Ang Pista ni San Clemente bilang Patron ng Angono ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre kada-taon. Ngunit hindi nagsisimula at nagtatapos sa araw na ito ang pagdiriwang. Sa araw pa lamang ng Undas tuwing ika-2 ng Nobyembre ay isinasaalang-alang na ang magiging pagdiriwang ng darating na pista sa pag-antabay ng ulan, dahil nakasanayan na’ng ibase sa araw na ito na kapag umulan ng araw ng Undas ay aasahan na ang pag-ulan sa araw ng pista.
Kasunod ng pagdalaw sa mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay ay ang pagharap sa masinsinang pag-lilinis ng bahay. Natatandaan ko nuong araw, karamihan sa mga bahay ng mga taga-Angono ay gawa sa kahoy kung kaya sa unang linggo pa lamang ng Nobyembre ay nag-i-isis ang mga taga-rito ng dingding ng kanilang bahay mula sa labas, sa itaas at sa ibaba ng bahay hanggang sa loob kasama ang mga barandilya ng bintana, hagdanan, mga haligi at sahig. Matapos matuyo ang mga ito ay makikita mo ang magaganda at makukulay na kurtina sa bawat bintana ng mga bahay.
Sa pag-usad ng mga araw, sinisimulan din na gayakan ang kalsada sa pamamag-itan ng pagsasabit ng mga banderitas. Mayroong mga taon na nagiging marangya ang pagagayak sa kalsada sa pamamag-itan ng paglalagay ng mga kawayan sa magkabilang gilid ng kalsada ng kada-ikalawang bahay, at saka sasabitan ng mga nakaka-aliw at kahanga-hangang bagay na nagpapahiwatig ng mga pangyayari at buhay ng mga taga-Angono. Nagkakaroon rin ng Cedera sa plaza kung saan marami kang mabibiling mga gamit sa bahay at mga laruan na takaw-pansin sa mga bata. Makalampas lamang ang Balite ay naroroon ang kung tawagin ay Perya na nagbubukas sa gabi kung saan mayroong Tsubibo, palarong bingo at ibat-ibang libangan upang makapagpasaya sa mga dumadalaw na tao. Nagkakaroon din ng siyam na araw ng Novena na sa ika-huli ay ang pagpapalipad ng malaking lobo sa papamag-itan ng apoy. Sa huling Sabado bago ang Kaarawan ng Piyesta ay nagbabayanihan ang mga kalalakihan upang ilabas ang tatlong malalaking Bangka na gagamitin sa Pagoda, pinakamalaki ang pang-huli na siyang sasakyan ni San Clemente. Bitbit ng mga batang lalaki at mga binatilyo ang saha ng saging na siyang gagamiting daanan ng Bangka, habang itinutulak at hinihila ng mga malalaking kalalakihan patungo sa bunganga ng dagat. Habang sa kahabaan ng kalsada na daraanan ng paghila sa Bangka ay mayroong mga nagmamagandang loob na mag-bigay ng malamig na inumin sa mga tumutulong na hilahin ang malalaking bangka.
Sa gabi ng bago ang bisperas ng Piyesta ay maririnig mo ang iyakan ng mga inalagang baboy na siyang gagamitin sa handaan. Kinaumagahan ay abala na ang mga ina sa pamimili ng mga lulutuing pagkain sa araw ng Pista. Karaniwan na’ng lutuin nuong araw ang Menudo, Kaldereta, Mechado, minatamis na ube at beans, nata de coco, lecheplan at gelatin. Natatandaan ko nuon sa gabi ay mayroong prusisyon na kapag nakita ko na ang mag-anak na Higante, ang tatay, nanay at ang anak, ay nagtatago na ako sa ilalim ng lamesa namin dahil sa takot. Gawa sa kawayan at papel, nakasuot ng kulay pula at nagbibigay ng takot sa bawat bata dahil sa kanilang nakakalulang laki at madidilat na mata.
Hanggang sa kaarawan mismo ng Piyesta, isang misa sa umaga alay kay San Clemente na susundan ng isang prusisyong-bayan mula sa simbahan patungo sa dagat na siyang pinakaaabangan – ang Pagoda. Ito ang paglusong, buhat-buhat ang imahe ni San Clemente at Birheng Maria kasama ang tinatawag na parejadora – ang mga kababaihan ng Angono na may dalang sagwan tangan sa kanilang balikat at naka-suot ng bakya na pumapadyak sa kahabaan ng prusisyon, marami ang sumasama sa pag-lusong na sinasabahayan ng buhusan ng tubig habang nilalakad ang paglusong. Nakaka-aliw sa bawat nanunuod na mamamayan ng Angono, mga namimiyesta at ng mga turista. Nagbibigay kasiyahan din, habang takot naman sa mga bata ang mag-anak na Higante. Ang lahat ng ito ay kasaliw ang maraming banda ng musiko na tumutugtog ng masasayang tugtugin.
Ilang metro ang ilalayag ng Pagoda na sinasaliwan ng tugtog ng banda ng musiko, habang mayroong mga naghahagis ng mga tinapay sa mga naroroon. Ilang sandali lamang ay ang tinatawag na Pag-ahon mula sa dagat pabalik sa simbahan. Inaabangan ng mga tao ang pag-ahon dahil makikita sa prusisyon ang mga nahuling isda ni San Clemente na nagiging palatandaan ng pangingisda sa buong taon. Kasama ulit ang mga parejadora na muling papadyak, ang mga taong sumama sa pagoda – lahat sila ay basang-basa, dahil patuloy pa rin ang buhusan ng tubig, at maging ng putik galing sa dagat.
Masaya ang Pista sa Angono, isa ito sa aking mga naging makulay na karanasan at masayang ala-ala ng aking kabataan. Hindi lamang ito bilang isang pangrelihiyon na gawain kundi isa rin itong panglipunang pakikialam na magtuturo sa iyong pagkatao at pagka-Filipino. At minsan pa ay nagpapakita ito ng pagkamalikhain at pagkamasining ng mga taga-Angono.
Alex V. Villamayor
May 5, 2010

No comments:
Post a Comment