong ka ba sa iyong kapwa nang walang maraming tao ang nakakaalam?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

14.Ginagawa mo ba ang magpakita ng kabaitan at kagalingan hindi dahil gusto mo ng magandang balik kundi upang  maging maganda ang tingin sa iyo ng mga tao?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

15.Sinasabi mo ba ang iyong mga kagalingam, kakayahan at materyal na kayamanan dahil nagdudulot ito sa iyo ng kasiyahan?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

16.Ginagawa mo ba ang mang-umit o kumuha ng maliliit o nakatutuwang bagay lang nang hindi mo ipinagpapaalam?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

17.Natural sa tao ang ilagay ang sarili sa mabuti, segurado, at gusto niya.  Kapag mayroong mga hatian ng mga bagay, unang masidhing sumasagi ba sa iyong isip ay makuha mo ang maganda o malaking bahagi?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

18.Kapag may nanghihingi sa iyo ng bagay, kaya mo bang ibigay kahit walang matitira sa iyo, o kahit alam mong hindi niya kayang magbayad?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

19.May mga pagkakataon ba na nanghihinayang kang ibigay ang bagay na pwede mo namang ibigay sa nanghihingi?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

20.Ang mga taong binibigyan mo ay iyung mga malalapit sa iyo, mabubuti sa iyo at yung mga gusto mo lang bigyan?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

21.Nangyayari ba sa iyo na kapag may ginawang mali sa iyo ang isang tao ay naiisip mo lahat iyung mga magagandang ginawa mo sa kanya at ipapaalam sa kanya upang siya ay humingi ng tawad o magbago?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

22.Ginagawa mo ba ang iyong gusto kahit alam mong nakakaabala ka ng ibang tao?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

23.May ginagawa ka bang bagay na upang matupad o mapabilis – karapat-dapat man o hindi, ay inilalapit mo sa isang maimpluwensiyang tao?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

24.Ginagawa mo ba ang ilapit sa isang tao ang isang sitwasyon upang mapigilan ang gusto ng isang tao dahil alam mong hindi siya karapat-dapat, o may gusto kang iparating na aral, o dahil hindi mo gusto iyung tao?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

25.Kapag mayroon kang naka-alitan sa isang bagay at hindi ka kuntento sa nangyari, nag-iisip ka ba ng ibang paraan upang makabwai ka sa pagkatalo mo?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

26.Ginagawa mo bang baguhin ang mga ilang bagay para gumanda kahit hindi totoo, upang pumabor sa iyo ang resulta o makakuha ka ng mas maganda?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

27.Ginagamit mo ba ang iyong posisyon o pangalan upang makuha ang gusto mo kahit hindi ayon sa patakaran? (hal. Bilang ingat-yaman ng barangggay, isinasama mo sa pagbili ng gamit ng baranggay ang personal na kailangan mong sipilyo)
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

28.Maliban sa totoong layunin na mapag-usapan lamang, ginagawa mo ba ang ikuwento sa ibang tao ang kwento, buhay, sikreto, ugali at mga kapintasan ng isang tao?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

29.Ang iyong reaksiyon sa mga nakikita mong bagay, lugar o tao, ikaw ba iyung kapag may nakita na mali, pangit at kapintasan ay ihinahayag mo ang iyong saloobin dito?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

30.Hindi sa abilidad na makapanghula kundi sa ugaling pagkilatis ng tao – sinasabi mo ang ugali o pagkatao ng isang tao base sa unang pagkakakita mo sa kanya o sa nalaman mong ginawa nya?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

31.May ugali ka ba na madalas mong pinaiiral na ikaw ang dapat masunod dahil mas nakahihigit ka – mapa kaalaman, yaman, katangian o posisyon man?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

32.May puwang ba sa puso mo iyung kusang makaramdam ka na dapat ay ikaw ang una, ikaw ang bigyan, ikaw ang mas marami?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

33.Ikaw ba iyung laging naghahanap ng puna o tanong sa ginagawa o sinasabi ng isang tao?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

34.Ikaw ba iyung laging mayron at mayroong tugon sa mga ginagawa o sinasabi ng isang tao dahil hindi ka makakapayag na wala kang maitutugon, pabor man o hindi?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

35.Ipinipilit mo ang isang tao sa isang bagay dahil ramdam na ramdam mong siya ang makakawaga niyon?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

36.Kaya mo bang magpatawad kahit masakit o malaki ang kasalanan ng isang tao?
Oo       Hindi

37.Kaya mo bang magparaya, o magbigay-daan?
  Oo       Hindi

38.Bilang isang may pananagutan na sa buhay, ginagawa mo ba ang makipag-ugnayang-karnal maging ito man ay sa pamamagitan ng makabagong social media?
Oo       Hindi

39.Ikaw ba ay nagsisinungalin, white lies man o malaki?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

40.Prinsipyo mo ba na ang mga bagay ay may katapat na pera dahil ang buhay ay pinapaikot ng pera?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

41.Kapag may kilala kang madaling mapikon – ginagatungan mo ba ito upang mas mapikon?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi

42.Mas mahalaga ba sa iyo ang maging mabait kaysa sa maging tama?
Oo       Hindi

(Tunghayan sa ibaba ang katumbas na puntos sa mga sagot sa bawat katanungan)

Sa ilang pagkakataon, ang isang malusog na pangangatawan ay hindi nakikita sa pisikal na anyo ng ating katawan.  Ang mga taong malimit magkaroon ng mga karamdaman ay nangangahulugan lamang na mayroon silang malusog na pangangatawan.
------------------------------------------------------------

Katumbas na puntos at kahulugan ng mga sagot:
1.      Sa unang pakiramdam mo, may problema ba sa iyo ang isama ka sa maraming tao?
Lagi     Madalas           Minsan             Wala
65        70                    75                    100
Ang mga tao na walang problema kung sino ang makakasama o isama siya sa maraming tao ay nangangahulugang wala siyang alalahanin sa pakikisama.

2.      Kapag may nanghihingi sa iyo ng pabor na sa palagay mo ay walang masama at kaya mo naman, pinagbibigyan mo ba?
Lagi     Madalas           Minsan             Hindi
            100      90                    75                    65
Ang pagbibigay sa nangangailangan ay nangangahulugan ng mabuting pakikisama.

3.      Sa edad mong nasa hustong-gulang, may nakaaway ka bang kapit-bahay, kasamahan sa trabaho o kakilala?
Oo                   Wala
            75                    80
Kapag ang isang tao ay may nakaa-away, mayroon siyang ugali na hindi makasundo ng ibang tao.  Ngunit hindi siya dapat hatulan agad dahil maaaring siya ay depensa lamang.  Bagamat nangangahulugan din iyon na bakit humahantong na dapat siyang dumepensa.Kapag marami kang nakakaa-away, mayroong mali sa iyong pakikipag-kapwa tao (kung kaya hindi nilakasan o hininaan ang puntos para dito).

4.      May nalaman ka ba/nagsabi ba sa iyo na may mga taong nagagalit sa iyo?
Oo                   Wala
            75                    80
Kung mayroong nakakarating sa iyo na mayroong tao pala ang galit sa iyo, nangangahulugan lamang na may hindi maganda sa pakikisama mo na inaayawan ng mga tao.  Maaariing isipin na naninirang-puri lamang ngunit bakit humahantong na siraan ka (kung kaya hindi nilakasan o hininaan ang puntos para dito).

5.      Sa sukatang isang taon, ilan ang iyong nakaaway o nakasamaan ng loob tungkol sa ugali mo?
0                      1 – 2                3                      Higit sa 4
            100                  90                    75                    65
Sa buong buhay natin ay napakahirap ng wala kang nakaalitan man lang.  Pero mas kakaunti ay mas maganda dahil ibig sabihin lang nuon ay marami ang natutuwa sa iyong pakikisama.  Kapag marami ka ng nakaka-away o nakakasamaan ng loob, mayroon ng mali sa iyo.

6.      Kung ikaw ay hiwalay sa asawa o sa kasintahan, ikaw ba ang dahilan ng inyong paghihiwalay?
Oo                   Hindi
            70                    90
Nangangahulugan lamang na kung ikaw ang inayawan ng iyong kapwa, mayroong mali sa iyong ugali at mahirap kang pakisamahan (hindi isinagad ang puntos dito upang bigyang konsiderasyon ang mga bagay na hindi mo kontrol).

7.      Ikaw ba ay nadawit na sa usaping hindi pagkakaunawaan?
Oo                   Hindi
            75                    90
Ang taong madalas nadadawit sa mga isyu, mas madalas kaysa sa hindi ay nangangahulugan na may mga mali sa kanyang pakikisama.  Pwedeng nadamay lang pero bihira mangyari yun dahil mas madalas kang masama sa isyu ay may mali na sa iyo.

8.      Kapag nalaman mong may umaway sa taong malapit sa iyo, gusto mo bang awayin o galit ka na rin sa taong nang-away?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    90                    100
Hindi ka dapat nakikisali sa away kundi dapat ay tingan mo kung sino ang mali at pagsabihan.  Huwag mong kunsintihin ang taong malapit sa iyo dahil kapag kinampihan mo siya ay nangangahulugan na pinapalakas mo ang kanyang loob upang ituloy ang kanyang ginawa.

9.      Kapag may nakita kang naghihirap o nasasaktan o inaapi na tao na hindi mo kakilala, nakakaramdam ka ba rin ng hirap o sakit o awa?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            100                90                    80                    65
Ang taong malambot ang puso, mahirap gumawa ng kasalanan.   Kapag ikaw ay mahabagin, nakakagawa ka ng maganda sa iyong kapwa.

10.  Tumutulong ka ba agad kapag may humihingi sa iyo ng tulong na ramdam mong totoong nangangailangan at alam mong kaya mo naman ibigay?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            100                90                    75                    65
Ang taong mahabagin kadalasan ay matulungin.

11.  Nalulungkot ka ba kapag nakakita ka sa kalsada ng nasagasaang aso, pusa o ibon?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            100                90                    75                    65
Ang ibig sahin lang nito ay malambot ang iyong puso kaya ikaw ay mahabagin.

12.  Gusto mong maging maganda sa mata ng mga tao kaya kapag may kaunting pagkakamali ka ay hindi mo ito sasabihin.
Lagi           Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    80
Kung ang intensiyon mo ay upang iangat ang iyong sarili, kaunting pagkakamali pa man yan ay hindi magandang ugali ng isang tao ang mapagmalinis.  Kung kaya gusto mong iangat ang iyong sarili ay upang isinasaalang-alang mga sumusunod sa iyo naiaangat nito kahit konti ang iyong pagkakamali (kung kaya nilimitahan ang puntos para dito).

13.  Nakatulong o tumutulong ka ba sa iyong kapwa nang walang maraming tao ang nakakaalam?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            100                90                    75                    70
Kapag ginagawa mo ang pagtulong nang walang nakakita, ito ay patunay laman na bukal sa loob, hindi pakitang-tao at hindi pagyayabang.

14.  Ginagawa mo ba ang magpakita ng kabaitan at kagalingan hindi dahil gusto mo ng magandang balik kundi upang  maging maganda ang tingin sa iyo ng mga tao?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    100
Ito ay pagbbigay ng importansiya sa sarili.  Hindi totoo sa iyong puso ang pagpapakita ng kagandahan.  Kahit hindi ka man naghihintay ng magandang karma pero kung ang intensiyon mo naman ay upang ikaganda ng iyong pangalan o posisyon ay hindi tatalaga taos sa iyong puso ang pagpapakita ng kagandahan. 

15.  Sinasabi mo ba ang iyong mga kagalingam, kakayahan at materyal na kayamanan dahil nagdudulot ito sa iyo ng kasiyahan?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    80
Muli, ito ay pagbibigay ng importansiya sa sarili.  .

16.  Ginagawa mo ba ang mang-umit o kumuha ng maliliit o nakatutuwang bagay lang nang hindi mo ipinagpapaalam?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    100
Maliit o malaki man, kapag kinukuha mo ang isang bagay nang hindi mo pinapaalam ay pagnanakaw.

