Madali sa atin ang mag-linis ng dungis ng ating kapwa ngunit malimit
ay hindi natin nakikita na mismong tayo pala ang may uling rin sa sariling
mukha. Huwag kang humusga upang hindi ka
mahusgahan. Bago ka pumuna sa mga
kamalian ng iba, tingnan mo munang mabuti ang iyong sarili. Mahirap punahin ang sarili dahil kadalasan ay
hindi nakikita ng sarili ang kanyang mga kapintasan. Ngunit kung iisipin nating mabuti, yaman din
lang na tayo naman ang nakakaalam ng ating niloloob ay bakit hindi natin buksan
ang ating isip upang makilala natin ang ating totoong sarili dahil may mga
maliliit na bagay na kung ating iisipin ay makapagsasabi sa ating sarili kahit
papaano kung tayo ay mabuting makipagkapwa-tao.
Sa layuning malaman kung tayo ay mabuti pa o masana na ba na
kailangan ng baguhin ay maingat na ginawa ang mga katanungang nasa ibaba ngunit
hindi ibinilang dito ang tungkol sa mga mabibigat at karumal-dumal na kasalanan
dahil ang mga ito ay ibang antas at may ibang legal na sukatan (bagamat hindi
natin agad masasabing masama ang tao na nahatulan lalo na kung ito ay unag
beses lang nagawa ng tao). Sa halip, ang
ginawang mga katanungan dito ay upang masukat kung tayo ay lumalampas na sa
itinakdang kaganadahang asal ng ating lupunan (etiketa) na nagsasabing ang tao
ay mabuti o masama. Katulad nuong tayo
ay nag-aaral pa, ang ating wastong ugali at kagandahang-asal (GMRC) ay
sinusukat.
Mahirap itong ginawa dahil komplikado at konektado ang mga ginagawa
ng tao sa kanyang iba pang ginawa kaya mahirap husgahan base lamang sa isang
bagay dahil ang isang bagay ay maaaring napakaraming kahulugan mabuti man o
masama. Pero sa mga sasabihin ng iyong
kunsensiya, mahirap man purihin o pintasan ang sarili ay mapaglilinayan mo ang
mga sagot sa bawat tanong. Isipin mong
mabuti ang iyong sarili sa bawat tanong upang masagutan mo nang may katotohanan. Subukang gawing sa personal na sitwasyon ang
mga tanong (huwag sa trabaho) upang maging pang-buong pagkatao mo ang iyong
makikilatis.
1.Sa
unang pakiramdam mo, may problema ba sa iyo ang isama ka sa maraming tao?
Lagi Madalas Minsan Wala
2.Kapag
may nanghihingi sa iyo ng pabor na sa palagay mo ay walang masama at kaya mo
naman, pinagbibigyan mo ba?
Lagi Madalas Minsan Hindi
3.Sa
edad mong nasa hustong-gulang, may nakaaway ka bang kapit-bahay, kasamahan sa
trabaho o kakilala?
Oo Wala
4.May
nalaman ka ba/nagsabi ba sa iyo na may mga taong nagagalit sa iyo?
Oo Wala
5.Sa
sukatang isang taon, ilan ang iyong nakaaway o nakasamaan ng loob tungkol sa
ugali mo?
0 1 – 2 3 Higit sa 4
6.Kung
ikaw ay hiwalay sa asawa o sa kasintahan, ikaw ba ang dahilan ng inyong
paghihiwalay?
Oo Hindi
7.Ikaw
ba ay nadawit na sa usaping hindi pagkakaunawaan?
Oo Hindi
8.Kapag
nalaman mong may umaway sa taong malapit sa iyo, gusto mo bang awayin o galit
ka na rin sa taong nang-away?
Lagi Madalas Minsan Hindi
9.Kapag
may nakita kang naghihirap o nasasaktan o inaapi na tao na hindi mo kakilala,
nakakaramdam ka ba rin ng hirap o sakit o awa?
Lagi Madalas Minsan Hindi
10.Tumutulong
ka ba agad kapag may humihingi sa iyo ng tulong na ramdam mong totoong
nangangailangan at alam mong kaya mo naman ibigay?
Lagi Madalas Minsan Hindi
11.Nalulungkot
ka ba kapag nakakita ka sa kalsada ng nasagasaang aso, pusa o ibon?
