Hindi biro ang buhay ng isang Manggagawang Pilipino sa Ibayong Dagat (OFW). Mahirap ang maging isang OFW sa kahit saang bansa. Subalit mas mahirap ang maging OFW kung napadpad ang iyong kapalaran sa Gitnang Silangan – lalong lalu na kung naririto ka sa Saudi Arabia. Kumpara sa ibang bansa na mayroong mga nanunuluyang Pilipino, mas malalim ang kalungkutan na nararanasan ng isang Kababayan na nasa Saudi Arabia dahil naiiba ang buhay dito na taliwas sa kinagisnan sa Pilipinas. Kung ikaw ay nasa America, Canada o ibang Kanluraning Bansa, madali kang makakapunta sa iyong mga kamag-anak o kaibigan sa sandaling dalawin ka ng matinding kalungkutan. Subalit kapag naririto ka sa Saudi Arabia, kahit malapit na kamag-anak mo ay hindi mo basta mapupuntahan. Dahil hindi hinahayaan na magsama-sama sa isang lugar ang mga dayuhan kung hindi rin lamang diretsong magkapamilya o magkakasama sa iisang trabaho. Maaari kayong magkita ngunit ito ay palihim na ginagawa. Kung wala ka naman kamag-anak na masasamahan sa gitna ng iyong kalungkutan, ang mag-isang magpalipas ng lungkot o sama ng loob sa isang tahimik na lugar tulad ng dagat ay may naka-amba na panganib. Dahil maaring ipangkahulugan ang iyong katahimikan sa isang masamang gawain na maghahatid sa iyo sa kapulisan. Maraming maaaring ipangkahulugan ang iyong pag-iisa – maaaring akusahan ka ng pagtakas sa pinagtratrabahuhan, paghahanap ng panadaliang aliw at damputin ka sa salang prostitusyon, o maaari ring akusahan ka na gumagamit ng bawal na gamot.
Kung ikaw ay naririyan sa Europa o Amerika at halos gusto mong sumigaw dahil sa iyong labis na kalungkutan – mag-isip-isip ka. Wala sa nararamdaman mo ang kalungkutan na nararamdaman ng isang nasa disyerto. Napakalungkot dito, kailangang malakas ang loob mo dahil kung mahina-hina ka ay mababaliw ka sa labis na kalungkutan. Walang sinehan tulad diyan na maaari mong mapaglibangan. Walang bahay-libangan tulad sa ibang bansa na maari mong gawin ang magpakasaya tulad ng bahay-sayawan o bahay-inuman. Walang ibang sambahan liban sa mga Mosque ng Muslim na maaari mong mapuntahan kung gusto mong kausapin ang Diyos o kaya ay mag-isa at magmuni-muni. Hindi ka maaring maabutan ng disoras ng gabi o magpalipas ng oras sa harap ng iyong tinutuluyang bahay upang magpahinga – maari kang paghinalaan ng mga pulis na may ginagawa kang hindi tama – magkakaroon ng pagtatanong, at kung nagkataon na hindi nakakapagsalita sa wikang Ingles ang isang pulis, na kadalasan ay hindi nga, ay hahantong ka sa himpilan ng kapulisan. Hindi kayo maaaring magkuwentuhan ng iyong mga kaibigan sa harap ng inyong bahay dahil ang langkay-langkay na grupo ng mga tao ay nagiging mainit sa mata ng mga kapulisan – ang maingay na pag-uusap at tawanan ay maaaring itawag sa kapulisan bilang kapwersiyohan sa kapit-bahay at publiko. Hindi maaaring ihayag ang iyong pananampalataya dahil mariing ipinatutupad sa bansang ito ang Kasagraduhan ng kanilang bansa kaya hindi maaaring mabahiran ng ibang pamamaraan ng pagpupuri sa Diyos. Ang mga babasahin at estasyon sa telebisyon at radio ay iilan lamang at piling-pili lamang. Kung tutuusin ay ipinagbabawal ang musika dahil ito ay isang uri ng kaluhuan. Napakalakas ng sensoriya dito – ang internet ay nasasala, kontrolado ang mga ipinapalabas sa telebisyon at ibinabalita – wala kang magagawa kundi ang panuorin ulit o huwag manood. Hindi pa kasama dito ang paglilibang sa pamamag-itan ng ano mang uri ng alak at sugal. Sigarilyo ang tanging bisyo na maaari mong gawin. Kaya ang nangyayari ay patago ang lahat ng iyong pamamaraan upang mapaglabanan mo ang iyong kalungkutan – kaya isipin mo kung gaano kahirap ang mabuhay ng araw-araw sa bansang ito?
Saan mang panig ng mundo, mahirap ang buhay na dinaranas ng mga Filipino na naninirahan at nagtratrabaho sa ibang bansa. Kailangan alamin mo ang kanilang tradisyon at pag-aralan ang kultura, ugali ng mga nananahan at batas ng bansang iyong kinalulugaran. Kailangan mo ang malawak na pang-unawa at malakas na pagpipigil dahil kailangan mong magsawalang-kibo kapag ang nangyayari ay hindi angkop sa iyong tamang pagkakaalam. Madalas makaranas ng diskriminasyon ang mga nanunuluyang Filipino. Dito sa Saudi Arabia, kadalasan ay kahit nasa tamang lugar ang isang Pilipino ay mas pinipili niya ang manahimik at tanggapin ang sistema dahil alam niyang mahirap ang makipag-diskusyon kapag wala ka sa sarili mong bayan – yung nag-iisa ka lang na napapaligiran ng ibang lahi. Alalahanin mo na lamang na hindi naman tayo mamamalagi sa lugar na ganito. Ang pananatili natin dito ay panandalian lamang at sa huli ay muli tayong uuwi sa ating sariling bayan upang namnamin ang bunga ng ating pagsisikap.
Alex Villamayor
May 2010

No comments:
Post a Comment