Nasa panahon tayo ngayon na
kailangan nating magbago sa ilang mga kasanayan mula sa kinagisnan natin. Ginulat tayo ng pandemniya na hatid ng COVID-19 at hindi tayo sanay
sa mga pagbabago ngunit kailangan nating gawin.
Narito ang mga pansarili kong bagong normal na gusto kong ibahagi upang
makapag-bigay opinyon na maaaring paglinayan.
1. Sikaping
manatili sa loob ng bahay habang nakapailalim ang lugar natin sa tinatawag na
quarantine. Mahirap ito ngunit kailangan
nating gawin. Dahil ang mikrobiyo ay
nasa paligid-ligid lamang sa labas, huwag nating itong dalhin sa loob ng bahay.
2. Ugaliin
ang kalinisan. Palaging linisin ang mga
kamay dahil ito ang unang-unang pinakaposibleng daan upang makapasok ang
mikrobiyo sa loob ng katawan.
3. Sikaping
huwag hawakan ang mukha. Maaari kang humanap
ng sariling-paraan upang maiwasang madampi ang mga kamay sa pinakasensitibong
bahagi ng mukha. Ang paggamit ng maliit
na patpat na nakatago sa bulsa ay maaring ipangkamot sa pangangati ng ilong at
bibig.
4. Kada
araw, maaari kang gumawa ng gawang-bahay na pamatay-mikrobiyo (homemade
disinfectant). Marami kang pagpipilian
sa internet kung paano gumawa nito. Wisikan
/ o punasan nito ang mga bagay sa loob ng bahay na pinakamadalas hawakan tulad
ng pinto, pihitan ng mga kasangkapan/aparato, lamesa at upuan, gripo, pihitan
ng ilaw, atbp.
5. Pag-aralan
ang mga transaksyon na hindi na kailangang lumabas ng bahay o magbayad sa
pamamag-itan ng pera. Ito ay tulad ng
pagbabayad sa mga bayarin sa bangko, kuryente, tubig, telepono, online
shopping, pagpapadala ng pera, atbp.
6. Iwasan
muna ang magpunta sa ibang bahay upang makipagkamustahan kahit sila ay iyong kamag-anak
o kaibigan.
7. Kung
kailangang lumabas ng bahay upang bumili ng mahalagang bagay tulad ng pagkain o
kailangang maghanap-buhay, palaging magsoot ng mask upang hindi ka makasagap ng
mikrobiyo.
8. Huwag
dumikit sa kapwa, panatilihin ang pag-itan mula sa kapwa-tao (social
distancing).
9. Habang
nasa labas ng bahay, iwasan ang humawak sa mga bagay-bagay upang mapanatili
mong malinis ang iyong kamay. Magbaon ng
panglinis ng kamay kapag kailangan mong humawak sa hindi maiiwasang bagay tulad
ng ATM machine.
10. Palaging
maglinis ng katawan kapag nanggaling sa labas.
Ginagawa ng gobyerno ang
pagbalangkas ng mga bagong “normal” tulad ng bagong anyo ng transportasyon sa barko,
eroplano, train, bus at tricycles.
Napakalaking hamom ito kung maipapatupad sa sandaling bumalik na ang
dagsa ng mga tao sa kalsada, pamilihan at abangan ng sasakyan. Bagamat malaki ang ating pagdududa na
masusunod ang mga ito at mistulang ito ay parang pangarap lang, kailangan ng
mga mamamayan na mag-tiis, sumunod at makibagay upang magawa ang mga ito
lang-alang sa kaligtasan ng mas nakararami.
Kailangan nating magbago upang tumugma tayo.