Lagi Madalas Minsan Hindi
12.Gusto
mong maging maganda sa mata ng mga tao kaya kapag may kaunting pagkakamali ka
ay hindi mo ito sasabihin.
Lagi Madalas Minsan Hindi
13.Nakatulong
o tumutulong ka ba sa iyong kapwa nang walang maraming tao ang nakakaalam?
Lagi Madalas Minsan Hindi
14.Ginagawa
mo ba ang magpakita ng kabaitan at kagalingan hindi dahil gusto mo ng magandang
balik kundi upang maging maganda ang
tingin sa iyo ng mga tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
15.Sinasabi
mo ba ang iyong mga kagalingam, kakayahan at materyal na kayamanan dahil
nagdudulot ito sa iyo ng kasiyahan?
Lagi Madalas Minsan Hindi
16.Ginagawa
mo ba ang mang-umit o kumuha ng maliliit o nakatutuwang bagay lang nang hindi
mo ipinagpapaalam?
Lagi Madalas Minsan Hindi
17.Natural
sa tao ang ilagay ang sarili sa mabuti, segurado, at gusto niya. Kapag mayroong mga hatian ng mga bagay, unang
masidhing sumasagi ba sa iyong isip ay makuha mo ang maganda o malaking bahagi?
Lagi Madalas Minsan Hindi
18.Kapag
may nanghihingi sa iyo ng bagay, kaya mo bang ibigay kahit walang matitira sa
iyo, o kahit alam mong hindi niya kayang magbayad?
Lagi Madalas Minsan Hindi
19.May
mga pagkakataon ba na nanghihinayang kang ibigay ang bagay na pwede mo namang
ibigay sa nanghihingi?
Lagi Madalas Minsan Hindi
20.Ang
mga taong binibigyan mo ay iyung mga malalapit sa iyo, mabubuti sa iyo at yung
mga gusto mo lang bigyan?
Lagi Madalas Minsan Hindi
21.Nangyayari
ba sa iyo na kapag may ginawang mali sa iyo ang isang tao ay naiisip mo lahat
iyung mga magagandang ginawa mo sa kanya at ipapaalam sa kanya upang siya ay
humingi ng tawad o magbago?
Lagi Madalas Minsan Hindi
22.Ginagawa
mo ba ang iyong gusto kahit alam mong nakakaabala ka ng ibang tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
23.May
ginagawa ka bang bagay na upang matupad o mapabilis – karapat-dapat man o
hindi, ay inilalapit mo sa isang maimpluwensiyang tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
24.Ginagawa
mo ba ang ilapit sa isang tao ang isang sitwasyon upang mapigilan ang gusto ng
isang tao dahil alam mong hindi siya karapat-dapat, o may gusto kang iparating
na aral, o dahil hindi mo gusto iyung tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
25.Kapag
mayroon kang naka-alitan sa isang bagay at hindi ka kuntento sa nangyari,
nag-iisip ka ba ng ibang paraan upang makabwai ka sa pagkatalo mo?
Lagi Madalas Minsan Hindi
26.Ginagawa
mo bang baguhin ang mga ilang bagay para gumanda kahit hindi totoo, upang
pumabor sa iyo ang resulta o makakuha ka ng mas maganda?
Lagi Madalas Minsan Hindi
27.Ginagamit
mo ba ang iyong posisyon o pangalan upang makuha ang gusto mo kahit hindi ayon
sa patakaran? (hal. Bilang ingat-yaman ng barangggay, isinasama mo sa pagbili
ng gamit ng baranggay ang personal na kailangan mong sipilyo)
Lagi Madalas Minsan Hindi
28.Maliban
sa totoong layunin na mapag-usapan lamang, ginagawa mo ba ang ikuwento sa ibang
tao ang kwento, buhay, sikreto, ugali at mga kapintasan ng isang tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
29.Ang
iyong reaksiyon sa mga nakikita mong bagay, lugar o tao, ikaw ba iyung kapag
may nakita na mali, pangit at kapintasan ay ihinahayag mo ang iyong saloobin
dito?
Lagi Madalas Minsan Hindi
30.Hindi
sa abilidad na makapanghula kundi sa ugaling pagkilatis ng tao – sinasabi mo
ang ugali o pagkatao ng isang tao base sa unang pagkakakita mo sa kanya o sa
nalaman mong ginawa nya?
Lagi Madalas Minsan Hindi
31.May
ugali ka ba na madalas mong pinaiiral na ikaw ang dapat masunod dahil mas
nakahihigit ka – mapa kaalaman, yaman, katangian o posisyon man?
Lagi Madalas Minsan Hindi
32.May
puwang ba sa puso mo iyung kusang makaramdam ka na dapat ay ikaw ang una, ikaw
ang bigyan, ikaw ang mas marami?
Lagi Madalas Minsan Hindi
33.Ikaw
ba iyung laging naghahanap ng puna o tanong sa ginagawa o sinasabi ng isang
tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
34.Ikaw
ba iyung laging mayron at mayroong tugon sa mga ginagawa o sinasabi ng isang
tao dahil hindi ka makakapayag na wala kang maitutugon, pabor man o hindi?
Lagi Madalas Minsan Hindi
35.Ipinipilit
mo ang isang tao sa isang bagay dahil ramdam na ramdam mong siya ang makakawaga
niyon?
Lagi Madalas Minsan Hindi
36.Kaya
mo bang magpatawad kahit masakit o malaki ang kasalanan ng isang tao?
Oo Hindi
37.Kaya
mo bang magparaya, o magbigay-daan?
Oo Hindi
38.Bilang
isang may pananagutan na sa buhay, ginagawa mo ba ang makipag-ugnayang-karnal
maging ito man ay sa pamamagitan ng makabagong social media?
Oo Hindi
39.Ikaw
ba ay nagsisinungalin, white lies man o malaki?
Lagi Madalas Minsan Hindi
40.Prinsipyo
mo ba na ang mga bagay ay may katapat na pera dahil ang buhay ay pinapaikot ng
pera?
Lagi Madalas Minsan Hindi
41.Kapag
may kilala kang madaling mapikon – ginagatungan mo ba ito upang mas mapikon?
Lagi Madalas Minsan Hindi
42.Mas
mahalaga ba sa iyo ang maging mabait kaysa sa maging tama?
Oo Hindi
(Tunghayan sa ibaba ang katumbas na puntos sa mga sagot sa bawat
katanungan)
Sa ilang pagkakataon, ang isang malusog na pangangatawan ay hindi
nakikita sa pisikal na anyo ng ating katawan.
Ang mga taong malimit magkaroon ng mga karamdaman ay nangangahulugan
lamang na mayroon silang malusog na pangangatawan.
------------------------------------------------------------
Katumbas na puntos at kahulugan ng mga sagot:
1. Sa
unang pakiramdam mo, may problema ba sa iyo ang isama ka sa maraming tao?
Lagi Madalas Minsan Wala
65 70 75 100
Ang mga tao na walang problema kung sino ang
makakasama o isama siya sa maraming tao ay nangangahulugang wala siyang
alalahanin sa pakikisama.
2. Kapag
may nanghihingi sa iyo ng pabor na sa palagay mo ay walang masama at kaya mo
naman, pinagbibigyan mo ba?
Lagi Madalas Minsan Hindi
100 90 75 65
Ang pagbibigay sa nangangailangan ay
nangangahulugan ng mabuting pakikisama.
3. Sa
edad mong nasa hustong-gulang, may nakaaway ka bang kapit-bahay, kasamahan sa
trabaho o kakilala?
Oo Wala
75 80
Kapag ang isang tao ay may nakaa-away,
mayroon siyang ugali na hindi makasundo ng ibang tao. Ngunit hindi siya dapat hatulan agad dahil
maaaring siya ay depensa lamang. Bagamat
nangangahulugan din iyon na bakit humahantong na dapat siyang dumepensa.Kapag
marami kang nakakaa-away, mayroong mali sa iyong pakikipag-kapwa tao (kung
kaya hindi nilakasan o hininaan ang puntos para dito).
4. May
nalaman ka ba/nagsabi ba sa iyo na may mga taong nagagalit sa iyo?
Oo Wala
75 80
Kung mayroong nakakarating sa iyo na mayroong
tao pala ang galit sa iyo, nangangahulugan lamang na may hindi maganda sa
pakikisama mo na inaayawan ng mga tao.
Maaariing isipin na naninirang-puri lamang ngunit bakit humahantong na
siraan ka (kung kaya hindi nilakasan o hininaan ang puntos para dito).
5. Sa
sukatang isang taon, ilan ang iyong nakaaway o nakasamaan ng loob tungkol sa
ugali mo?
0 1 – 2 3 Higit sa 4
100 90 75 65
Sa buong buhay natin ay napakahirap ng wala
kang nakaalitan man lang. Pero mas
kakaunti ay mas maganda dahil ibig sabihin lang nuon ay marami ang natutuwa sa
iyong pakikisama. Kapag marami ka ng
nakaka-away o nakakasamaan ng loob, mayroon ng mali sa iyo.
6. Kung
ikaw ay hiwalay sa asawa o sa kasintahan, ikaw ba ang dahilan ng inyong
paghihiwalay?
Oo Hindi
70 90
Nangangahulugan lamang na kung ikaw ang inayawan
ng iyong kapwa, mayroong mali sa iyong ugali at mahirap kang pakisamahan (hindi
isinagad ang puntos dito upang bigyang konsiderasyon ang mga bagay na hindi mo
kontrol).
7. Ikaw
ba ay nadawit na sa usaping hindi pagkakaunawaan?
Oo Hindi
75 90
Ang taong madalas nadadawit sa mga isyu, mas
madalas kaysa sa hindi ay nangangahulugan na may mga mali sa kanyang pakikisama. Pwedeng nadamay lang pero bihira mangyari yun
dahil mas madalas kang masama sa isyu ay may mali na sa iyo.
8. Kapag
nalaman mong may umaway sa taong malapit sa iyo, gusto mo bang awayin o galit
ka na rin sa taong nang-away?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 90 100
Hindi ka dapat nakikisali sa away kundi dapat
ay tingan mo kung sino ang mali at pagsabihan.
Huwag mong kunsintihin ang taong malapit sa iyo dahil kapag kinampihan
mo siya ay nangangahulugan na pinapalakas mo ang kanyang loob upang ituloy ang
kanyang ginawa.
9. Kapag
may nakita kang naghihirap o nasasaktan o inaapi na tao na hindi mo kakilala,
nakakaramdam ka ba rin ng hirap o sakit o awa?
Lagi Madalas Minsan Hindi
100 90 80 65
Ang taong malambot ang puso, mahirap gumawa
ng kasalanan. Kapag ikaw ay mahabagin,
nakakagawa ka ng maganda sa iyong kapwa.
10. Tumutulong
ka ba agad kapag may humihingi sa iyo ng tulong na ramdam mong totoong
nangangailangan at alam mong kaya mo naman ibigay?
Lagi Madalas Minsan Hindi
100 90 75 65
Ang taong mahabagin kadalasan ay matulungin.
11. Nalulungkot
ka ba kapag nakakita ka sa kalsada ng nasagasaang aso, pusa o ibon?
Lagi Madalas Minsan Hindi
100 90 75 65
Ang ibig sahin lang nito ay malambot ang
iyong puso kaya ikaw ay mahabagin.
12. Gusto
mong maging maganda sa mata ng mga tao kaya kapag may kaunting pagkakamali ka
ay hindi mo ito sasabihin.
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 80
Kung ang intensiyon mo ay upang iangat ang
iyong sarili, kaunting pagkakamali pa man yan ay hindi magandang ugali ng isang
tao ang mapagmalinis. Kung kaya gusto
mong iangat ang iyong sarili ay upang isinasaalang-alang mga sumusunod sa iyo
naiaangat nito kahit konti ang iyong pagkakamali (kung kaya nilimitahan ang
puntos para dito).
13. Nakatulong
o tumutulong ka ba sa iyong kapwa nang walang maraming tao ang nakakaalam?
Lagi Madalas Minsan Hindi
100 90 75 70
Kapag ginagawa mo ang
pagtulong nang walang nakakita, ito ay patunay laman na bukal sa loob, hindi
pakitang-tao at hindi pagyayabang.
14. Ginagawa
mo ba ang magpakita ng kabaitan at kagalingan hindi dahil gusto mo ng magandang
balik kundi upang maging maganda ang
tingin sa iyo ng mga tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Ito ay pagbbigay ng importansiya sa
sarili. Hindi totoo sa iyong puso ang
pagpapakita ng kagandahan. Kahit hindi
ka man naghihintay ng magandang karma pero kung ang intensiyon mo naman ay
upang ikaganda ng iyong pangalan o posisyon ay hindi tatalaga taos sa iyong
puso ang pagpapakita ng kagandahan.
15. Sinasabi
mo ba ang iyong mga kagalingam, kakayahan at materyal na kayamanan dahil
nagdudulot ito sa iyo ng kasiyahan?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 80
Muli, ito ay pagbibigay ng importansiya sa
sarili. .
16. Ginagawa
mo ba ang mang-umit o kumuha ng maliliit o nakatutuwang bagay lang nang hindi
mo ipinagpapaalam?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Maliit
o malaki man, kapag kinukuha mo ang isang bagay nang hindi mo pinapaalam ay
pagnanakaw.
17. Natural
sa tao ang ilagay ang sarili sa mabuti, segurado, at gusto niya. Kapag mayroong mga hatian ng mga bagay, unang
masidhing sumasagi ba sa iyong isip ay makuha mo ang maganda o malaking bahagi?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Ito
ay kasakiman. Nararapat na pairalin pa
rin ang patas, o kung tinatawag ng pagkakataon ay ung mga mas nangangailangan.
18. Kapag
may nanghihingi sa iyo ng bagay, kaya mo bang ibigay kahit walang matitira sa
iyo, o kahit alam mong hindi niya kayang magbayad?
Lagi Madalas Minsan Hindi
90 80 75 70
Hindi
ka madamot kaya mo ang magbigay kahit mawawalan ka. Pero kung isinasaalang-alang mo ang
kinabukasan mo kung kaya hindi mo maibigay ang pangangailangan ay walang mali
dito (kaya hindi nilimitahan ang puntos para dito).
19. May
mga pagkakataon ba na nanghihinayang kang ibigay ang bagay na pwede mo namang
ibigay sa nanghihingi?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 95
Nasa
Umiiral sa iyo ang karamutan. Kung kaya
mo namang ibigay pero nanghihinayang ka pa rin – bakit hindi mo magawa? Dahil hindi bukal sa loob mo.
20. Ang
mga taong binibigyan mo ay iyung mga malalapit sa iyo, mabubuti sa iyo at yung
mga gusto mo lang bigyan?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Kailangan maging maganda ang
pagtingin mo sa lahat, walang kinikilingan, walang kinakampihan. Maging mabuti ka rin sa mga hindi mo kakilala
at sa mga gumagawa sa iyo ng mali. Kung
mabait ka lang sa mga mababait sa iyo, anung gantimpala ang makukuha mo?
21. Nangyayari
ba sa iyo na kapag may ginawang mali sa iyo ang isang tao ay naiisip mo lahat
iyung mga magagandang ginawa mo sa kanya at ipapaalam sa kanya upang siya ay
humingi ng tawad o magbago?
Lagi Madalas Minsan Hindi
70 75 80 85
Hindi mo dapat isinusumbat ang mga naitulong mo na. Isang uri din kasi ito ng pagmamalaki. Kung nakatulong ka, hindi mo na ito dapat
ipamukha. Bagamat kung dumating sa punto
na nasasagad ka kaya gusto mong ipamukha ang kamalian ng isang tao, ito ay
magpapababa lamang sa pagkatao niya na hindi makakatulong sa kanya (kaya
hindi nilimitahan ang puntos para dito).
22. Ginagawa
mo ba ang iyong gusto kahit alam mong nakakaabala ka ng ibang tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Ito ay nagpapakita ng pagiging makasarili. Huwag ang sarili mo lamang ang iyong
iniintindi. Kung habang ikaw ay masaya
ay mayroon ka namang naaabala, nasasaktan, napeperwisyo, ito ay hindi magandang
ugali. Kailangan mong makibagay.
23. May
ginagawa ka bang bagay na upang matupad o mapabilis – karapat-dapat man o
hindi, ay inilalapit mo sa isang maimpluwensiyang tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Ang taong sanay sa palakasan ay hindi patas. Sumunod ka kung ano ang patakaran. May mga tao rin na kagaya mo ang
nangangailangan kaya dapat ay patas kang lumaban.
24. Ginagawa
mo ba ang ilapit sa isang tao ang isang sitwasyon upang mapigilan ang gusto ng
isang tao dahil alam mong hindi siya karapat-dapat, o may gusto kang iparating
na aral, o dahil hindi mo gusto iyung tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 75 75
Ito ay pagpapakita ng pagiging hindi patas at pamomolitika. Kung anuman ang isyu mo sa tao, huwag mong
idamay ang ibang bagay. Kung ano ang
isyu mo sa kanya, duon ka lang sa iyu na iyon.
Kung anuman ang aral na gusto mong iparating sa kanya o kung
pagmamalasakit ang iyong intensiyon (kung kangino / saan man) kung kaya mo ito
ginawa ay binibigyan halaga din kahit papaano dahil mayroon kang inililigtas (kung
kaya nilimitahan ang puntos para dito).
25. Kapag
mayroon kang naka-alitan sa isang bagay at hindi ka kuntento sa nangyari,
nag-iisip ka ba ng ibang paraan upang makabawi ka sa pagkatalo mo?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 65 100
Hindi maganda ang gumanti.
Kapag natapos na ang isang isyu ay hanggang duon na lang dahil kung gaganti
ka ay malamang na gaganti din siya at muli kang gaganti, hindi matatapos ang
isyu. Hindi maganda ang magtanin ng
galit sa kapwa.
26. Ginagawa
mo bang baguhin ang mga ilang bagay para gumanda kahit hindi totoo, upang
pumabor sa iyo ang resulta o makakuha ka ng mas maganda?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 65 100
Kapag
ikaw ay nandaya o nanloko, para ka na ring nagnakaw dahil kinukuha mo ang isang
bagay nang hindi sa patas na paraan.
27. Ginagamit
mo ba ang iyong posisyon o pangalan upang makuha ang gusto mo kahit hindi ayon
sa patakaran? (hal. Bilang ingat-yaman ng barangggay, isinasama mo sa pagbili
ng gamit ng baranggay ang personal na kailangan mong sipilyo)
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 65 100
Ito ay pagpapakita ng pag-abuso, pandaraya, pamomolitika.
28. Maliban
sa totoong layunin na mapag-usapan lamang, ginagawa mo ba ang ikuwento sa ibang
tao ang kwento, buhay, sikreto, ugali at mga kapintasan ng isang tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 70 100
Sa ginagawa mong paglalabas ng hindi magandang pagkatao ng isang
tao ay sinisira mo siya. Totoo man ang
iyong mga sinasabi, ito ay hindi pagsasabi lamang ng kung ano ang iyong
niloloob kundi paglalagay ng tao sa pinakaibaba.
29. Ang
iyong reaksiyon sa mga nakikita mong bagay, lugar o tao, ikaw ba iyung kapag
may nakita na mali, pangit at kapintasan ay ihinahayag mo ang iyong saloobin
dito?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Higit sa
pagsasabi ng totoo o pagiging prangka, ang pagsasabi ng mga negatibo ay
kadalasang pagpapakita ng pagiging pintasero.
30. Hindi
sa abilidad na makapanghula kundi sa ugaling pagkilatis ng tao – sinasabi mo
ang ugali o pagkatao ng isang tao base sa unang pagkakakita mo sa kanya o sa
nalaman mong ginawa nya?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Kapag ugali mo na iyung sinasabi mo ang mga opinyon mo tungkol sa
isang tao o base sa kanyang ginagawa, ikaw ay nagbibigay na ng iyong palagay o
hatol.
31. May
ugali ka ba na madalas mong pinaiiral na ikaw ang dapat masunod dahil mas
nakahihigit ka – mapa kaalaman, yaman, katangian o posisyon man?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 65 100
Mataas ang
tingin mo sa iyong sarili. Kapag alam
mong nakahihigit ka, Hindi mo ipagpipilitan ang sarili mo kung maliit, mahina
ang tingin mo sa sarili mo. Mapagmataas
ka.
32. May
puwang ba sa puso mo iyung kusang makaramdam ka na dapat ay ikaw ang una, ikaw
ang bigyan, ikaw ang mas marami?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 75 100
Ito
ay pagpapaimportansiya sa sarili dahil ang tingin mo sa sarili ay mataas.
Palalo ang tawag dito.
33. Ikaw
ba iyung laging naghahanap ng puna o tanong sa ginagawa o sinasabi ng isang
tao?
Lagi Madalas Minsan Hindi
75 75 80 80
Ikaw ay isang
skeptic na tao dahil bawat sinasabi o ginagawa ng kapwa mo ay hinahanapan mo ng
mali, tanong o kahit komento basta ang maiparating mo lang sa kanya na ikaw ay
nag-iisip, o hindi ka basta-basta sasang-ayon o alam mo ang lahat.
34. Ikaw
ba iyung laging mayron at mayroong tugon sa mga ginagawa o sinasabi ng isang
tao dahil hindi ka makakapayag na wala kang maitutugon, pabor man o hindi?
Lagi Madalas Minsan Hindi
75 75 80 80
Ikaw ay isang
opinyonado. Hindi ka magpapatalo hindi
dahil nasa katwiran ka o dahil ikaw ay matapang kundi dahil inaaalaala mo na
ang iyong imahe, o ego, o reputasyon.
35. Ipinipilit
mo ang isang tao sa isang bagay dahil ramdam na ramdam mong siya ang makakawaga
niyon?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 70 90
Ikaw ay
mapagbintang. Wala kang solidong batayan
kundi ibinabase mo lamang sa iyong magaling na pag-analisa ng mga bagay.
36. Kaya
mo bang magpatawad kahit masakit o malaki ang kasalanan ng isang tao?
Oo Hindi
100 65
Ito
ay palatandaan na ikaw ay mapagkumbaba kaya ikaw ay mapagpatawad. Kung ito’y sasabihing kahibangan o
katangahan,
37. Kaya
mo bang magparaya, o magbigay-daan?
Oo Hindi
100 65
Ito ay
palatandaan na ikaw ay mapagkumbaba kaya ikaw ay mapagbigay-daan.
38. Bilang
isang may pananagutan na sa buhay, ginagawa mo ba ang makipag-ugnayang-karnal
maging ito man ay sa pamamagitan ng makabagong social media?
Oo Hindi
65 100
Maging tapat ka sa iyong
pakikipagrelasyon. Ang pagtataksil sa
anumang porma ay kasalanan
39. Ikaw
ba ay nagsisinungalin, white lies man o malaki?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 70 75 100
Ang pagsisinungalin, maliit man o malaki ay panloloko rin. (Dahil binigyan halaga ang intensiyon ng
tinatawag na white lies na ginagawa ng mga tao para sa ikabubuti ng kapwa ay
nilimatahan ang puntos sa isang kasagutan).
40. Prinsipyo
mo ba na ang mga bagay ay may katapat na pera dahil ang buhay ay pinapaikot ng
pera?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 65 100
Pinaiiral mo
ang pagiging materyalistiko. Kapag ang
tao ay sa pera tumitingin, nawawalan siya ng damdamin sa kawang-gawa,
pakikipag-kapwa, pakikiramay at pagkamaawain.
41. Kapag
may kilala kang madaling mapikon – ginagatungan mo ba ito upang mas mapikon?
Lagi Madalas Minsan Hindi
65 65 70 100
Ito
ay nagpapakita lamang na ikaw ay mapang-api, walang awa, mataas ang tingin sa
sarili.
42. Mas
mahalaga ba sa iyo ang maging mabait kaysa sa maging tama?
Oo Hindi
85 80
Mas mabuti na ang maging mabait kaysa sa maging tama dahil sa
pagiging mabuti o mabait dahil dito tayo nagkakaroon ng kapayapaan ng isip,
mapaganda ang uri ng ating pakikipag-kapwa tao.
Sa sinasabi ng iba na kung mabait ka nga pero mali naman ang iyong
katwiran, mas maganda pa rin ang maging makatao ka kaysa sa maging
matalino. Sa sinasabi nila na kapag tama
ka ay magiging mabait ka, ito ay hindi sumasaklaw sa pangkalahatan dahil
mayroong katotohanan na nakakasakit at nakakapahamak ng tao. Samantalang kapag mabait ka ay magiging tama
ka dahil walang mali ang magmalasakit sa kapwa.
Sa katwiran ng ibang tao na kapag mabait ay inaabuso ng iba, sino ba ang
nagkakasala at nagdadala ng kunsensiya?
Kung ang bawat isa ay gugustuhing maging mabait, mawawala na kung ganun
ang mga umaabuso.
Gabay sa kinalabasan ng pagkalkula:
99 = Sukdulang-Bait
95 – 98 = Napakabait
86 – 94 = Mabait
76 – 85 = May Kabaitan
75 = Katamtaman
70 – 74 = May Kasamaan
65 – 70 = Msama
No comments:
Post a Comment