17.  Natural sa tao ang ilagay ang sarili sa mabuti, segurado, at gusto niya.  Kapag mayroong mga hatian ng mga bagay, unang masidhing sumasagi ba sa iyong isip ay makuha mo ang maganda o malaking bahagi?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    100
Ito ay kasakiman.  Nararapat na pairalin pa rin ang patas, o kung tinatawag ng pagkakataon ay ung mga mas nangangailangan.

18.  Kapag may nanghihingi sa iyo ng bagay, kaya mo bang ibigay kahit walang matitira sa iyo, o kahit alam mong hindi niya kayang magbayad?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            90                  80                    75                    70
Hindi ka madamot kaya mo ang magbigay kahit mawawalan ka.  Pero kung isinasaalang-alang mo ang kinabukasan mo kung kaya hindi mo maibigay ang pangangailangan ay walang mali dito (kaya hindi nilimitahan ang puntos para dito).

19.  May mga pagkakataon ba na nanghihinayang kang ibigay ang bagay na pwede mo namang ibigay sa nanghihingi?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    95
Nasa Umiiral sa iyo ang karamutan.  Kung kaya mo namang ibigay pero nanghihinayang ka pa rin – bakit hindi mo magawa?  Dahil hindi bukal sa loob mo.

20.  Ang mga taong binibigyan mo ay iyung mga malalapit sa iyo, mabubuti sa iyo at yung mga gusto mo lang bigyan?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    100
Kailangan maging maganda ang pagtingin mo sa lahat, walang kinikilingan, walang kinakampihan.  Maging mabuti ka rin sa mga hindi mo kakilala at sa mga gumagawa sa iyo ng mali.  Kung mabait ka lang sa mga mababait sa iyo, anung gantimpala ang makukuha mo?

21.  Nangyayari ba sa iyo na kapag may ginawang mali sa iyo ang isang tao ay naiisip mo lahat iyung mga magagandang ginawa mo sa kanya at ipapaalam sa kanya upang siya ay humingi ng tawad o magbago?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            70                  75                    80                    85
Hindi mo dapat isinusumbat ang mga naitulong mo na.  Isang uri din kasi ito ng pagmamalaki.  Kung nakatulong ka, hindi mo na ito dapat ipamukha.  Bagamat kung dumating sa punto na nasasagad ka kaya gusto mong ipamukha ang kamalian ng isang tao, ito ay magpapababa lamang sa pagkatao niya na hindi makakatulong sa kanya (kaya hindi nilimitahan ang puntos para dito).

22.  Ginagawa mo ba ang iyong gusto kahit alam mong nakakaabala ka ng ibang tao?
Lagi             Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    100
Ito ay nagpapakita ng pagiging makasarili.  Huwag ang sarili mo lamang ang iyong iniintindi.  Kung habang ikaw ay masaya ay mayroon ka namang naaabala, nasasaktan, napeperwisyo, ito ay hindi magandang ugali.  Kailangan mong makibagay.

23.  May ginagawa ka bang bagay na upang matupad o mapabilis – karapat-dapat man o hindi, ay inilalapit mo sa isang maimpluwensiyang tao?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
65                  70                    75                    100
Ang taong sanay sa palakasan ay hindi patas.  Sumunod ka kung ano ang patakaran.  May mga tao rin na kagaya mo ang nangangailangan kaya dapat ay patas kang lumaban.

24.  Ginagawa mo ba ang ilapit sa isang tao ang isang sitwasyon upang mapigilan ang gusto ng isang tao dahil alam mong hindi siya karapat-dapat, o may gusto kang iparating na aral, o dahil hindi mo gusto iyung tao?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                 65                    75                    75
Ito ay pagpapakita ng pagiging hindi patas at pamomolitika.  Kung anuman ang isyu mo sa tao, huwag mong idamay ang ibang bagay.  Kung ano ang isyu mo sa kanya, duon ka lang sa iyu na iyon.  Kung anuman ang aral na gusto mong iparating sa kanya o kung pagmamalasakit ang iyong intensiyon (kung kangino / saan man) kung kaya mo ito ginawa ay binibigyan halaga din kahit papaano dahil mayroon kang inililigtas (kung kaya nilimitahan ang puntos para dito).

25.  Kapag mayroon kang naka-alitan sa isang bagay at hindi ka kuntento sa nangyari, nag-iisip ka ba ng ibang paraan upang makabawi ka sa pagkatalo mo?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    65                    100
Hindi maganda ang gumanti.  Kapag natapos na ang isang isyu ay hanggang duon na lang dahil kung gaganti ka ay malamang na gaganti din siya at muli kang gaganti, hindi matatapos ang isyu.  Hindi maganda ang magtanin ng galit sa kapwa.

26.  Ginagawa mo bang baguhin ang mga ilang bagay para gumanda kahit hindi totoo, upang pumabor sa iyo ang resulta o makakuha ka ng mas maganda?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    65                    100
Kapag ikaw ay nandaya o nanloko, para ka na ring nagnakaw dahil kinukuha mo ang isang bagay nang hindi sa patas na paraan.

27.  Ginagamit mo ba ang iyong posisyon o pangalan upang makuha ang gusto mo kahit hindi ayon sa patakaran? (hal. Bilang ingat-yaman ng barangggay, isinasama mo sa pagbili ng gamit ng baranggay ang personal na kailangan mong sipilyo)
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    65                    100
Ito ay pagpapakita ng pag-abuso, pandaraya, pamomolitika.

28.  Maliban sa totoong layunin na mapag-usapan lamang, ginagawa mo ba ang ikuwento sa ibang tao ang kwento, buhay, sikreto, ugali at mga kapintasan ng isang tao?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    70                    100
Sa ginagawa mong paglalabas ng hindi magandang pagkatao ng isang tao ay sinisira mo siya.  Totoo man ang iyong mga sinasabi, ito ay hindi pagsasabi lamang ng kung ano ang iyong niloloob kundi paglalagay ng tao sa pinakaibaba.

29.  Ang iyong reaksiyon sa mga nakikita mong bagay, lugar o tao, ikaw ba iyung kapag may nakita na mali, pangit at kapintasan ay ihinahayag mo ang iyong saloobin dito?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    100
Higit sa pagsasabi ng totoo o pagiging prangka, ang pagsasabi ng mga negatibo ay kadalasang pagpapakita ng pagiging pintasero.

30.  Hindi sa abilidad na makapanghula kundi sa ugaling pagkilatis ng tao – sinasabi mo ang ugali o pagkatao ng isang tao base sa unang pagkakakita mo sa kanya o sa nalaman mong ginawa nya?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    100
Kapag ugali mo na iyung sinasabi mo ang mga opinyon mo tungkol sa isang tao o base sa kanyang ginagawa, ikaw ay nagbibigay na ng iyong palagay o hatol.

31.  May ugali ka ba na madalas mong pinaiiral na ikaw ang dapat masunod dahil mas nakahihigit ka – mapa kaalaman, yaman, katangian o posisyon man?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    65                    100
Mataas ang tingin mo sa iyong sarili.  Kapag alam mong nakahihigit ka, Hindi mo ipagpipilitan ang sarili mo kung maliit, mahina ang tingin mo sa sarili mo.  Mapagmataas ka.

32.  May puwang ba sa puso mo iyung kusang makaramdam ka na dapat ay ikaw ang una, ikaw ang bigyan, ikaw ang mas marami?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    75                    100
Ito ay pagpapaimportansiya sa sarili dahil ang tingin mo sa sarili ay mataas. Palalo ang tawag dito.

33.  Ikaw ba iyung laging naghahanap ng puna o tanong sa ginagawa o sinasabi ng isang tao?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            75                  75                    80                    80
Ikaw ay isang skeptic na tao dahil bawat sinasabi o ginagawa ng kapwa mo ay hinahanapan mo ng mali, tanong o kahit komento basta ang maiparating mo lang sa kanya na ikaw ay nag-iisip, o hindi ka basta-basta sasang-ayon o alam mo ang lahat.

34.  Ikaw ba iyung laging mayron at mayroong tugon sa mga ginagawa o sinasabi ng isang tao dahil hindi ka makakapayag na wala kang maitutugon, pabor man o hindi?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            75                  75                    80                    80
Ikaw ay isang opinyonado.  Hindi ka magpapatalo hindi dahil nasa katwiran ka o dahil ikaw ay matapang kundi dahil inaaalaala mo na ang iyong imahe, o ego, o reputasyon.

35.  Ipinipilit mo ang isang tao sa isang bagay dahil ramdam na ramdam mong siya ang makakawaga niyon?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    70                    90
Ikaw ay mapagbintang.  Wala kang solidong batayan kundi ibinabase mo lamang sa iyong magaling na pag-analisa ng mga bagay.

36.  Kaya mo bang magpatawad kahit masakit o malaki ang kasalanan ng isang tao?
Oo              Hindi
            100                65
Ito ay palatandaan na ikaw ay mapagkumbaba kaya ikaw ay mapagpatawad.  Kung ito’y sasabihing kahibangan o katangahan,

37.  Kaya mo bang magparaya, o magbigay-daan?
            Oo               Hindi
            100                65
Ito ay palatandaan na ikaw ay mapagkumbaba kaya ikaw ay mapagbigay-daan.

38.  Bilang isang may pananagutan na sa buhay, ginagawa mo ba ang makipag-ugnayang-karnal maging ito man ay sa pamamagitan ng makabagong social media?
Oo              Hindi
            65                  100
Maging tapat ka sa iyong pakikipagrelasyon.  Ang pagtataksil sa anumang porma ay kasalanan

39.  Ikaw ba ay nagsisinungalin, white lies man o malaki?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  70                    75                    100
Ang pagsisinungalin, maliit man o malaki ay panloloko rin.  (Dahil binigyan halaga ang intensiyon ng tinatawag na white lies na ginagawa ng mga tao para sa ikabubuti ng kapwa ay nilimatahan ang puntos sa isang kasagutan).

40.  Prinsipyo mo ba na ang mga bagay ay may katapat na pera dahil ang buhay ay pinapaikot ng pera?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    65                    100
Pinaiiral mo ang pagiging materyalistiko.  Kapag ang tao ay sa pera tumitingin, nawawalan siya ng damdamin sa kawang-gawa, pakikipag-kapwa, pakikiramay at pagkamaawain.

41.  Kapag may kilala kang madaling mapikon – ginagatungan mo ba ito upang mas mapikon?
Lagi            Madalas           Minsan             Hindi
            65                  65                    70                    100
Ito ay nagpapakita lamang na ikaw ay mapang-api, walang awa, mataas ang tingin sa sarili.

42.  Mas mahalaga ba sa iyo ang maging mabait kaysa sa maging tama?
Oo                   Hindi
            85                    80
Mas mabuti na ang maging mabait kaysa sa maging tama dahil sa pagiging mabuti o mabait dahil dito tayo nagkakaroon ng kapayapaan ng isip, mapaganda ang uri ng ating pakikipag-kapwa tao.  Sa sinasabi ng iba na kung mabait ka nga pero mali naman ang iyong katwiran, mas maganda pa rin ang maging makatao ka kaysa sa maging matalino.  Sa sinasabi nila na kapag tama ka ay magiging mabait ka, ito ay hindi sumasaklaw sa pangkalahatan dahil mayroong katotohanan na nakakasakit at nakakapahamak ng tao.  Samantalang kapag mabait ka ay magiging tama ka dahil walang mali ang magmalasakit sa kapwa.  Sa katwiran ng ibang tao na kapag mabait ay inaabuso ng iba, sino ba ang nagkakasala at nagdadala ng kunsensiya?  Kung ang bawat isa ay gugustuhing maging mabait, mawawala na kung ganun ang mga umaabuso.

Gabay sa kinalabasan ng pagkalkula:
99                    =          Sukdulang-Bait
95 – 98            =          Napakabait
86 – 94            =          Mabait
76 – 85            =          May Kabaitan
75                    =          Katamtaman
70 – 74            =          May Kasamaan
65 – 70            =          Msama