Tuesday, May 12, 2020

SA PAGTIGIL NG ABS-CBN

Dito sa nangyayaring gulo sa usaping pagkansela ng prangkisa ng ABS-CBN, mas pumapanig ako sa istayon kaysa sa mga nag-aakusa ng ibat-ibang isyu.

Base sa mga lumalabas na pangungusap mula sa mga pro at anti ABS, mas natatamaan ako sa mga paliwanag ng pro-ABS dahil reliable at credible yung mga nagpapaliwanag para sa kanila.  Heto ang mga issue na ibinabato nila:
1.  Law is law. Sundin daw kung ano ang sinabi ng batas, kung sinabing isara - isara.

Kung law is law, bakit maraming communication companies ang na-expired ang prangkisa pero hindi pinahinto ng NTC habang dinidignig pa sa kongreso ang renewal?  Bakit siningle-out ang ABS?  Dahil ayaw ng Pangulo?

2.  Press Freedomn.   Ano ang kinalalaman ng press freedom sa expired franchise? No franchise – no airtime!

Ang kinalalaman ng PF sa pag-shutdown sa ABS ay ang ilang beses binantaan ng Pangulo ang ABS na ipapasara.  Dito pa lang direkta ng sinusupil ng Pang ang PF.  Yung banta - yun yung dahilan kaya no renewal ng franchise ang ABS. Yun ang connect ng PF sa franchise.

3.  11,000+ employees.  Nasa 4K+ lang empleado ng ABS.

Ang claim ng anti-ABS ay yung list of employees na isinumite ng BIR sa OSG (Calida) bago ang Senate hearing.  During senate hearing ay ipinaliwanag ng ABS na ang kumpanya ay mayroong 5K+ regular employees sa ABS-CBN Corp pa lang, may mga regular employees pa rin sila sa ABS Convergence.  Bukod dito ay mayroon silang mga non-regular emp., project emp., independent contractors, talents at project based emp. Suma-total ay 11,017 employees.  Ito ang most recent number bakit ibinabalik pa ulit yung figure before senate hearing eh nasagot na nga – nagpapalito tuloy sa mga makakabasa pa lang.  Dun tayo sa recent at nasagot na.

4.  One Franchise, One Channel / Frequency.  Isa lang ang franchise ng ABS bakit ang dami nilang channels?

Naipaliwanag na ng mga engineers ang bagay na ito.  Walang mali sa one franchise – multi digital channels dahil ganito ang naturalesa ng digital channel.  Technical ang issue na ito at ipaubaya sa mga expert na engineers. Pero ang punto, experts na amg nagsabi na tama ito. Sila ang pakingan at huwag ang netizens.

5.  Free TV Plus. Bakit nagbebenta ang ABS na dapat ay libre lang?

Dito papasok ang one franchise – multi channels.  Bago pa man nagbenta ang ABS ng TV plus (na nakapaloob dito ang KBO, pay per view etc.,) ay sumangguni na ang ABS sa DOJ para sa tamang proseso ng bentahan.  Ayon pa sa DOJ, hindi bawal ang KBO na nasa TV plus under sa rules of digital TV.  Walang iligal sa TV+ na nagpapalabas ng multiple channels. DOJ naamg nagsabi, hindi basta netizens lang.

6.  Expired Franchise – no boradcasitng.  Kung expire na ang franchise mo, di na dapat mag-broadcast.

Sa lahat ng argumento ng kabilang panig ay ito ang tama.  Pero ang tanong, sino ang nagpabaya na ma-expired?  2016 pa nag-apply ng renewal ang ABS pero inupuan lang ng kongreso.  Hanggang sa termno ni Cayetano ay hindi niya ito prinayoridad hanggang mapaso.  Pinulitika ang lahat mula 2016 dahil sa salita ng Pangulo na hindi marerenew ang ABS.  At muli, papasok dito yung argument #1. May mga narenew na expired na ang prangkisa (too many to mention, research na lang).

7.  Foreign Owner / PDR (Philippine Depositor Receipt).  Dapat mga Pinoy ang nagmamay-ari ng Broadcasting company.

Ang PDR ay share ng isang dayuhan sa kumpanya. Ang PDR ng ABS Corp ay galing sa ABS Holdings, meaning to say yung foreigner ay kumikita sa ABS Holdings – hindi sa ABS Corp.  Ni hindi nga siya pwedeng bumoto sa stockholders meeting kaya paanong naging co-owner siya ng Corporation?  At ang may ari ng ABS-CBN ay Pilipino.  Ipinanganak man siya sa ibang bansa, ang nationality niya ay Pinoy dahil iyun ang pinili niya nuon pa.

8.  Unpaid tax, Unfair Labor Practice.  Hindi sila nagbayad ng tax.  Hndi sila maayos magpatrabaho sa mga tao.

Ipinaliwanag na ng ABS ang panig nila dito sa senate hearing pa lang.  At klinaro ng BIR at DOLE ang ABS na walang pananagutan.  Ito ang mga otorisadong grupo na magsabi kung may nilabag ang kumpanya, hindi mga netizens.

9.  Campaign Ad ni DU30.  Hindi ini-ere ang campaign ad ng Pangulo.

Muli, naipaliwanag na ito ng ABS sa senate hearing at klinaro na sila ng KBP na walang nilabag sa panig ng ABS.  Ito ang otorisadong grupo na magsabi kung may nilabag ang kumpanya, hindi mga netizens.  Ibinalik ng ABS ang bayad sa Pangulo.  Natanggap ang paunang bayad at yung pangalawa ay hindi na tinanggap.

10. Mga Violations.  Ayusin muna ninyo violations ninyo.  Kung walang nilabag, bakit hindi na-renew?

Unang-una, expired franchise ang rason ng NTC kaya pinatigil nila ang ABS, hindi sa violations.  Pangalawa, inayos na ng ABS ang mga violations nila para makapag apply sila  ng renewal.  Pero hindi nga iniintindi ng kongreso na majority ay pro-DU30 para simulan so ano pa ang aayusin? November 2016 pa nagsumite pero hindi inaaksyunan.  At pangatlo, ok, sabihin mang meron ngang violation (na malamang maliit lang dahil nga sa pag-aapply pa lang ng renewal ay nagcocomply na dapat) – worth ba yung parusang kamatayan?   Di ba pwedeng suntok muna? Di ba pwedeng promisory note muna?  Penalty muna?

Ito ay hindi para sila ay ipagtanggol dahil hindi ako maka-ABS CBN at hindi nila ako tagahanga o masugid na suki.
Kundi  ito ay analysis lamang mula sa mga nababasa at naririnig ko mula sa ibat-ibang tao.

No comments: