Salamat at nakakuha ako ng kakampi na nagpapatunay na ang
paniniwala ko sa pagpatay ng tao ay kaylan man ay hindi tama at ang
pagtatatanggol ko sa karapatang pantao ay tama talaga. Salamat Amerika, Canada, Australia at mga
bansang-Yuropa sa inyong pagmamalasakit sa buhay ng tao. Kung hindi ko man makuha sa sarili kong bansa
ang paniniwala kong ito, salamat at may mga ibang malalaking bansa na umaayon
sa aking pananaw. Dahil hanggang naghahari
ang mga uri ng tao ngayon sa Pilipinas ay hindi makakamtan ng bansa ang
hustisya kaya mabuti na lamang at mayroong isang tulad ng Amerika
Sabihin man ng kapwa ko Pilipino na may ibang intensyon ang Amerika
sa pagpapalawig ng batas, sa dulo nito ay sapul na sapol naman nito ang
pinakaakahulugan tungkol sa karapang-pantao.
Sa sinasabi ng ibang tao na ito ay panghihimasok sa panloob na
pangyayari sa ating bansa, pag-isipan sana nila na ang karapatang pantao ay
protektado ng buong mundo (universally protected). Sa ayaw at sa gusto mo, papasok at papasok
ang United Nation dahil ito ay usaping pang-buong mundo.
Kung ang paniniwala mo ay walang masama sa nangyayaring sistema sa
Pilipinas dahil ikaw ay maka-kasalukuyang administrsyon at marami kayong
magkakampi, bakit ngayon ang paniniwala ko ay tumutugma sa mas malalaking
bansa? Ikaw na siguro ang may
dipresensiya. Hindi naman siguro
mangmang ang mga iyan. Kung ikaw na
isang maliit at ordinaryong tao, ano ang kaaalaman mo kumpara sa naglalakihang
institusyon at mga bansa na ito? Kung
ang iyong paniniwala ay kayo-kayo rin lang ang nagkakaisa at labas ng grupo
ninyo ay marami ang hindi sumasang-ayon, baka kayo na nga ang may dipresensiya.
Tama lang ang makabagong batas na ito dahil kung hindi kayang
usigin ang mga makapangyarihang taong sangkot sa paglabag sa karapatang pantao
dahil sa kanilang tinatawag na impunity, labanan sila sa pinakamasasaktan sila –
sa laman ng kanilang bulsa, pitaka at bangko: PERA. Hindi sapat ang pagkaitan lang sila na
makapasok sa mga bansang pinakagusto nilang puntahan tulad ng Amerika, Canada,
Australia at sa Yuropa kundi dapat din pigilan ang kanilang mga ari-arian na
nasa ibang bansa. At para sa mga maliliit na mamamayan na sumobra ang
pagkapantiko, dapat din siguro na suriin ang kanilang mga ginagawa sa social
media upang makilala kung sila ba ay totoong makatao, may puso at hindi
nagmamaka-makabayan lamang.
Simula pa nuong 2016 ay kinokondena ko na sina Mocha, Sassot,
Nieto, Mr Riyoh at iba pa sa kanilang mga balitang-peke at pagdedepensa sa mga
napapatay na pinaghihinalaang nagbebenta ng bawal na gamot. Dahil kahit kailan ay hindi ako pabor sa
pagsusulat ng kasinungalinan kapalit ng pera at kapangyarihan. Mas gugustuhin ko pa ang magsulat ng aking
niloloob kahit ito ay mali sa paniniwala ng iba kaysa ibenta ko ang respeto sa
sarili. Bawiin man nila ang kanilang mga
ginawa, magpaalam man sila sa kanilang social media, sana ay tingnan pa rin ng
kinauukulan ang kanilang mga pinaggagawa upang malaman nila kung gaano kasama
ang kanilang mga pinagsasabi.
Salamat at hindi ako isang panatiko, salamat at hindi ako isang
bulag na tagasunod, salamat at hindi ako loyalista, at salamat at hindi ako
nagpakain sa sistema.
No comments:
Post a Comment