Saturday, April 10, 2010

PARA SA MGA NALULUNGKOT

Isang araw na nakaramdaman ako ng pagka-inip, kalungkutan at pagkabigo.  May kahalong takot at inis sa sarili na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.  Natatakot na hindi ako maging masaya at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko makuha ang aking gusto.   Pagkatapos ay malulungkot ako kasi nakikita ko ang sarili kong nahihirapan samantalang yung ibang tao ay hindi naman pinagdaraanan ang aking kinalalagyan - kaya nasasaktan ako.

Nalulungkot ako kasi pakiramdam at palagay ko sa sarili ko ay isa akong bigo.  Hindi ako masaya at hindi ako kuntento sa nangyayari sa aking buhay.  Mula sa isang kasama na nasabihan ko ng aking pagka-inip ay natanggap ko ang kanyang mga salita:

“Kuntento? Iyan ang salitang hanggang ngayon ay hindi pa talaga nauunawaan ng tao. At wala pang tao na kayang sabihin na kuntento na siya. At kung darating man ang panahon na kuntento na ang lahat ng tao eh mawawalan na ng saysay ang buhay natin”.

“Patuloy na maghanap pa sa ikabubuti ng buhay natin, maghanap pa ng ikaku-kuntento natin, yung kagustuhan kung ano ang mangyayari sa atin pagdating ng panahon. Ang “ano”, ang “kailan”, ang “bakit” o kahit ang pangamba sa darating na araw…. ang mga ito ang nagbibigay ng kulay sa buhay ng tao. Para sa akin, normal ito – bahagi ito ng buhay…”

“Ang kailangan lang naman ay ang pagtanggap kung sino ka. Kailangan na matanggap mo ang mga maling nagawa mo.  Lahat ng tao ay nagkakaganito, depende lang sa paraan ng pag-tanggi na hindi sila kuntento sa buhay nila”.


  - Geri B., isang kasamahan




Alex V. Villamayor
November 2009

No comments: