Friday, May 01, 2020

MGA PAULIT-ULIT NA SAGOT NG MGA DDS


Heto ang mga standard at madalas ipang-sagot ng mga solid DDS at Dutertards sa diskusyon:  “Ikaw na ang mag-Presidente”, “Ano ambag mo” o “Ano nagawa mo?”,  “Puro kayo reklamo”, “Magkano bayad say o?”, “Tumulong ka na lang” at “Dilawan / Adik ka”.  Nakakasawa na ang mga ito na parang sirang plaka na paulit-ulit, pero meron akong standard na sagot sa mga ito:

1.  Ikaw na magaling.  Ikaw na mag-Presidente!  – Deal.   Kung bibigyan ako ng chance, bakit hindi.  Para ang unang-unang gagawin ko alisin ko mga toxic sa gobyerno at mga taong panatiko.  At para iyung mga ayokong ginawa niya ay maitama o mabago ko unang-una na ang sobrang pagpabor sa China.  Hindi ako kasing-galing ni Marcos, Ramos, Rojas, o ni Magsaysay, pero sa tinatakbo ng gobyerno ngayon, palagay ko mas makakatulong yung mga gusto kong gawin.
2.  Ikaw, anong ambag mo?  Anong nagawa mo? Anong naitulong mo? – Meron pero hindi na magandang sabihin pa kung ano-ano yun.  Hindi ako iyung tumatayo sa unahan upang pangunahan ang isang gawain o aktibo sa pang-purok na gawain pero sa sarili kong paraan ay may naiaambag din naman ako.  Siguro dapat kong ibalik ang tanong, sila – anong ambag nila?  Eh exempted nga sila sa tax.  Tapos, madalas puro problema pa mga bigay ng mga yan: magulong pamilya, away- motorista, pasaway na tambay, snatcher, tulak ng droga, maraming anak… etc.  Magpunta ka sa pinakamahihirap at magugulong lugar, naruon ang karamihan ng solid DDS.
3.  Magkano bayad sa iyo? – ito yung bigla kang mapapaisip na, teka sino nga ba ang kilalang bayaran?  Sino ba ang may kakayahang magbayad?  Sino ba ang nagpauso ng troll at sino ba ang may troll? 
4.  Puro kayo reklamo!  – Hindi naman dahil nagsasalita ka ay nagrereklamo ka na.  Hindi ba pwedeng may napanpansin ka lang?  Kaya ka nagsasalita ay gusto mong tulungan ang sitwasyon na itama.  Kung hindi magsasalita paano malalamang mali pala ang ginagawa nila?  Kung tutuusin mas mabuti na yung masabihan kang reklamador kaysa masabihang parang mga zombie na puro sunod na lang.  Mabuti na lang, nagreklamo sina Jose Rizal, Marcelo Del Pilar, Graciano Jaena kaya natapos ang pagmamalabis ng mga Kastila nuon.
5.  Tumulong ka na lang / Bakit hindi na lang sumuporta? – Kapag sinabi mo ang nakikita mong mali para sa ikagaganda, nakatulong ka na. Simpleng mamamayan ka lang naman para magkaroon ng posisyon kaya mabantayan mo man lang mg anangyayari ay nakakatulong ka na.  At bakit mo naman susuportahan ang mga kayabangan at paghahari-harian ng mga taong nakapalibot kay Duterte, ejk, pambabastos sa babae, pagmumura, pagiging diktador, pagpasok ng China, pagkalat ng mga fake news, at pagtawag ng istupido sa Diyos? 
6.  Dilawan ka! / Adik ka! – Mas tanggap ko ng tawaging yellowtard kesa Dutertards dahil mas may lalim at katotohanan ang mga argumento nila.  Kung tutuusin kapag sinabing dilawan ka, sakop mo na ang lahat ng oposisyon kaysa nasa side ka lang ni DU30 kaya mas pro-Pilipinas ka.  At mas ok na ang tawagin kang adik na mayroong lunas kesa tawagin kang engot na walang gamot.  At kasunod kapag tinawag kang dilawan o adik, sasabihan ka pa ng layas!, hindi ka makabayan, at kung nau-ano pa.  Eh di kayo na.
7.  @%Λ$(*^%# Ø at Iba pang mga sumpa – ito yung nasa puntong matatawa ka na lang.  Hopeless at helpless na kasi sila sa argumento.   Kasunod talaga ito nung #5, pagkatapos sasabihan ka ng “mamatay ka na”, “tarantado”, “gago”, “salot”, “pakshet” at ibat-iba pang mura o kaya’y kabastusan na.  Kapag ganito matuwa ka dahil wala na silang maipuntos at tapos na ang laban, kaya.. and the winner is YOU.

Iyung totoo, kilala silang bastos, mababaw, palalo, pala-away, matatapang at hindi magpapatalo.  Bakit kaya sila ganun?  Bakit ang baba ng tingin natin sa mentalidad nila?  Dahil sila na rin kasi ang may kasalanan dahil nagpakabulag sila.  Sila na rin ang gumawa kung ano ang tingin sa kanila ngayon kasi nagpakataas sila na ayaw amining mali sila.
16MvsMe

No comments: